Deanna's POV
"Wooooonggsssskiieee!" Sino pa ba? Edi si Ate Bei. Ginagawa neto sa coffee shop ko?
"Grabeh Deans. Ang sikat na netong coffee shop mo ah? Spiker's Turf pa talaga ang name. Cool!" Kinindatan ko pa sya sabay wagwag sa balikat ko. Kaya natawa kami pareho.
"You know naman Ate Bei. Kailangan kumayod kasi magiging Dada nako no!" Pag naiisip kong malapit nang lumabas ang baby namin ni Jema, para akong biglang lumalakas e.
"Naks! Inspired na inspired ang Dada D namin oh."
"Syempre naman. You know when you have children, mag iiba na talaga ang goal mo sa life no." Nakita ko pang parang nandiri pa sya sa sinabi ko. Adik din talaga e no?
"Ang cringe mo Deans pag ganyan ka. Di parin ako sanay na matured ka na. Sanay lang akong para kang batang yagit pag nagpapatulong sa akin kay Jema. Ngayon, nakagawa ka na ng bata. Good job!" Baliw talaga e. Kala mo naman talaga ako gumawa nung bata e. Ahaha.
"Pero Deans, seriously ah? Medyo nagkakaeye bags na tayo. Natutulog ka pa ba?" Oo naman. Tingin naman sa akin neto ni Ate Bei.
"Oo naman no. Pero syempre not like before. Pero worth it lahat ng eye bags na to for sure pag labas ni Baby Dean. Hehe!"
"Kumaen ka na ba Ate?" Tanong ko. Pero bigla kong naalala yung niluto ni Jema kagabi. Kaya bigla akong nalungkot.
"Oh anyare? Bat biglang naging ganyan mukha mo?"
"E kasi Ate. Diko nakaen yung niluto ni Jema kagabi dahil sa sobrang pagod ko e." Nailing naman si Ate Bei sa sinabi ko. I know kasalanan ko. Need kong bumawi kay Misis.
"Alam mo kahit tapos na sya sa paglilihi, alam mong hindi dapat pinapasama ang loob ng buntis ah?" I agree naman.
"And one more thing, wag mo rin sana kalimutan na mas mahalin pa si Jema lalo na ngayon na magkakababy na kayo. Simpleng acts of service lang like pagkaen ng niluto nya magiging happy na yun."
Mukhang nagets naman ni Ate Bei na gets ko yung sermon nya.
"Anyway Deans nagpunta lang talaga ako dito para ibigay sayo to." Sabay abot nya ng envelope. Nanglaki yung mata ko sa nakita ko.
"Ate Bei..." halos maiyak ako sa nabasa ko.
"Sorry Deans. Idol kasi kita. Ayaw ko din ng grand proposal e. Hahaha!" Nakatulala na lang din ako. I'm happy for them. Lalo na kay Ate Bei.
Niyakap ko na lang sya bigla. Sobrang saya ko para sa kanila ni Cait.
"Wag kayong mawawala ni Jema ah? Ilang months pa naman yan kaya sure ako pwede nang sumama si Baby D nyan." Yes ikakasal na sila ni Cait this year naman.
Pero bigla akong may naalala kaya natawa ako.
"May pacringe cringe ka pang nalalaman kanina. Sus. If I know, kaya ka magpapakasal kasi gusto mo na din ng anak." Nakita ko naman na namula si Ate Bei. Oh ano ka ngayon?? Hahaha.
Nagkwentuhan pa kami ni Ate Bei bago sya tuluyang umalis. Susunduin nya pa daw kasi yung Mrs. De Leon nya. Magquit na rin daw si Cait sa volleyball. Gusto kasi ni Ate Bea na full time house wife lang ito. Tsaka para daw makarami pa sila ng anak. Haha. Alam ko na talaga kanino ako nagmana e.
After how many hours, nakaramdam na rin ako ng pagod. Gusto ko nang umuwi para makita ko na ulit si Jema. Lately kasi lagi akong pagod pag uuwi sa bahay. Miss na miss ko na ang misis ko. This time I will make bawi.
Nag aayos na lang ako ng ibang gamit ko nung bigla akong tinawag ng barista namin dito sa office ko.
"Boss D!" Tawag sa akin ni Gian nung makasalubong nya ako.
"Oh, Gian. Why?" Kita ko sa itsura nya yung inis.
"Meron po kasing customer doon na gusto po kayong makausap. Makulet po e. Sabi ko nga po umalis na kayo kaso mukhang manggugulo pa ata e." Tinignan ko pa yung sinasabi nyang customer kaso diko makita from here. Kaya I've decided na lumapit na lang.
"Sige Gi ako nang bahala dito. After this, uuwi na rin naman ako. Ikaw na bahala dito sa shop ah?"
"Yes boss. Ingat po kayo! Pa hi na lang din po kay Madam Jema." Natawa naman ako. Madam kasi tawag nila kay Jema. Kahit ayaw ni Jema kasi parang pang matanda daw yun. Kaso ayun ayaw papigil ng mga staff namin kaya nasanay na lang din sya.
Lumapit na ako sa pwesto nung sinasabi ni Gian na customer.
"Hi! I'm Deanna. Sabi ng staff ko, you want to talk to me daw?" Nakatalikod kasi yung sinasabi ni Gian na customer kaya nag antay pa ako bago sya sumagot
Paglingon nung babae..
"Diane?" Laking gulat ko when I saw her. Why is she here?
"D!" Sabay yakap pa nya sa akin. Halos di naman ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
Si Diane, she was my ex. The reason why me and Ivy broke up years ago.
"Oh hi! Ikaw pala yan. Sabay alis ng kamay nya sa katawan ko." Mahirap na baka may makakita sa akin at malaman pa ni Jema to.
"Namiss kita D!" Oh my gosh. Ang clingy nya. Inaalis ko yung kamay nya kasi panay hawak sa akin.
"Diane, stop na please. Nakakahiya kay Deanna. Kung makapulupot ka naman parang walang asawa si Deanna e." Ngayon ko lang napansin yung kasama nya. Andito din pala sya.
Sya yung BFF ni Diane na si Kring. Sila parin talaga ang magbesties noon pa. Etong si Kring sobrang baet nito. Actually, kaibigan ko din sya. Hindi ko na lang din to nakakausap simula nung may nangyari sa aming di maganda ni Diane kaya pati sya parang naunfriend ko na din.
"Hi Kring. Long time no see." I said. Krong smiled and nodded.
"Ahmm, do you have any concerns ba with the shop? Kasi if none, I need to go home na to my pregnant wife." I emphasized yung wife para maalala nyang kasal na kami ni Jema ngayon.
Did she just smirk when I said it. Nakakairita talaga tong babaeng to. Bakit ba ako nainlove sa babaeng to dati?
"Wala naman Deanna. Makulet lang talaga tong si Diane. Sige na go. Ako na bahala sa kanya." Buti na lang talaga andito si Kring kung hindi baka napatawag na ako ng guard sa kulet netong si Diane. Daig pa lasing.
Inayos ko na muna yung sarili ko bago ako umuwi. Jusko. Naamoy ko yung pabango nya sa damit ko. Baka maamoy ni Jema.
Pero hindi naman siguro. Naglagay na lang ulit ako ng pabango sa damit ko para di mapansin ni Jema. Yari ako neto pag nalaman nya.
Nagdrive na ako pauwi sa bahay. Pero dumaan muna ako sa fave place namin ni Jema. Nag order na ako ng favorite nyang chicken wings. Kahit naman manganganak na si Jema, inispoil ko pa rin sya sa fave food nya wag nga lang sobra at baka mahirapan pa sya manganak.
YOU ARE READING
Loving You Too
RomancePart 2 of Loving You kapit mga Ka WonGa, medyo madamdamin ang mga tagpo dito.