Chapter 2

7 3 0
                                    


"Nag review kaba kagabi Sam?" Tanong ni Mam
Lopez.

"Ah opo. Yung libro po na binigay niyo saka yung mga notes ko ang nireview ko."

"Pasensya ka na at kahapon ko lang nasabi sa iyo ang tungkol sa Science Quiz Bee. Late na rin kasi naipadala ang memo rito kasi malayo sa bayan." ani Mam.

Bumaba kami ni Mam ng traysikel at bumungad sa amin ang Paaralan ng Sentral ng Cabanatuan. Dito gaganapin ang contest at kahapon lang kami ni Mam nag ugnayan. Dahil busy sa pag practice para sa graduation next week at dahil hindi nakadating ng maaga ang sulat paanyaya.

Suot ang aking unipormeng kupas ay sumunod ako kay mam. Nakasalubong namin ang mga estudyanteng taga rito at diko mapigilang mamangha sa ganda ng kanilang uniporme at paaralan.

"She must be from other school."

"Look at her clothes. Eww!"

"Taga bukid yan."

"For sure talo yan kay Aeon."

Rinig ko sa kanila. Nakayuko lang ako hanggang sa tumigil si Mam.

"Naku Mrs. Lopez akala ko hindi na kayo sasali."
Nakangiting aso ng chubby na titser.

"Akala ko nga rin Sir. Pero narito na rin lang kami.
Gusto naming subukan." sagot ni Mam.

"Baka matalo lang kayo. Anak pa naman ni Don Antonio ang representative ng paaralang sentral.
Matalino daw iyon." proud na sabi ng isang babaeng titser.

"Talaga? Pero kampante naman ako sa alaga kong ito." Nakangiting sabi ni Mam sabay hawak sa aking balikat.

"O eto ang kanyang numero at isabit mo sa kanyang uniporme. Saka paki fill up nitong form
Mam."

Kinuha ni Mam ang bilog na papel na may nakalagay na numerong forty-four at ipinadikit sa aking uniporme.

Habang sumusulat si Mam ay may tumigil na dalawang SUV sa gate at lumabas ang walong naka unipormeng lalaki na tila mga bantay at bumaba ang mag asawang nasa edad forty-five pataas.
Kasabay nito ang tatlong batang lalaki at isang babae.Nag ingay ng kaunti ang mga batang babae.

Tila nasa kolehiyo na ang isang lalaki. Ang babae naman ay nasa high school. Ang isang batang lalaki na may barbers cut na buhok ay mas bata sa akin ng isang taon. At ang isang batang lalaki naman nakataas na buhok na tila pinuno ng gel at mahahalintulad sa buhok ng bida sa dragon balls.
Siguro'y kaedad ko.

Napatingin ang lahat sa kanilang daraanan. At nakangiting bumabati.

Bawat parte ng kanilang katawan ay sumisigaw sa karangyaan at awtoridad. Simula sa damit at tindig. Ibang iba sa akin, sa aming mga dukha.

Nakatulala lang ako sa kanila habang palapit sa amin. Seryoso ang matandang lalaki na nakikipagkamay sa bawat lumalapit. Para itong
Presedente ng bansa.

Hanggang tumigil sila sa di kalayuan.

"Magandang umaga po Don Antonio at Donya
Cecilla." bating mga titser.
Umayos sa pagkakatayo si Mam Lopez iginiya ang aking balikat para tumabi ng konti.

"Yan si Don Antonio Alfonso at ang kanyang may bahay na si Donya Cecilla na may ari ng Hacienda Alfonso at iyan ang kaniyang mga anak." sabay turo sa mga batang Alfonso.

Si Christian Alfonso ang panganay. Tapos sinundan ni Elsie Alfonso, ang nag iisang babae. Tapos ang bunso si Blake" Turo ni Mam sa lalaking bata na nakangiti at barbers ang buhok.

"Ang pangatlo pala, nakalimutan ko. Si Aeon. Siya ang makakalaban mo mamaya sa contest."
Tiningnan ko ang batang lalaking tila walis na binaliktad ang buhok na seryosong nakatingin lang sa harapan na tila manununtok.

What I Once Was (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon