11

306 18 0
                                    

Jema's POV

"Hi anak! Napaaga ka ata?"nakita kong napatingin si Manang sa taong nasa likod ko.

"Ahmm Manang, si Andrei po pala.." hindi ko pa tapos ang sasabihin ko pero halata sa mukha ni Manang ang pagkadismaya.

Si Andrei, sya ang bagong tao sa buhay ko. Hindi pa naman kami pero, hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko kung may feelings na ba ako sa kanya. Siguro hindi katulad nang kay Deanna noon pero I think papunta na din doon.

Simula nung huling usap namin ni Deanna dito sa bahay ay di na sya nagpakita sakin ulit which I think is a good thing.

I filed for a restraining order din kasi para di na nya ako guluhin pa ulit. I want her out of my life simula nung tragic incident na yun.

Deanna and I's chapter is already closed.

Andrei greeted Manang naman and she did the same. Pero alam mo yung feeling na di ka welcome sa ibang bahay.

Well, alam ko namang bias nya pa rin si Deanna despite what she did to me.

"Manang?"

"Yes Jema?" Why Jema all of a sudden po? Gusto ko sanang itanong kaso wag na lang.

"Can I have the keys po sana sa room ni Baby Dean?"

"Ano yun Jema?" Luuuh si Manang oh. Bigla ka atang nabingi.

"Manang, sabi ko po yung susi po sa kwarto ni Baby Dean." Yung mukha ni Manang parang di naman maipinta ngayon.

"Manang, okay lang po ba kayo? May masakit po ba sainyo?"

"Ahhh.. Jema wala naman. Gusto mo bang ipaghanda ko kayo ng makakaen muna?" Tumango na lang din ako sa sinabi niya since gutom na rin naman na talaga kami.

Habang nagluluto si Manang ay niyaya ko na lang muna si Andrei sa sala. Mamaya na lang kami pupunta sa room ni Baby Dean.

"Jema, maganda tong house nyo ah? But isn't this just too big for you and Manang?" I smiled. Totoo naman kasing ang laki. Tapos uwian pa si Manang kaya halos ako lang talaga ang nakatira dito.

Hindi naman ako masamahan nina Mama dito since nasa ospital pa rin hanggang ngayon si Mafe.

And since nasa process na rin naman yung annulment namin ni Deanna, binigay na rin nya sa akin tong bahay na to. She said na mas makakabuti kung sa akin mapupunta tong bahay lalo na't madame kaming bonding moments ni Baby Dean dito kahit na diko pa sya napapanganak.

Hindi ko sadyang mapatulala pag naalala ko ang nangyari kay Baby Dean at ganun na rin sa kapatid ko. Yung gabing naaksidente si Mafe, yun din yung gabi na nawala sa akin ang anak ko.

"Jema... you're spacing out again." Sumasakit na naman ang ulo ko pag naaalala ko ang nangyare ng araw na yun.

"Sorry. May naalala lang."

Andrei held my hand and looked at me.

"Sana Jema, you can give me a chance to take care of you. I know you've been through a lot. I can make you happy Jema if only you'd let me." Grabeh! Ano bang nagawa ko to deserve him? Ang ideal nya. He knows about me being married to Deanna and almost having a child. Pero tanggap nya. He even introduced me na sa family nya kahit hindi pa naman kami.

"Hmm... Andrei I think not yet?" Mukhang nalito naman sya kaya natawa ako.

I held his hand and smiled at him.

He looks confused. Lalo tuloy syang naging cute sa paningin ko.

"Aheeeemmmm!" Naputol ang titigan namin nung nadinig namin si Manang.

"Iho, hindi makakawala yan si Jema. Pwede mo nang bitawan ang kamay nya." Masungit na sabi ni Manang sabay hila na sakin papunta sa kusina.

Nilingon ko si Andrei and instructed him to follow me. Natatawa na lang ako sa mga actions ni Manang e. Nako Manang wag nyo na po ipilit yung manok nyo wala na po e.

Hours have passed and finally napilit ko din si Manang na ibigay sa akin ang susi ng room ni Baby Dean. I can sense nga na ayaw pa ni Manang ibigay e. Pero nung sinabi kong aalis ako ng bahay na to at di na babalik, ayun yung nawawalang susi daw kanina e bigla na lang sumulpot sa kwarto nya.

"Jema anak. Malamang madume jan sa kwarto ni Baby. Ilang buwan ka nang di pumapasok jan e. Sige na bukas ka na lang pumunta don at nang malinis ko muna." I looked at Manang.

"Okay lang po Manang..

Andrei, let's go?" Kitang kita ko yung gulat sa mga mata ni Manang at ni Andrei.

Lumakad na kami ni Andrei palapit sa room ni Baby.

I was about to unlock the door when I felt something strange sa dibdib ko.

"Sorry, anak." Agad agad akong naglakad palayo sa room ni Baby. I went to the garden at nakasunod na pala sa akin si Andrei.

"Jema...." tawag sa akin ni Andrei.

I faced him and he saw me crying.

Niyakap nya agad ako at doon ko mas lalong naramdaman na nasasaktan parin pala ako hanggang ngayon.

"Hush Jema. Everything will be alright. You can cry whenever you want to. I'm just here." I appreciate kung gano kacaring si Andrei sakin. Pero I don't know. Pakiramdam ko nagtataksil ako sa ginagawa ko. I even considered introducing Andrei kay Baby Dean as someone special to me. Pero hindi ko nagawa.

Andrei stayed for a couple more hours bago sya tuluyang umuwi.

I told him about sa nangyare nung gabing yun but not yung reason behind it. Ayoko namang maging panget ang image ni Deanna kahit na kanino. Even kina Mama hindi ko sinabi ang totoong dahilan. Kaya siguro hanggang ngayon e pinipilit pa rin nila akong ayusin ang sa amin.

"Anak, mauuna na ako ha? Inaantay na ako ni Lisa. Atska nga pala Jema. Uuwi muna kami sa probinsya. Kahit isang linggo lang. May kailangan lang kaming ayusin doon." Ngumiti na lang din ako kay Manang. Alam ko namang desrve ni Manang ang bakasyon.

Umakyat din agad ako sa taas at dumiretso sa kwarto ni Baby Dean. I unlocked the door, at eto na naman yung pakiramdam ko na sobrang bigat.

I was about to open the door...



Pero pinigilan ko ang sarili ko. I think hindi pa ako ready. Sorry Baby.

Umupo na lang ako sa gilid ng pinto nya.

"Baby Dean, kamusta ka na? Mommy wants to say sorry to you. I almost introduced you to someone kanina. I know I hurt your Dada too much and I was hurt too.

Sana you can forgive me too if Mom wants to move on na already. I'm sorry anak, if we had to end like this. Pagod na din si Mommy e." Tinry kong pigilan ang mga luha ko by just staring at the ceiling pero traydor ang mga luha ko.

"Andrei is a good man Anak. Pwede bang bigyan mo ng sign si Mommy na okay sayo na mag move on na ako? Sobrang lungkot dito anak. Sobrang miss na kita. I want to hug you.. I want to kiss you pero hindi ko magawa." I cried too much. Yung ilang buwang iyak na pinipigilan ko.. ngayon ko lang ata nabuhos lahat.

I was crying the whole time na nasa labas ako ng kwarto ni Baby Dean.

Para akong sira na kinakausap ang anak ko pero okay lang. I know he's listening to me.

"Mommy wants to move on na. Please forgive Mommy if I can't love your Dada like before. She hurt me too much na.. pakiramdam ko hindi ko na sya kayang mahalin pa ulit. As much as I wanted to stay, hindi ko na kaya e. I'm sorry baby!" I know Deanna has been a good wife to me not until that night.

I smiled bitterly.

"Pero napatawad ko na sya anak. Please help your Dada to move on too. Gusto ko din makita syang sumaya." I stayed for a couple more minutes bago ako tuluyang umalis sa labas ng kwarto ni Baby. I left it unlocked na.

Tama si Manang, mas okay kung bukas ko na lang pupuntahan ang kwarto ni Baby. Gusto ko ring pormal ipaalam kay Baby ang desisiyon ko.

I'm sorry anak. Just let Mommy be happy.

Loving You TooWhere stories live. Discover now