Flashback
Mafe's POV
"Hon, let's go na. Kailangan pa nating sunduin si Ash." Andito kami ngayon sa BGC. Sandaliang date. Alam nyo na ganitong date lang ang kaya naming mag asawa lalo na't napakaclingy ng anak namin.
Lately, medyo hindi maganda ang relasyon namin ni Bok. He's to busy sa work nya na inakala kong nagchecheat na sya sa akin. Pero hindi naman pala.
May surprise lang pala syang tinatago sa akin kaya panay ang labas nya at nagpapakabusy daw sa work nya.
Plano pa akong iprank na makikipaghiwalay para lang mapush tong surprise nya. Kung hindi ba naman siraulo diba?
Nako di nya lang alam na halos gusto ko na talagang magfile ng annulment para iwan sya. Pero syempre diko gagawin yun..mahal na mahal ko ang asawa ko no. He's the only man na gusto kong makasama habambuhay at maging tatay ng mga magiging anak ko pa.
Atsaka sobrang idol namin ang WonGa. Imagine, simula nung nagkakilala sila, halos hindi na sila mapaghiwalay e.
I saw how happy my Ate is with Ate Deanna. Alam mo yung pinamukha talaga sayo ni Destiny na may forever talaga pagdating sa love.
"Hon? Diba si Ate Deanna yun?" Sabi sakin ni Bok habang naglalakad kami. Tinuro nya si Ate Deanna na nasa loob ng resto.
Napahinto din ako nung makonpirma kong si Ate Deanna nga yon.
Anong ginagawa nya dito? E pag ganitong araw at oras kung wala sya sa bahay e, nasa resto lang din sya.
Nakita kong may kausap syang babae. Hindi to familiar sakin e. Halos lahat ng friends nila ni Ate nameet ko na.
Nagmasid muna ako sa paligid. Natawa pako sa naisip ko kasi baka nagchecheat na sya kay Ate. Pero halos mabatukan ko din ang sarili ko sa naisip ko.
Never yun gagawin ni Ate Deanna dahil alam kong patay na patay sya kay Ate Jema.
"Hon?" Pabulong na tawag sakin ni Bok.
"Ano Ba? Bakit ka ba bumubulong?"
"E ikaw bakit ka kasi nagtatago jan?" Nahampas ko na lang sya sa braso. Ang kulit e.
Para kasi kaming timang dito na nakasilip sa bintana ng resto kung nasan sina Ate Deanna.
"May kasama kasi si Ate Deanna na ibang babae.." wala sa wisyo kong sabi sa baliw kong asawa.
"Hon..
Hon.."
"Anooooo??"
"Na ccr ako. Saglit lang ah? Dito ka muna. Wag ka na magtago jan. Nakatingin na sila sayo oh." Sabay nguso sa mga nakatingin na tao sa likod namin.
Umayos na ako ng tayo kasi may nakita din akong papalapit na guard. Baka kung san pako dalhin nito.
"Sige na umalis ka na. Kahit kelan ka talaga e."
Pagkaalis ni Bok, agad akong pumasok sa loob ng resto kung nasan si Ate Deanna.
Pumwesto ako sa lugar kung saan di nila ako mapapansin.
Umupo ako sa may malapit sa table nila kaya nadidinig ko ang usapan nila. Habang nakikinig ako may napansin akong 2 babae. Mukhang kasama ito ng kausap ni Ate Deanna.
Anong ginagawa ng mga to? Yung isa napansin kong nakahawak sa cp nya at yung isa naman ay kumukuha ng video pero pasimple lang.
"And what makes you think na gagawin ko naman ang gusto mo?" Mataray na sabi ni Ate Deanna. Ano kaya yung pinag uusapan nila?
"Hmmm.. simple lang. Let's just say.. kaya ko kayong sirain ng asawa mo. Tulad ng ginawa ko sainyo ni Ivy before right?" What the heck?? Anong problema ng babaeng to??
Nakinig pa ako sa usapan nila. Hanggang sa.. naramdaman ko na lang na parang aakyat na ang dugo ko sa ulo nang madinig ko yung usapan ng nanggagaling sa cellphone nya.
"You must be Jema. Asawa ni Denna right? Ako si Cassy. Yung classmate ni Deanna na dating may ari ng lupa na to. I was just in the area kaya sabi ko daanan ko lang sana si Deanna." Dinig kong sabi nung babae sa cp.
Anong gagawin nila sa Ate ko? Sa sobrang kaba ko agad agad akong umalis ng resto para puntahan si Bok.
Habang nag aantay kay Bok, nag isip muna ako ng susunod kong gagawin. Kailangan kong tawagan si Ate. Para na rin malaman ko kung okay ba sya.
"Ate, si Ate Deanna anjan ba?" Kunwaring tanong ko kahit alam ko namang andito sya sa BGC.
"Wala, nagkita sila ni Bea nasa BGC." Ate Bea? E hindi naman si Ate Bea tong kausap ni Ate Deanna e.
"Alam mo na andito sya ngayon sa BGC?" Naguguluhan na ako sa nangyayari.
"Kakasabi ko lang diba?"
"Pero.. "
"Ano ba kasi yun Mafe? Nagpapahinga ako e."
"Ahhh kasi ano Ate.."
"Ano nga??"
"Sige na Ate bye. Andito na si Bok. Alis na kami. Bye, labyu!" Nagpretend na lang ako na wala akong alam sa nangyayari ngayon pero iba talaga ang kutob ko.
Pinagpapawisan na ako nang malamig hindi na ako makapag isip ng tama.
Isa lang ang nasa isip ko, kailangan kong puntahan si Ate Jema.
Lalong nadagdagan ang kaba ko nang may biglang humawak sa kamay ko.
"Hon?? Anong nangyare sayo namumutla ka?" Kinakabahang tanong sa akin ng asawa ko.
"Hon, umuwi na tayo. Puntahan na natin si Ate Jema." Kahit nagtataka ang asawa ko sa mga sinabi ko ay agad kaming nagtungo sa parking lot.
Nakita ko naman na parang pawis na pawis sya.
"Hon. Tara na. Ano pang ginagawa mo jan? Sumakay ka na ng kotse. Paandarin mo na to!!"
"Hon. Sorry mauna ka na. Susunod na lang ako. Ang sakit talaga ng tyan ko e." Anak ng.. bakit ngayon pa?
"Akin na ang susi!!" Kahit takang taka sya sa sitwasyon.
"Sorry talaga hon, mag usap na lang tayo mamaya." Sana walang mangyaring masama sa Ate ko.
Bahala na.
Sabay paandar ko ng kotse. Palabas na sana ako ng parking lot nang maramdaman ko ang impact ng pagkabangga sa akin.
Ramdam ko ang tumutulong dugo sa ulo ko.
Jusko po. Gabayan nyo po ako. Please, paano na po ang asawa at anak ko?
Lord...
At tuluyan na akong nawalan ng malay.
YOU ARE READING
Loving You Too
RomancePart 2 of Loving You kapit mga Ka WonGa, medyo madamdamin ang mga tagpo dito.