1

1.5K 36 4
                                    

Jema's POV

Almost 2 years later

"Bes, kamusta ka?" Andito si Kyla sa bahay namin ni Deanna. Yes, may sarili na kaming bahay ngayon. Dito kami sa Marikina bumili ng bahay. Pero syempre malayo sa ilog para di mabaha. Hehe.

And yes again, we're married na. After ng proposal nya sa akin nung nasa Pangasinan kami ayun pinagpatuloy na namin yung love story namin. Di na ako nagpatumpik tumpik pa. Jusko. Palay na yung nagpropose, tatanggi pa ba ako? Hehe.

"Eto, okay naman." Napangiti ako habang himas ko yung tyan ko.

"Laki na nyan ah? Kabuwanan mo na. Malapit na lumabas si baby Dean." Yes. Baby boy ang first child namin ni Deanna. After namin sa Pangasinan, we informed our family about sa engagement namin.

Ang bilis ng pangyayare. Madameng nagulat, may ibang kumontra pero madame din namang sumupport. Paano ba naman kasi, on the same day na nagkabalikan kami ni Deanna, yun din yung araw na naengage kami. O san ka pa?

Basta ako, kahit ano pa yan. Ginrab ko na yung chance ko na balikan ako ni Deanna at pakasalan.

Mabilis man lahat ng nangyare pero alam kong worth it ang lahat ng to. Kasi si Deanna to. Yung taong anjan lang lagi para sa akin. Yung taong tinanggap lahat ng pagkakamali at pagkukulang ko. I know she's worth it. Our family will be worth it.

"Te, kanina ka pa matagal magrespond. Ang haba ng flashback mo. Hahaha!" Epal ka talaga Kyla Llana.

"Kasi naman nagmomoment ako dito e. Ang daldal mo!"

"Pero Bes, kamusta ka nga? I mean, after kasi ng Pangasinan trip natin e nagpatali ka na agad kay Deanna. In fairness sayo di mo na pinakawalan e." Natawa naman ako kasi talagang di ko na pinag isipan yung mga mangyayari basta gusto kong makasal sa kanya. Gusto kong maging Dada sya ng mga magiging anak namin no.

"I'm good Kyla. Sobrang happy ko kasi halos mag 2 years na kaming mag asawa ni Deanna. And araw araw nya akong inaalagaan, pinapasaya. Alam mo yun napakaworth it nung 2 years na pag aantay ko sa kanya noon.

At natupad ko din yung pangarap "nya" noon na ang unang anak namin ay lalaki. Kaya ayun, masyadong subsob sa trabaho para lang may maprovide sa amin." Kaya napakaswerte ko talaga sa asawa ko e.

"Okay, okay. Kita ko naman sayo na masaya ka. I'm happy for you!" Bakit ganun itsura netong si Kyla parang di masaya sa akin e. Problema neto?

"Bes, may problema ba? I mean.. kanina ka pa tanong ng tanong kung kamusta ako. Meron ka bang di sinasabi sa akin?" Kilala ko to si Kyla e. Pag may mga di na dapat sabihin, o diko pa dapat malaman kayang kaya nya talagang di sabihin sa akin e.

Tulad dati, alam naman pala nyang di anak ni Deanna yung anak ni Ivy. At di pa pala sila mag asawa ni Ivy noon pero never nya sa aking sinabi diba?

Pero kung sana sinabi nya lang agad sa akin nako.. Baka ako pa nagpunta ng US para lang ligawan si Deanna.

Anyway, tapos naman na yun at asawa ko na si Deanna ngayon no.

"Ahh, wala no. Praning lang? Gusto lang talaga kitang kamustahin. Tska.. masaya lang talaga ako sayo Bes. Imagine, sa hinaba haba ng drama nyong dalawa e eto kayo magkakababy na." Edi okay. Haha!

Nagkwentuhan na lang kami ni Kyla buong araw. Dito na rin sya nagdinner. Di na nga lang nya naabutan si Deanna nung nakauwi nato.

"Hi Misis ko!" Bati sa akin ni Deanna pag kauwi nya. May coffee shop business na si Deanna sa Pasig tapos may pinapatayo pa syang restaurant sa Laguna. Galing diba? Bongga ng asawa ko. Napakaworkaholic.

Kaya nga pala kami dito tumira sa Marikina, dito kasi may binentang lupa sa kanya yung highschool classmate nya. Diko na tinanong kung sino. Kasi sobrang mura. Parang halos binigay na nga nya e.

Di na rin ako masyadong nagtanong about doon, kilala ko naman si Deanna. Matalino sya sa mga ganito. Hindi naman sya basta basta maloloko.

"Hi Dada! Namiss ka po namin." Sabay yakap ko sa kanya. Haaay! Ang bigat na ni Baby Dean. Pero pag nakita ko na si Deanna pakiramdam ko, gumagaan ang tyan ko. Parang nakikiyakap din yung anak namin sa Dada nya.

Bumaba si Deanna sa tyan ko pagtapos akong halikan sa labi.

"Hi Baby Boy. Namiss ka ni Dada. Ilang days na lang I will see you na. Behave ka jan sa tyan ni Mommy okay?" Nagulat si Deanna kasi biglang sumipa si baby. Tuwang tuwa naman yung Dada at halos maiyak pa.

Haaay Baby Dean. Baka pag labas mo maging iyakin na tong Dada mo.

"Kaen na tayo B. I cooked sinigang for you." Kami lang ni Deanna sa ngayon ang andito sa bahay. Pero meron kaming kasama sa bahay na nagluluto, naglilinis at naglalaba ng damit namin habang buntis ako. Syempre, pagkapanganak ko ako na sa pagluluto para maasikaso ko din ang asawa ko. I want to be a hands on Mom and Wife din.

Siya nga pala si Manang Loisa. Uwian naman si Manang kasi sa Bayan lang din lang naman sya nakatira. Malapit lang din dito sa bahay namin.

"Sorry B, busog na ako e. Tomorrow kakainin ko yun. Promise. For now, I just want to rest. Sorry!" Kanina ko pa rin napapansin na parang pagod nga sya. Kawawa naman ang asawa ko. Masyado na atang pinapagod ang sarili e.

Hindi na ako nagtampo kahit na hindi kinaen ni Deanna yung niluto ko. Siguro nga pagod lang talaga sya sa business kaya hindi na nagkaoras para kumaen.

Nagpaalam lang sya saglit na aakyat at magpapalit ng damit. Nakailang episode na nga ako ng Queen of Tears pero di na sya bumalik e.

May daily bonding kasi kami ni Deanna. Lagi kaming nanunuod muna ng TV sa baba bago kami matulog.

8pm na pala, kaya nagdecide na akong umakyat. Pag check ko kay Deanna tulog na sa kama namin. Tshirt lang yung napalitan. Nakaslacks parin sya nung nakita kong natutulog tapos hawak hawak pa yung short nya.

Naawa naman ako sa asawa ko. Kaya inayos ko na muna sya tapos pinalitan ko yung pang ibaba nya saka ko kinumutan.

Hinalikan ko muna sya bago ko ginawa yung night rituals ko. After kong gawin ang lahat, saka ako tumabi sa kanya at yumakap.

"Goodnight B. I love you!" Sabay halik ko sa lips ni Deanna.

Loving You TooWhere stories live. Discover now