Chapter 4

197 10 0
                                    

Third Persons POV

Naglalaban na nga si Dave at Silver gamit ang kanilang mga majica at nakikita yun ng mga tao sa Celestial Kingdom.

Naglabas ng espada sina Dave at Silver at nagpalitan sila ng atake at sa bawat atake nilang dalawa ay naglalabas yun ng mga malalakas na enerhiya.

Parang di magasawa kung maglaban ang dalawa dahil makikita mo talaga sa mga mata nila ang galit.

Nang makita yun ni Jade ay unti unting tumulo ang luha niya dahil di niya inaasahan na maglalaban ang kanilang mga magulang.

"12 Zodiac Spirit:Labas"--sigaw ni Jade at lumabas naman ang mga spirit ni Jade.

"6th Guardian of the Underworld:Labas!"--sigaw pa ni Jade.

"Miguel, Lucifer:Labas!"--sigaw pa ni Jade at lumabas ang lahat ng mga spirit niya.

"Mega Merge!"--sigaw pa ni Jade at isa isa nang pumasok ang mga spirit niya sa katawan niya.

"Jade wag mong gagawin yan, mapapahamak ka"--saad naman ni Lennox.

"Kailangan ko po itong gawin para po tumigil na sina Mommy at Daddy"--saad naman ni Jade habang isa isang pumapasok sa katawan niya ang mga spirit niya maya Maga pa nga ay natapos na ito ay agad agad niyang ikinumpas ang kamay niya at nagkaroon ng mga tali sina Silver at Dave.

"Tama na po yan Mommy, Daddy"--saad naman ni Jade.

"Jade bakit mo yan ginawa?"--tanong naman ni Silver nang makita niya si Jade.

"Para po pigilan kayong dalawa, kasi ang sakit sakit po kasing makita na naglalaban kayong dalawa at mukhang magpapatayan po kayong dalawa"--saad naman ni Jade.

"Di ko naman yun gagawin sa Daddy mo dahil kahit naiinis ako sa kanya ay mahal ko pa rin siya, di ko nga ginagamit ang mga spirit ko ehhh dahil ayaw kong masaktan siya"--saad naman ni Silver.

"Pwede po bang huminto na po kayo sa laban niyo at kahit kahit ay di na po kayo magaaway ng ganito, kasi nasasaktan po kasi kami ni Kuya Lennox kapag nakikita po namin na naglalaban kayong dalawa ehhh"--saad naman ni Jade.

"Pangako anak di na kami magaaway o maglalaban ng Mommy niyo tsaka pasensya na sa nakita niyo ngayon"--saad naman ni Dave.

"Sorry Silver ahhh, Nasaktan lang talaga ako sa mga sinabi mo kanina ehhh"--saad naman ni Dave.

"Naiintindihan ko tsaka sorry na din kung nasabi ko yun sayo pero simula diba ng magkaanak tayo o kahit di pa tayo nagkakaanak ay mahal na natin ang isa’t isa"--saad naman ni Silver.

Nanghina naman si Jade at bumalik na ito sa dati nitong anyo, agad agad namang nilapitan nina Silver at Dave si Jade, kahit si Lennox ay lumapit din kay Jade.

"Inumin mo ito anak para bumalik ang lakas mo"--saad naman ni Silver at naglabas ito ng isang gintong butil at isinubo ito sa bibig ni Jade.

Maya maya pa nga ay unti unti nang bumabalik ang lakas ni Jade at agad agad namang niyakap ni Jade sina Dave at Silver.

"Mommy, Daddy, wag na po kayo magaaway ahhh"--saad naman ni Jade.

"Oo naman anak, promise di na mauulit yun"--saad naman nina Dave at Silver.

"Salamat naman po"--saad naman ni Jade.

🔸🔸🔸🔸Jarred's POV🔸🔸🔸🔸

Nagdesisyon akong pumunta sa Snake Mountain dahil baka nandun si Jade pero pagdating ko ay ang mga Snake Warrior lang ni Jade ang nadatnan ko.

"Nasaan po si Young Lord Jade?"--tanong ko naman sa parang Heneral.

"Nandun sa Celestial Queendom"--saad naman ng Heneral.

A Powerful Gay Summoner:The Return of the Enemy From the Past(Book 5) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon