Chapter 37

5 0 0
                                    

Biglang naglagasan ang butil ng luha sa aking mata.
Anong kahibangan itong nangyayari? Ganon na ba ang pagkamuhi sa akin ni Aeon para gawin niya ito,

"Mukhang gising na ata si byutipol." Nakangising sabi ni Tisoy. Lumapit siya sa akin at lumuhod para lumebel sa aking mukha.

"Edgar baka pwede namang matikman ko ang putaheng nakahain ngayon sa harapan ko. Matagal ko na tong minamata kahit nang nasa Sitio pa kami." saka siya ngumiti ng malademonyo sabay landas ng dila sa labi at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Bakit ngayon mo lang naisip yan. Sige, mamamatay naman yan mamaya. Aliwin niyo muna, mag jijingle lang ako doon." Saka umalis si Edgar.

Tulog ang isa at lumapit naman ang dalawang lalaki saka sila nag apiran at ngumisi.

"Wala ka ngayong kawala!" agad akong napabalikwas sa kinauupuan at umusog pero hinawakan ni Tisoy ang aking mga paa na nakatali.

"W-wag parang awa mo na!" paki usap ko.

Tumawa lang ang mga ito. Hinawakan ng dalawang lalaki ang magkabila kong kamay na parang pinako sa lupa kahit na ano mang pilit kong pagpupumiglas at wala akong enerhiya.

Hinagod ni Tisoy ang aking balakang at nakikita ko ang kislap sa kaniyang mata na parang demonyo. Agad niyang niluwagan ang kanyang sinturon.

"Magugustuhan mo rin naman to." sabi nito saka nito inilapit ang mukha pero umiwas ako bago pa man niya ako mahalikan sa labi. Amoy na amoy ko ang alak. Nilandas pa nito ang kanyang mukha sa aking leeg at naramdaman ko ang kanyang dila.

"T-tama na. Pakiu-usap." iyak ko. Naramdaman kong naputol ang tali sa aking mga paa kaya di na ako nag aksaya ng panahon at agad na tinuhod ang pagkalalaki ni Tisoy kaya namilipit ito sa sakit at lumuwag ang pagkakahawak ng dalawa kaya binawi ko ang aking kamay.

Agad akong tumayo at sinipa ang dalawa kaya natumba ang mga ito. Di ko inalintana ang sakit dahil dala narin siguro ng adrenaline at kagustuhan kong maka alis.

Tumakbo ako nang tumakbo sa madilim na gubat gamit ang kaunting liwanag ng buwan. Nakagapos pa ang aking kamay at hindi na ako lumingon pa.
Hanggang sa may humila sa braso ko.

"Sam?"

"Tiyong Eddie!"

"Nasaan sina Edgar?" tanong nito habang hinihingal.

"Banda doon." natatakot kong tugon.

"Hinahanap ka namin ng Lola mo, mabuti nalang at nakita namin ang sasakyan ni Edgar sa kalsada. Dalian mo baka makita niya tayo!" Di magkaundagaga nitong sabi.

Nakasuporta si Tiyong sa akin dahil halos paika ika akong naglalakad.

"Apo!" iyak ni Lola nang makita niya kami. At nagyakapan kami. Lubos akong nagpapasalamat dahil walang nangyari sa kanila.

"Dali na. Umalis na tayo baka maabut-."
Halos mabingi ako sa lakas ng putok ng baril na umalingawngaw.

"Sila Edgar bilis!" sigaw ni Tiyong.

"La bilis! La tay-." natigil ako sa pagsasalita nang mapansin ang pulang likido na dumaloy sa aking mga kamay na nakahawak sa likuran ni Lola.

"L-la?"

"Nay? May tama kayo!" nabiglang bulalas ni Tiyong.

Napa upo kami pero inangat ko ang ulo ni Lola at pinahinga sa aking bisig.

"U-umalis n-na kayo." pilit nitong sabi.

"H-hindi! Hindi! S-sumama kayo sa amin. Bilisan niyo na La!" naiinis kong sabi kahit na naiiyak ako.

What I Once Was (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon