Jade's POV
Kinabukasan nang magising kami ay kumain muna kami at nang matapos kaming kumain ay saka na kami lumabas ng kweba.
Ngayon nga ay naglalakad na kami papunta sa Palasyo ni Jaylo at kasama namin siya kaya walang gumagalaw sa amin na mga Kawal.
"Ang talino mo talaga ehhh noh para di kayo atakehin ng mga kawal ko talagang ipinalabas mo ako para makapasok sa palasyo ko ng walang kahirap hirap"--saad naman ni Jaylo sa akin.
"Syempre naman ako pa ba"--saad ko naman.
"Mahal na Emperor sino sila?"--tanong nang isang kawal kay Jaylo nang makarating na kami sa palasyo ni Jaylo.
"Mga Kaibigan ko"--saad naman ni Jaylo.
"Ilabas mo ang mga piraso ng Ancient Magic Staff dahil kailangan nila yun"--saad naman ni Jaylo sa kawal nito.
"Masusunod"--saad naman ng kawal at umalis na ito sa harapan namin.
"Pasok na tayo"--saad naman ni Jaylo kaya naman ay pumasok na kami sa bulwagan ng palasyo niya at nang makapasok na nga kami ay agad agad siyang naupo sa trono niya.
"Hayyy, mamimiss ko itong palasyo ko"--saad ni Jaylo habang nakaupo ito sa kanyang trono.
"Ito na ang kailangan niyo"--saad naman ng kawal at ibinigay naman sa akin ang mga piraso ng Ancient Magic Staff.
"Hangal ka Jaylo bakit mo ibinigay sa kanila yan?"--tanong naman ng isang lalake at malakas din ang majica nitong isang ito.
"Master yan si Jam ang Devil God ng Devils Realm"--saad naman ni Arrt sa aking isip.
"Bakit hindi ehhh yan ang kailangan ng Master ko"--saad naman ni Jaylo.
"Ano pumayag kang maging Spirit nang mahinang nilalang na ito?"--tanong naman ni Jam at uminit naman ang aking ulo nang marinig ko yun.
"Excuse me, kayang kaya kitang talunin ng isang Spell lang"--saad ko naman.
"Nakapayabang mong bata ka"--saad naman ni Jam.
"Ganito kapag natalo kita ay gagawin kitang Spirit ko"--saad ko naman kay Jam.
"Cge, pero kapag natalo kita ay gagawin kitang asawa ko"--saad naman ni Jam.
"Jade wag kang pumayag"--saad naman ni Jarred.
"Relax kalang dahil kayang kaya ko itong ungas na to"--saad ko naman.
"Cge payag ako"--saad ko naman, inilabas ko naman ang Cetro ko at itinutok ko ito sa kalangitan, kitang kita kasi ang kalangitan dito sa bulwagan ng palasyo ni Jaylo ehhh.
"Blazing Lightning Rain!"--sigaw ko agad at biglang umulan ng mga kidlat na umaapoy at lahat nang yun ay papunta kay Jam umiwas naman ito pero sadyang mabibilis ang mga kidlat ko kaya naman ay nasasalo niya ang mga kidlat ko.
Hanggang sa bumagsak ang napakalaking Blazing Lightning na kasama ng Major Spell na ginawa ko at sakto dahil tumama yun kay Jam ay tumilapon ito sa isang haligi ng palasyo.
"Pano ba yan talo ka"--saad ko naman kay Jam.
"Ako si Jade Cervantes isang Summoner at tinatanggap ko ang nilalang na nasa harapan ko na maging Spirit ko"--saad ko at lumitaw ang malaking Magic Circle sa inaapakan ko at sa kinauupuan ni Jam.
"Ako naman si Jam ang Devil God at pumayag akong maging Spirit ng Summoner na nasa harapan ko"--saad naman ni Jam at lumabas na ang isang card na walang laman.
"Master"--saad ni Jam sabay youko sa harapan ko bago ito pumasok sa loob ng Card at pumasok namn ang Card sa loob ng katawan ko.
"Panahon na para lisanin ang palasyong ito pati na ang mga tao"--saad ni Jaylo at ikinumpas nito ang kamay at biglang yumanig ang buong palasyo at unti unting pumasok ang napakalakas na majica sa kanyang katawan.
BINABASA MO ANG
A Powerful Gay Summoner:The Return of the Enemy From the Past(Book 5) Completed
FantasyMahabang panahon na ang lumipas at naging mapayapa ang buong Mundo ng Rivaryn sa pamumuno ni Emperor Asher at Empress Mylene. Sa Celestial Kingdom naman kung saan pinamumunuan ni Kendrick at Kristof ay naging maayos din ang pamumuno nito, habang sa...