Chapter 6

162 5 0
                                    

Jade's POV

Nandito kami ngayon ni Jarred sa Bamboo Forest at naguusap kaming dalawa ng tungkol sa aming dalawa.

"Okay lang ba sayo na ako ang naging Mate mo?"--tanong naman ni Jarred sa akin.

"Oo naman noh, Alam mo bang gusto kita kaya lang di ko lang pinapahalata sayo dahil isa akong Vampire at kung sino man yung maging Mate namin ay yun ang mamahalin namin"--saad ko naman.

"Tsaka masaya ako na ikaw ang Mate ko"--saad ko pa.

"Mabuti naman, Alam mo bang gusto din kita"--saad naman ni Jarred.

"Nararamdaman ko naman yun dahil nung dinalhan mo ako ng pagkain na ikaw mismo ang nagluto tsaka binantayan mo ako dun sa Snake Mountain nung nanghihina ako ay alam ko nang may gusto ka sa akin"--saad ko naman.

"Masyado bang halata?"--tanong naman ni Jarred.

"Di naman sakto lang, tsaka ang sweet mo nga ehhh"--saad ko naman.

"Hindi mo ba ako ikakahiya sa mga kapwa mo Prinsipe at Prinsessa ng mga Kontinente?"--tanong naman ni Jarred kaya naman ay napahinto ako sa paglalakad at tumingin ako sa kanya.

"Bakit ko naman yun gagawin?"--tanong ko naman.

"Kasi isipin mo galing ako sa maliit na lupain dito sa Sarichia Continent at di gaano kalakas ang pwersa namin at di rin kami maimpluwensya"--saad naman ni Jarred sa akin.

"Ano naman ang masama dun tsaka di kita ikakahiya noh dahil di ako ganon tsaka ang gwapo gwapo mo kaya"--saad ko naman.

Habang naguusap kaming dalawa ni Jarred ay mayroong lumitaw na isang Pearl at nang kunin ko yun ay narinig ko ang boses ni Kuya Kristof at pinapapunta kami ni Jarred sa Summoner Kingdom.

"Jarred may pupuntahan tayo"--saad ko naman kay Jarred at agad agad ko itong hinawakan at naglaho na kaming dalawa at nang lumitaw kami ay nandito na kami sa bulwagan ng Summoner Kingdom.

"Hello mga Kuya!"--sigaw ko naman at tumakbo ako papunta sa kanila at niyakap kami silang lahat.

"Emperor Asher, Empress Mylene, God’s & Goddess isang pagbati po sa inyo"--saad naman ni Jarred at yumuko ito.

"Tumayo ka na dyan"--saad naman ni Kuya Argus.

"Jade siya ba yung Mate mo?"--tanong naman ni Kuya Kendrick.

"Opo Kuya Kendrick at katulad din po siya ni Kuya Kristof magaling din po siyang magluto"--saad ko naman.

"Ikaw talaga Jade talagang napakatakaw mo"--saad naman ni Kuya Kristof ngumiti lang ako sa sinabi ni Kutha Kristof.

"Siya nga pala Jarred sina Kuya Argus, Kuya Asher, Kuya Kenjie, Kuya Kaizer at si Kuya Kendrick tsaka si Kuya Kristof ang asawa ni Kuya Kendrick"--saad ko naman kay Jarred.

"Kilala ko na silang lahat Jade"--saad naman ni Jarred.

"Jarred alam namin na kayong dalawa ang magkakatuluyan ni Jade pero ito lang ang sasabihin ko sayo wag na wag mong lolokohin si Jade dahil kapag niloko mo si Jade malalagot ka sa aming lima"--saad naman ni Kuya Argus.

"Wag po kayong magalala Mahal na Ancestral God di ko po yun gagawin kay Jade"--saad naman ni Jarred.

"Mabuti naman kung ganon"--saad naman ni Kuya Argus.

"Daddy Nandito po pala kayo"--sigaw nina Clyde at tumakbo ito papunta kay Kuya Argus.

"Nasaan po si Mommy?"--tanong naman Ford.

"Nandun sa Lahore"--saad naman ni Kuya Argus.

"Ayyy, kala ko po kasama mo po siya ehhh"--saad naman ni Izekiel.

A Powerful Gay Summoner:The Return of the Enemy From the Past(Book 5) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon