17

914 37 13
                                    

Jema's POV

Nasa loob na ako ng sasakyan ko. Hindi ko alam kung paano ako ngayon. Ang dameng nangyare. Ang dame kong gustong gawin pero parang wala akong energy na magsimula.

Gusto kong kausapin si Deanna. Ang dami kong gustong itanong, ang dami kong gustong sabihin. Pero paano ko gagawin yun? Kung ako mismo, ako mismo ang nagtulak sa kanya para iwan ako.

My god Jema. Anong ginawa mo!!!

Pinaghahampas ko na lang yung manibela ng kotse ko.

I turned on my spotify. Gusto ko munang mag isip, gusto kong idaan na lang sa kanta ang lahat ng nararamdaman ko.

"At kung sakali mang tuluyan nang mawalay ang pag ibig mo...."

What if..

Makahanap na si Deanna ng taong tatanggapin sya kahit na ilang beses syang masaktan.

Makahanap sya ng mamaahalin sya nang buo.

"Lord.. sorry po. Masyado na ata akong naging matigas kaya nasasaktan ako nang sobra ngayon."

Pumikit na lang ako. Ramdam ko yung luha sa pisngi ko.

Nang mahimasmasan ako agad na akong nagdrive pauwi.

Pagkarating ko ng bahay naabutan ko si Manang na nag aayos na ng gamit. Maggagabi na pala.

"Ahmm.. Manang?"

"Oh Jema anak. Andito ka na pala. Sakto pauwi na rin ako." Nakatingin lang ako kay Manang. Iniisip ko, lagi silang magkausap ni Deanna. Baka may alam sya sa mga nangyare. Pero baka imposible din. Hindi ko na talaga alam.

"Sya nga pala, bukas na yung alis namin papuntang probinsya ah? Mag iingat ka dito anak." Ngumiti na lamang ako at kumuha ng pera sa wallet. Inabot ko ang pera sa kanya na agad naman nyang tinanggihan.

"Ayos lang anak. Sapat na yung binigay sa akin ni Dea... sorry anak." Pero nilagay ko pa rin yung pera sa bag nya.

"Okay lang po. Ahmmm..." nakatingin lang sa akin si Manang. Magsasalita pa sana ako nang pigilan nya ako.

"Jema, anak. Alam ko wala ako sa lugar para sabihin to. Pero anak.. mahal na mahal ka ni Deanna at alam kong ganun ka rin sa kanya. Sa buong buhay na nakasama ko kayo dito sa bahay kahit hindi kayo magsalita alam na alam ko kung anong nangyayare sainyo. Alam ko kung kelan kayo masaya o kung may problema." So.. may alam si Manang? Tinignan ko si Manang.. siguro ito na yung oras para tanungin sya.

"Manang, meron po ba kayong hindi sinasabi sa akin? Alam ko pong nagsasabi sainyo si Deanna noon. Kaya.."

"Hmmm.... matagal ko nang gustong gawin ito Jema anak. Pinigilan lang ako ni Deanna." Nagsimula na syang magkwento. Hindi ko alam kung kelan matatapos lahat ng luhang to.

"Anak, pasensya ka na ah? Nirerespeto ko kayo pareho ni Deanna. Gustung gusto kong tulungan si Deanna noon pa anak para lang magkaayos kayo. Pero ang batang yun matigas ang ulo. Mas okay na daw na masaktan sya kesa naman malagay ka sa panganib." Ha? Anong ibig sabihin ni Manang?

"Lahat ng nangyare sainyo ay kagagawan ni Diane. Yung dati nya raw kasintahan. Pati na rin ang nangyari kay Mafe." What? So totoo nga ang sinasabi ni Mafe.

Loving You TooWhere stories live. Discover now