Chapter 17

167 8 0
                                    

Jade's POV

"Gusto mo bang gawin din kitang spirit ko?"--tanong ko naman.

"Ayoko"--saad naman ni Jaylo at inatake ako gamit ng kanyang espada kaya naman ay sinangga ko ito ng aking espada at nagpalitan kaming dalawa ng atake.

Inilabas ko naman ang aking Cetro dahil gagamitin ko yun.

"Lightning Ball"--sigaw ko at sabay tutok ng aking Cetro sa bandang tyan ni Jaylo at tumilapon ito.

"Summoner Magic Circle!"--sigaw ko at lumabas ang napakalaking Magic Circle sa inaapakan naming dalawa ni Jaylo.

"Holy Light String!"--sigaw ko at lumabas naman sa kamay ko ang mga sinulid na gawa sa ginto at agad pinuluputan si Jaylo kaya di na ito nakalabas pa ng Magic Circle.

"Ako si Jade Cervantes isang Summoner at pumapayag akong maging Spirit ko ang nilalang na nasa harapan ko ngayon"--saad ko naman at lumabas ang isang baraha na walang laman.

"Ako si Jaylo Emperor of Death & Evil, pumapayag akong maging Spirit ng taong nasa harapan ko"--saad ni Jaylo at balas sa kanyang mukha ang gulat.

"Hindiiii, Ano ba itong nangyayari sa akin bakit ako pumayag!"--sigaw ni Jaylo.

"Wala nang bawian pumayag kana kaya simula ngayon ay ako na ang master mo"--saad ko naman nang nakangiti at unti unti itong pumasok sa loob ng Card at pumasok naman sa loob ng katawan ko ang Card ni Jaylo.

"Hmmm, Hindi ko pinangarap na maging isang Spirit ng isang batang mahilig maglaro, ang sama naman ng Tadhana sa akin"--saad naman ni Jaylo sa isip ko.

"Hahaha, enjoy ka nalang dyan"--saad ko naman sa isip ko.

"Nasaan pala ang mga piraso ng Ancient Magic Staff ng Ancestral God?"--tanong ko naman kay Jaylo.

"Nandun sa palasyo ko"--saad naman ni Jaylo.

"Lahat na ba nandun?"--tanong ko naman.

"Hindi dahil ang Ancient Magic Stone na nakalagay sa Ancient Magic Staff ay hawak ni Jam"--saad naman ni Jaylo.

"Kung ganon ay pupunta kami sa kaharian mo"--saad ko naman.

"Buti kung papasukin kayo dun"--saad naman ni Jaylo.

"Akong bahala"--saad ko naman.

Tiningnan ko naman si Jarred at hinang hina ito dahil sa napakalakas na majica na pumasok sa kanyang katawan.

"Dito na muna tayo, bukas nalang tayo pumunta sa palasyo ni Jaylo"--saad ko naman.

"Jarred okay ka lang ba?"--tanong ko naman.

"May energy potion tsaka Healing Potion ka ba?"--tanong naman ni Jarred sa akin.

"Sandali titingnan ko sa bag na dala natin"--saad ko naman at binuksan ko ang bag na dala namin at nakita ko nga dun ang mga potion at buti nalang may pinadala sina Kuya Arsen na mga Healing Potion at mga Energy Potion.

"Ito Jarred inonim mo"--saad ko naman kay Jarred at ibinigay ko sa kanya ang Healing Potion at Energy Potion agad naman niya itong ininom.

"Kuya Jade nagugutom na po kami"--saad naman ni Florence.

"Kumuha na kayo dyan sa bag na dala ko, tsaka tirhan niyo kami ni Jarred"--saad ko naman.

"Cge po"--saad naman nila at kumuha na sila ng mga pagkain nila.

"Okay kana ba?"--tanong ko naman kay Jarred.

"Medyo, nagaadjust pa kasi ang katawan ko ehhh"--saad naman ni Jarred at ikinumpas nito ang kamay at umayos na ito sa kanyang pagkakaupo.

A Powerful Gay Summoner:The Return of the Enemy From the Past(Book 5) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon