Silver’s POV
Nandito na kami ngayon sa Crystal Kingdom at nagulat kami dahil nagpahanda pala sila Argus ng munting salo salo.
"King Emman at King Kim, masaya po ang Crystal Kingdom na makapunta po ulit kayo at gusto daw po kayong makita ng mga nasasakupan ng Crystal Kingdom"--saad naman ni Alexander habang kumakain kami.
"Cge mamaya pagkatapos nating kumain"--saad naman ni Emman.
"Cge po"--saad naman ni Alexander at naglabas ito ng isang liham at sigurado akong matatanggap yun ng mga tao sa Crystal Kingdom.
Kumain na din kaming lahat at makalipas lang nga ang ilang minuto ay natapos na kaming kumain at ngayon nga ay palabas na kami ng Crystal Kingdom.
"Mahal naming sinaunang Hari ng Crystal Kingdom, masaya po kaming makita ka po nang harapan"--saad naman ng mga tao nang makita nila si Emman.
"Maraming Salamat po sa inyong, masaya po akong makita po kayo ulit"--saad naman ni Emman.
"Ako hindi niyo ba ako namiss?"--tanong naman ni Kim sa mga mamayan ng Crystal Kingdom.
"King Kim, buti nakasama ka po sa pagbabalik ni King Emman, masayang masaya po kaming nakabalik po kayo ni King Emman"--saad naman ng mga mamamayan.
"Maraming Salamat, namiss ko din kayong lahat"--saad naman ni Kim.
"Aasahan ko ang inyong katapatan kay King Alexander"--saad naman ni Emman.
"Matapat po kaming mamamayan kay King Alexander kaya wag po kayong magalala dahil palagi po kaming tapat kay King Alexander"--saad naman ng mga mamamayan.
"Mabuti naman kung ganon"--saad naman ni Emman.
"Aalis na kami, hanggang sa muli nating pagkikita"--saad naman ni Kim.
"Cge po, maraming salamat po sa pagdalaw dito sa Crystal Kingdom"--saad ng mga mamamayan.
Ngumiti lang sina Emman at Kim, naglaho na kaming lahat ng mga kaibigan ko at nang lumitaw kami ay nandito na kami sa Celestial Queendom.
🔸🔸🔸🔸Jade's POV🔸🔸🔸🔸
Nandito kaming dalawa ni Jarred sa loob ng kwarto namin dito sa Royalty Dorm at ganon pa rin nakahiga pa rin ako sa mga braso niya.
"Jade malakas ang nakaharap ni Goddess Silver kanina kaya mukhang may mahihirapan tayong kalabanin siya"--saad naman ni Jarred sa akin.
"Yun na nga ang iniisip ko pero hanggat nandyan sina Mommy at Daddy ay kakayanin natin harapin ang mga pagsubok na yan kaya wag mo munang problemahin yan"--saad ko naman.
"Jade bakit nakalabas yang mga pangil mo?"--tanong naman ni Jarred kaya naman ay hinawakan ko ang bibig ko at dun ko nga nalaman na nakalabas pala ang mga pangil ko.
"Naaamoy ko kasi ang dugo mo ehhh at ang bango ng dugo mo kaya siguro natakam ako"--saad ko naman.
"Ano iinom ka na naman nang dugo ko?"--tanong naman ni Jarred.
"Okay lang ba?"--tanong ko naman.
"Cge na nga, pero may gagawin din ako sayo ngayon tutal gabe na rin naman kaya gawin na natin yun ngayon"--saad naman ni Jarred
"Oo na"--saad ko naman at agad ko itong kinagat sa leeg.
"Aray ko naman Jade pwedeng dahan dahan lang?"--tanong naman ni Jarred habang kagat-kagat ko siya sa leeg niya.
Di naman ako sumagot at maya maya pa nga ay natapos na akong uminom nang dugo ni Jarred kaya naman ay humiga ulit ako sa kama.
"Jade ang ipinangako mo ahhh"--saad naman ni Jarred.
BINABASA MO ANG
A Powerful Gay Summoner:The Return of the Enemy From the Past(Book 5) Completed
FantasyMahabang panahon na ang lumipas at naging mapayapa ang buong Mundo ng Rivaryn sa pamumuno ni Emperor Asher at Empress Mylene. Sa Celestial Kingdom naman kung saan pinamumunuan ni Kendrick at Kristof ay naging maayos din ang pamumuno nito, habang sa...