Chapter 25

164 10 0
                                    

Jade's POV

Nandito ako ngayon sa Celestial Queendom dahil nabalitaan ko kay Kuya Kendrick na may nangyari daw kay Mommy kaya nandito ako para bantayan siya.

"Ohhh anak bakit ka nandito?"--tanong ni Daddy sa akin.

"Kukumustahin ko lang po si Mommy tsaka babantayan ko po siya"--saad ko naman.

"Okay lang ako anak, nandito naman ang Daddy mo tsaka si Kuya mo Kendrick, asikasuhin niyo na muna Jarred"--saad naman ni Mommy.

"Mommy kahit anong mangyari wag niyo po akong iiwanan ahhh, kayo din po Daddy wag niyo po akong iiwanan ahhh"--saad ko naman at niyakap ko silang dalawa.

"Oo naman wag kang magalala dahil di kami mawawala sa sayo"--saad naman nina Mommy at Daddy.

"Salamat po Mommy, Daddy"--saad ko naman at naglaho na ako at paglitaw ko ay nandito na ako sa loob ng kwarto namin ni Jarred at nakita ko itong nakahiga sa kama kaya naman ay agad agad akong pumatong sa kanya at dun ako umiyak sa dibdib ni Jarred.

"Ohhh, Jade kumusta ang Celestial Queendom? tsaka si Goddess Silver kumusta?"--tanong naman ni Jarred.

"Okay na ang Celestial Queendom at okay na din si Mommy pero nung yakapin ko si Mommy kanina ay may nakita akong pangitain at nakita ko ba masasaktan pa ulit si Mommy, parang ang hirap makitang nasasaktan si Mommy"--saad ko naman at umiyak na ako nang umiyak.

"Tahan na"--saad naman ni Jarred at hinaplos haplos ako likod at sa ulo, medyo nawala na din ang bigay ng damdamin ko ngayon.

"Pwede bang dito na muna ako?"--tanong ko kay Jarred sabay tingin kay Jarred.

"Oo naman, pwedeng pwede"--saad naman ni Jarred at pinunasan niya ang luha ko sa mata.

"Wag nang umiyak ang baby Jade ko"--saad pa ni Jarred at hinalikan ako sa labi.

"Salamat ahhh, buti nalang nandito ka kahit papano ay nababawasan ang lungkot ko"--saad ko naman.

"Walang anuman, basta ito lang ang tandaan mo nandito lang ako sa tabi"--saad naman ni Jarred at niyakap ako.

"Hindi kaba nabibigatan sa akin?"--tanong ko naman.

"Hindi naman, ang sarap nga sa pakiramdam na nakahiga ka sa aking katawan ehhh, wag kang magalala dahil gustong gusto ko na nakapatong ka sa akin"--saad naman ni Jarred.

"Ang bait naman nang mate ko"--saad ko naman at hinalikan ko ito sa labi.

🔸🔸🔸🔸Silver’s POV🔸🔸🔸🔸

Nandito kami ngayon sa Celestial Queendom at naghahanda ako dahil muli kong ibabalik ang mga Guardian ng Celestial Queendom.

Kung sina Railey ay mga Guardian ng Celestial Kingdom, ito namang bubuhayin ko ay mga Guardian sila ng Celestial Queendom, kailangan ko sila dahil sila ang ihaharap ko kina Lola Sky at Lolo Mark.

"Card of the Deity of Souls:Labas Yadira"--saad ko naman at lumabas naman ito.

"Master"--saad ni Yadira.

"Ilabas mo ang mga Ancient Soul ng Guardian of Celestial Queendom"--saad ko naman.

"Cge po"--saad naman ni Yadira.

Ikinumpas naman nito ang kamay at lumitaw ang walong kaluluwa kaya naman ay agad agad ko naman itong kinuha at naupo ako sa sahig ng palasyo.

"Babe dun muna kami sa labas ng Celestial Queendom"--saad naman ni Dave kaya naman ay napangiti ako.

"Wag na dito nalang tayo"--saad naman ni Ian.

"Bahala ka kung magpaiwan ka dito basta ako lalabas ng Celestial Queendom"--saad naman ni Dave at naglaho na ito.

A Powerful Gay Summoner:The Return of the Enemy From the Past(Book 5) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon