Chapter 24

117 8 0
                                    

Dave’s POV

Nang lumitaw kami dito sa Celestial Queendom ay agad naging abala si Silver sa kanyang ginagawa para malaman namin kung sino ang bumubuhay sa mga namayapa na at hanggang ngayon ay mukhang di pa niya makita kung sino.

"Bwesit, Sino ba talaga ang nilalang na yun!"--sigaw ni Silver at mayroong bumagsak na isang kidlat sa barrier na ginawa ni Silver.

"OMG,ang lakas nun"--saad naman ni Shaira.

"May humaharang kasi sa kapangyarihan ko at mukhang mas malakas siya sa akin"--saad naman ni Silver at naiinis pa rin ito.

"Babe, huminahon kana muna"--saad ko naman.

"Pano ako hihinahon kung may problema tayong kinakaharap lalo’t pa't di natin kilala kung sino ang bumubuhay sa mga dati nating kalaban ehhh paano kung buhayin nun si Deimos ehhh di mas lalo tayong mahihirapan!"--pasigaw na tanong ni Silver.

Di naman ako kumibo at ganon din ang mga kaibigan namin dahil dati pa man kapag galit si Silver ay di kami pwedeng makialam baka patamaan kami ng mga kidlat.

Hanggang sa may nakita akong mga imahe at nakita ko dun sina Hikaru at Deimos kaya naman ay nagulat ako dahil dagdag na naman sa kalaban namin at paniguradong dagdag na naman to sa galit ni Silver.

"Babe may sasabihin ako"--saad ko naman kay Silver.

"Ano yun?"--tanong naman ni Silver at humarap ito sa akin kaya naman ay ikinumpas ko ang kamay ko at lumitaw ang mga imahe ng mga nakita ko sa aking mga mata.

"Yan na ang sinasabi ko Dave, paano pa ako hihinahon ngayong nadagdagan na naman ang mga kalaban natin!"--sigaw ni Silver at may bumagsak na mga kidlat sa barrier na ginawa ni Silver at biglang itong nabasag kaya naman ay kanya kanya kaming lagay ng mga barrier.

"Babe tama na yan, madadamay kaming lahat"--saad ko naman.

"Ito namang Celestial Eye ko di naman gumagana, naiinis"--saad naman ni Silver.

"White Celestial Demon:True Form!"--sigaw ni Silver at naging White Demon na ito at ang lakas lakas niya.

"Makapangyarihang Mata ng mga White Demon ipakita sa akin kung sino ang bumubuhay ng mga namayapa na Ngayon din!"--sigaw ni Silver at biglang lumiwanag ang kanyang mga mata hanggang sa nakita namin ang pagtulo ng luha nito kaya naman ay nagtaka kami.

"Babe Lumabas muna kayo ng Celestial Queendom"--saad ni Silver at mararamdaman mo sa kanyang pananalita na galit na galit ito.

Kaya naman ay naglaho na kaming at paglitaw namin ay nandito na kami sa himpapawid at kitang kita namin ang buong Celestial Queendom kahit pa si Silver.

"Aaaahhhhh!"--sigaw ni Silver at lumabas ang napakalakas na majica at enerhiya niya.

"Bakiiitttt! Sa Dinarami rami ng pwedeng makalaban namin bakit ikaw paaaaa!"---sigaw pa ni Silver at nagsibagsakan ang mga kidlat na umaapoy na at iba iba ang kulay ng Apoy na nakalagay sa kidlat.

"Hindi kita kayang kalabanin dahil mahal na mahal kita peri bakit ikaw pa ang makakalaban ko, napakasama nang tadhana sa akin, bakkkittt!"--sigaw pa ni Silver at mas lalong lumakas ang mga nagsisisbagsakang mga kidlat.

Ang dating napakagandang palasyo ng Celestial Queendom pero ngayon ay di na matatawag na palasyo pa dahil sira sira na ang buong palasyo dahil sa mga kidlat na tumama.

Nakita naman namin na napaupo si Silver sa sahig ng palasyo at umiiyak ito gusto siyang lapitan pero baka may bumagsak na kidlat.

"Dito lang kayo ahhh, kapag may babagsak na kidlat kayo na ang humarang, pupuntahan ko lang si Silver"--saad ko naman sa mga kaibigan ko.

A Powerful Gay Summoner:The Return of the Enemy From the Past(Book 5) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon