Gusto kong magpakalayo kaya hinayaan ko ang sarili kung saan man ako dalhin ng aking mga paa.
Napaupo ako sa tabi ng daan nang nagsimulang sumariwa sa aking isip ang nakita kanina. They are engage kaya siguro normal lang sa kanila ang ganon, pero masakit lang sa part ko dahil parang di nila ako nirespeto. Tinext niya para ano? Para ipagmukha
sa akin na masaya sila? Arghh!"Sam?" I lifted my head to see Tyler. Bumaba ito sa kanyang sasakyan.
"Anong ginagawa mo dit-" Naputol ang kanyang tanong nang makita niya akong humihikbi.
"Anong nangyari?" His eyes is full of worry.
"S-si Ae-Aeon nakita ko sila ni Celine sa k-kwarto." After I ended my statement Tyler hugged me tight.
"Shh. I'm sorry." he comforted me and let me cry on his chest. Pero ang bigat ng nararamdaman ko ay di naiibsan.
Masyadong masakit.
He offered me to go around and forget things out pero tumanggi ako. I can't find happiness at this moment kaya nagpasalamat ako nang ihatid niya ako sa bahay at umalis ko din siya pagkatapos.
"Apo ayos ka lang ba? Gusto mo nang may makakausap?"
lumuwa sa pintuan si Lola.
Ang maliit nitong mata ay puno nang pag alala. Ngumiti ito ng pilit sa akin kaya lumabas ang biloy nito. Bigla akong nakadama ng konsensya. Ako ang dahilan ng kanyang mga pangamba. Kung di lang sana ako narito sa mundong to ay siguradong sasaya sila.
"La pasensya na kung sakit lang sa ulo at problema ang dala ko." Napayuko ako sa kahihiyan. Lumapit naman si Lola sa akin saka ako niyakap kaya napahagulgol ako.
"Tahan na. Alam kong madami kang dinadala na bigat. Lilipas din yan Apo. Magpakalakas ka lang."
"Nagsisisi ho ba kayo dahil dumating ako sa buhay niyo?"
"Kahit kailan hindi apo. Binalot man ng sikreto ang pagkatao mo, ito ang tandaan mo. Ikaw ang pinakamasayang bagay na nangyari sa buhay ko. Di man tayo magkadugo, apo kita at Lola mo ako. Wag na wag mo yang kakalimutan. At ipaglalaban kita kahit na kanino kahit magkamatayan man." ngumiti siya sa akin na kinagaan ng aking loob.
Niyakap ko siya. Tama, kung paulit ulit man akong pahirapan ng mga hamon sa buhay, si Lola ang aking inspirasyon para mapagtagumpayan ang mga ito.
Walang makakapigil sa akin para harapin ang bukas. Hindi si Alonso. Hindi si Celine. Hindi ang hindi pagtanggap sa akin ng mga Villarde.
"Aba, bakit di niyo ako sinali. Magtatampo ako sa inyo." aktong pagtatampo ni Tiyang sa pintuan saka ito pumasok at nakisali sa pagyayakap namin.
"Mahal na mahal ko ho kayo La, Tiyang." tangi kong nasabi.
***
Naghintay ako sa paliwanag ni Aeon pero walang dumating.
"Mamayang gabi pa daw magpapadala si Sir Dominic ng mga bantay dito sa bahay." narinig kong sabi ni Tiyang.
Kasalukuyan akong nagpapakain ng mga manok dahil mag aalas kwatro na.
"Ho? Sabihin niyo na hong wag na. Nakaka abala pa tayo eh di naman natin sila kaano-ano." aking tugon.
"Apo. Gusto ko mang ilayo kita sa kanila, pero mas nanaisin ko yon kesa mapahamak ka." tinig ni Lola.
"Magkaroon pa tayo ng utang na loob." bulong ko.
"Nak, hayaan mo. Ang bait pa naman ni Sir Dominic saka ang gwapo gwapo pa. Lubos yong nag alala sa iyo. Di tulad ng Don Primo na yon!" ika ni Tiyang.
Dina ako nag argumento pa pero sa loob ko ay natatakot din ako sa kayang gawin ng mga Coronel, di sa akin kundi para kina Lola at Tiyang.
BINABASA MO ANG
What I Once Was (Highschool Series #1)
Teen FictionHighschool Series #1 In a family of hacienderos, Aeon is recognized in the province of Nueva Ecija as a intelligent, attractive, cold, and famous haciendero. He also have a skilled at beating people up but not until Samantha shows up. Behind love is...