Chapter 11

6 3 0
                                    

That school year didn't end well. Ayokong magsinungaling kay Lola pero kailangan ko nung mga panahong yon. As usual it went big due to the fact that I slapped Alfonso, I slapped their king. The hatred in everyone's eyes as they look at me were like piercing daggers though I didn't mind it. I hate that guy as much as they hate me. Good thing is it happened weeks before our closing ceremony. Kaya sa dalawang buwang bakasyon, wala munang bashers, walang gulo at lalong walang demonyo.

"Kinukulang na ng tao sa hacienda Nay, lumalawak din kasi ang lupain ng mga Alfonso kaya sandamakmak na anihan at mga gawain ang nakatambak." kwento ni Tiyang Lena habang nag aagahan kami.

"Di na iyan kataka taka dahil kilala talaga bilang magagaling na mga haciendero ng mga Alfonso kaya patuloy ang pasok ng negosyo rito sa bayan." sang ayon ni Lola.

Habang nagkukuwento sila ay di maiwasang lumipad ang isip ko sa mukha ng magiting na Don, higit tatlong taon na ang nakalipas simula ng makita ko ito. Malayong malayo sa demoyong yon.

"Si Eddie nga ay maliban sa pag aalaga ng mga hayop sa rancho ay tumutulong rinsa pag aani para dagdag kita na rin. Ayon at di nakasama rito dahil patuloy silang umaangkat ng produkto."

"Tama iyan anak. Kapag may oportunidad na kumatok, kunin agad."ani ni Lola.

Gumawi ng tingin ang Tiyang sa akin.

"Nais ko nga sana itong isama si Sam sa hacienda Nay. Sayang rin ang konting kita roon at ang scholarship ng Don."

Bigla akong napa isip sa benepisyong makukuha pero agad ko itong iwinaksi dahil sa taong tiyak guguho sa pangarap at tahimik kong buhay.

"Wag na Lena. Masyado pang bata si Sam para sa mga ganoong pamumuhay. Kaya pa naman namin ang mga gastusin at bayarin rito. Saka sino naman ang magiging katuwang ko rito sa bahay? Abay pagkatapos ng bakasyon ay balik aral na naman itong Apo ko kaya tiyak tuwing sabado't linggo lang ang pagkikita namin." sentimentong sabi ni Lola.

Napangiti naman ako roon.

"Mungkahi lang naman Nay. Lumalaki na itong pamangkin ko. Kaya kailangang todo suporta tayo sa pinansyal na gastusin."

"Salamat Tiyang. Pero okay pa naman kami ni Lola rito saka ang ipon nyo ho para yan sa inyo ni Tiyong at sa bubuoin niyong pamilya."

"Pamilya rin naman tayo dito 'nak. Basta kung may kailangan ka wag kang mahiyang magsabi." pangaral ni Tiyang.

The opening of class is hectic. Daming mga words of wisdom at mga pahirit ang mga speaker kaya ang iilan ay umalis ng stadium.

"Di pa daw na post ang listing ng sectioning kaya standby muna tayo." Owen announce.

"Pareho parin ang seat plan ha. Basta magkatabi kami ni Sam mwahaha." Rein giggled.

"Oo na! Eto talaga maka kopya lang. Basta palit tayo sa second quarter ha!" at nagtawanan ang dalawa.

"Nasaan sina Cedric at Lance Yas?" tanong ko sa tila naaantok na si Elias.

"Nasa Negros pa si Cedric bukas pa ang uwi. Absent naman ang isang ungas kasi wala daw si Cedric."

Napa tango nalang ako.

Naglalakad na kami papuntang building ng room namin ng nagtilian ang mga babae sa harapan. Bigla akong kinabahan ng masilayan ang limang mala grandiyosong mga lalaki na naglalakad sa gitna ng mataong hallway na ngayo'y napupuno na ng mga kababaihan at mga nag iilawang flash ng cellphones.

"Uh oh the hotties are here."

"Shut up ka nga jan baks" batok ni Rein kay Owen na kinikilig.

"Ano ba! Ang paa ko!" sigaw ni Jeah babaeng naka apak sa kanya.

What I Once Was (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon