Jade's POV
Nandito na ako ngayon sa Dreamland Kingdom at aalis na kami ni Jarred dahil pupunta kami sa Kiercan Continent dahil ibibigay namin kay Strella ang kanyang Majica..
"Aalis na po kami"--saad ko naman sa mga magulang ni Jarred at nakita ko silang tumango kaya naman ay naglaho na kaming dalawa ni Jarred at nang lumitaw kami ay nandito na kami sa Kiercan Continent.
"Hello po Kuya Ethan"--saad ko naman nang makita ko ito na nakaupo sa kanyang trono.
"Young Lord Jade"--saad naman ni Kuya Ethan.
"Kumusta po ang pagpunta niyo po sa Celestial Kingdom?"--tanong pa ni Kuya Ethan.
"Ito po ohhh, ibinigay na niya po sa akin"--saad ko naman at inilabas ko na ang majica ni Strella.
"Maraming Salamat po, Young Lord Jade"--saad naman ni Kuya Ethan.
"Walang anuman po"--saad ko naman.
Ibinigay ko naman ang majica ni Strella kay Kuya Ethan kinuha naman ito ni Kuya Ethan at naglaho na ito.
"Jade bakit kay King Ethan Kuya ang tawag mo sa kanya pero kay Queen Strella ay tinatawag mo lang siyang Strella?"--tanong naman ni Jarred.
"Hindi ko siya Close, di tulad ni Kuya Ethan ay nakasama ko siya ng nung maliit palang ako"--saad ko naman.
"Ahhh okay"--saad naman ni Jarred.
"Ohhh anong ginagawa mo dito?"--tanong naman ni Josh kay Jarred.
"Kasama ko siya bakit?"--tanong ko naman at napatingin ito sa akin.
"Young Lord Jade"--saad naman nito nang makita ako.
"Anak pwede ba makinig ka naman sa akin ngayon, tigilan mo na ang Prinsipe ng Dreamland Kingdom dahil kahit maliit ang kanilang lupain ay di tayo mananalo sa kanila dahon malalakas ang mga kawala nila dun at mga Black Witch sila kaya pwede ba tigilan mo na si Prince Jarred"--saad naman ni Kuya Ethan.
"Bakit Daddy natatakot kaba sa kanila?"--tanong naman ni Josh sa kanyang Daddy.
"Hindi ako natatakot sa kanila, ang iniisip ko lang ang kapakanan ng buong Kiercan Continent dahil kapag kinalaban natin sila para na din nating kinalaban ang Summoner Kingdom dahil ang lupain nila ay sakop ng lupain ng Sarichia Continent at ang Summoner Kingdom ang namumuno dun"--saad naman ni Kuya Ethan.
"Kaya magisip isip ka dahil kapag kinalaban tayo ng Summoner Kingdom ay walang tutulong sa atin na ibang Kontinente dahil di nila kayang kalabanin ang lakas ng Summoner Kingdom"--saad pa ni Kuya Ethan.
"Titigil lang po ako Daddy kapag ibinalik na po ni Jarred ang Necklace of Dreams"--saad naman ni Josh.
"Sa Dreamland Kingdom ang kwentas na ito at mahalagang bagay ito para sa aming kaharian kaya di ko to ibibigay sayo"--saad naman ni Jarred.
"Bakit ano bang meron dyan sa Necklace of Dreams na yan?"--tanong ko naman.
"Kaya nitong silipin ang nakaraan at hinaharap at kaya rin gawin ng taong may suot niyo na baguhin ang hinaharap o nakaraan sa pamamagitan lang ng panaginip"--saad naman ni Jarred at nagulat talaga ako nang marinig ko yun.
"Kung ganon ay bantayan at alagaan mo yan na wag makuha sayo dahil baka gamitin yan sa kasamaan"--saad ko naman.
"Yun na nga ehhh, kaya nga pinilit ko itong kunin noon"--saad naman ni Jarred.
"Ano ba ang gagawin mo sa Necklace of Dreams na yan?"--tanong ko naman.
"Babalikan ko ang nakaraan para iligtas ang kasintahan ko"--saad naman ni Josh.
BINABASA MO ANG
A Powerful Gay Summoner:The Return of the Enemy From the Past(Book 5) Completed
FantasyMahabang panahon na ang lumipas at naging mapayapa ang buong Mundo ng Rivaryn sa pamumuno ni Emperor Asher at Empress Mylene. Sa Celestial Kingdom naman kung saan pinamumunuan ni Kendrick at Kristof ay naging maayos din ang pamumuno nito, habang sa...