Jade's POV
Nandito pa rin kami ngayon sa Celestial Kingdom at kasama ko si Jarred at kanina pa ito namamangha sa kanyang nakikita.
"Silver mayroong Epekto ang Immortality sa kaluluwa at isipan ng isang taong ginamitan mo ng Immortality"--saad ni God Geo kay Mommy.
"Alam ko po yun, pero yun nalang po ang tanging paraan para di sila masaktan ni Hyde"--saad naman ni Mommy at malungkot ito.
"Ano po ba ang epekto ng Immortality sa isang tao?"--tanong naman ni Daddy.
"Kapag ginamitan mo ang isang tao ng Immortality ay mawawala ang kanyang mga ala ala at lahat ng mga mahal niya sa buhay ay makakalimutan niya kumbaga wala siyang kakilala at wala din siyang naging nakaraan"--saad naman ni God Geo at nang marinig namin yun ay nagulat kaming lahat.
"Kambal bakit mo ginawa?"--tanong naman ni Tito Sam kay Mommy.
"Alam kong Mali yun pero yun nalang ang tanging paraan para di gamitin ni Hyde ang mga ala ala nina Mommy at Daddy pati nina Lola Sky at Lolo Mark, Alam niyo ba madali sa akin na gawin yun hindi dahil napakasakit dito ohhh"--saad naman ni Mommy sabay turo sa kanyang dibdib.
"Pinipilit ko nalang maging matatag at maging malakas dahil maraming umaasa sa akin, kasi kung ako lang yung tatanungin? Gusto ko nang sumuko at gusto ko nang magpahinga dahil pagod na pagod na akooooo!"--sigaw ni Mommy sabay lakas ng napakalakas na enerhiya kaya tumilapon kaming lahat.
"Sawang sawa na akong magpanggap na okay lang ako dahil ang totoo niyan ay hindi ko na talaga kaya ang sakit na nararamdaman ko"--saad ni Mommy at umiyak ito nang umiyak kaya naman ay naglaho na ako at paglitaw ko ay nandito na ako sa harapan niya.
"Mommy nandito lang po kami ni Kuya Lennox at si Daddy po para sayo, pasensya na po kung di ka namin madalas madalaw o makausap man lang, patawarin niyo po kami Mommy"--saad ko naman at niyakap ko ito.
Naramdaman ko namang lumitaw sina Daddy ay Kuya Lennox sa tabi namin ni Mommy at yumakap din silang dalawa.
"Babe naalala mo ba yung mga sinasabi natin noon kapag may problema tayong kinakaharap? Diba sabi natin noon na kahit pa yang problemang darating ay kaya natin yan basta magkasama lang tayong dalawa kaya sana wag kang sumuko at sabay nating harapin ang Problema na yan"--saad naman ni Daddy habang nakayakap ito sa amin.
"Ano na muna ang bahala sa Mommy niyo, at sinisigurado ko sa inyo bukas okay na siya"--saad naman ni Daddy kaya naman ay humiwalay na kami ng yakap kay Mommy.
"Wag muna kayong pumasok sa loob ng Celestial Queendom dahil dun kami maguusap ni Silver, paalam"--saad ni Daddy at naglaho na sila ni Mommy.
🔸🔸🔸🔸Dave’s POV🔸🔸🔸🔸
Nang lumitaw kami ay nandito na kami sa loob ng kwarto namin ni Silver dito sa Celestial Queendom.
"Babe anong gagawin natin dito?"--tanong naman ni Silver sa akin at malungkot pa rin ito.
"Tatanggalin ko lang yang lungkot mo"--saad ko naman at ikinumpas ko ang kamay ko at naglagay ako nang barrier sa buong Celestial Queendom para di makapasok sina Emman.
"Hmmm, alam ko na yang gagawin mo"--saad naman ni Silver sa akin kaya naman ay napangiti ako.
Agad ko naman itong hinalikan sa labi at lumaban naman siya kaya naman ay ginanahan akong halikan siya.
"Babe okay lang ba?"--tanong ko naman.
"Hinalikan mo na sanga ako ehhh, tapos magtatanong kapa, cge na gawin mo na tsaka namiss ko din tong ginagawa natin ehhh"--saad naman ni Silver kaya naman ay agad agad akong naghubad nang damit at ganon din si Silver.
BINABASA MO ANG
A Powerful Gay Summoner:The Return of the Enemy From the Past(Book 5) Completed
FantasyMahabang panahon na ang lumipas at naging mapayapa ang buong Mundo ng Rivaryn sa pamumuno ni Emperor Asher at Empress Mylene. Sa Celestial Kingdom naman kung saan pinamumunuan ni Kendrick at Kristof ay naging maayos din ang pamumuno nito, habang sa...