Jema's POV
Hindi ako makapagsalita sa mga sinabi ni Mafe. Ang dameng tanong sa isip ko.
"Ate, anong nangyari nung nalaman nyong naaksidente ako?"
"Sa totoo lang kinabukasan ko na nalaman yung nangyare sayo. Sabay sabay ang stress ko noon. Nalaman ko ang ginawa ni Deanna. Nawala si baby tapos naaksidente ka."
"Ginawa ni Ate Deanna?" Takang tanong ni Mafe.
"Pangs, alam kong sobrang closed niyo ni Deanna. Ayoko sanang pumanget ang tingin mo sa kanya pero.."
"Pero..??" Nakakunot noo na sya ngayon.
"Nahuli ko syang nakahubad katabi ng isang babae. I don't know kung sino yung babaeng yun e."
"And..?" Seryoso Mafe? Bakit ganyan reaction mo? Parang wala lang sayo??
"Pumunta ako sa condo nung babae. Alam ko yung location nya kasi nattrack ko yun sa phone ko. Tapos...
Naabutan ko siyang nakahubad katabi nung babaeng yun. Sa sobrang stress ko nagkableeding ako." Naalala ko yung sinabi sa akin ni Deanna, kung tutuusin tama naman sya e. Ako talaga ang may kasalanan kung bakit nawala ang anak namin.
"Ate, sa tingin mo magagawa talaga ni Ate Deanna sayo yun?" Casual na tanong nya sa akin.
"Mafe, bingi ka na ba? Kakasabi ko lang diba na nahuli ko syang nakahubad katabi nung babaeng yun." Nagtaas pa sya ng kilay pagkatapos kong sabihin yun.
"Hindi ka ba talaga nakikinig sa kwento ko Ate??" Nalilito na ako. Ang dami nyang paligoy ligoy.
"Haaay. Hindi ko alam kung wala ka ba talagang tiwala kay Ate Deanna o talagang ay sapak ka lang sa ulo Ate e.
Tignan mo, base sa kwento ko na hindi mo naman pala nagets..
May kausap syang babae, at tinakot nya si Ate Deanna na baka saktan ka. Tapos nung gabi ding yon, nakita mo sya na may katabing ibang babae na nakahubad." Napansin nyang napaisip din ako sa sinabi nya.
"See? I say you connect the dots??"
"Hindi kaya.."
"Kung anuman yang iniisip mo ngayon. Tumpak! Malaking check check check!
Sa tingin mo ba aksidente lang din ang nangyare sa akin?" Ano ba tong si Mafe. Ang dameng tanong nasstress na nga ako e.
"Sa tingin ko kasi hindi e. Sa tingin ko connected to kay Ate Deanna. Hindi ako sure pero malakas ang pakiramdam ko. Bakit hindi mo kaya sya tanungin Ate?"
Napaisip din ako sa sinabi ni Mafe. Sobrang coincidence din kasi na yung araw na nakita ko si Deanna sa condo nung babaeng yun, e yun din ang araw na naaksidente si Mafe.
Naalala ko din yung araw na nagpunta yung highschool friend daw ni Deanna sa bahay.
Ngayon ko lang napagtagpi tagpi ang mga nangyare. So kaya sya nakipagmeet doon sa babaeng yun dahil akala ni Deanna sasaktan ako nung nagpanggap na highschool friend nya.
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na mapaiyak na naman. Bakit ba sa amin pa nangyari to? Madami naman jang masamang tao. Bakit sa amin pa ni Deanna?
"Pero Ate.. yung aksidente ko? Hindi nyo man lang ba nireport sa pulis o ano? Kasi alam ko sa sarili ko na hindi yun aksidente lang." Napaisip ako sa sinabi nya. Saka ko lang naalala na si Deanna na ang nag ayos nun.
"Si Deanna.." matagal kaming natahimik. Bakit nga ba hindi namin naisip na baka nga hindi aksidente ang nangyari kay Mafe.
"Hmmm.. alam ko na Ate. Sa tingin ko.. Hindi na pinaayos ni Ate Deanna ang kaso ko para lang protektahan ka. Kilalang kilala ko si Ate Deanna. Pagdating sa pamilya lalo na sayo, hindi yun magpapargabyado. Unless.."
Haaay! Bakit ba ngayon ko lang narealize ang lahat ng to? Bakit hindi ko man lang sya tinanong nung mga panahon na yun. Bakit wala ni isang sign...
"Ate, okay ka lang??" Napahilamos na lang ako ng mukha.
Signs?? Signs??
"Ate..."
"Ate, puntahan mo na kaya si Ate Deanna. Sabihin mo sa kanya lahat ng to. Bakit kasi wala siya dito ngayon e. E dati pa nga kayo halos di mapaghiwalay diba?" Napayuko naman ako.
"Alam ko madami kang tanong sa isip mo. Pero sana.. sana sya yung pinaniwalaan mo. Umpisa pa lang na makilala ko si Ate Deanna, alam kong mamahalin ka nya. Nang higit pa sa inaakala mo."
"Mafe.."
"Ate, ikaw na yan oh. Hindi ka na nun matitiis." Alam kong sinusubukan nya lang pagaanin ang sitwasyon pero..
"Mafe, hindi na kami kasal ni Deanna." Kinuwento ko sa kanya na na naayos na rin ng abogado ko yung annulment namin.
"Ate..." malungkot na tawag sa akin ni Mafe. Alam kong madame syang gustong sabihin pero niyakap na lang din nya ako ulit.
Tahimik lang kaming dalawa. Nahihiya akong magsalita. Alam kong malaki ang kasalanan ko kay Deanna. Kung sana nakinig ako. Kung sana mas inintindi ko ang sitwasyon.
"Ate, mahal mo pa ba si Ate Deanna?" Nagulat ako sa tanong nya.
"Sabi nila diba kung mahal mo ipaglaban mo. E bakit hindi mo ginagawa?"
Mahal? Mahal ko pa sya yun ang nararamdaman ko ngayon. Na akala ko nakalimutan ko na. Na akala ko wala na.
"Hindi ko na alam Mafe. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Ang gulo gulo na!"
"Sa tingin mo.. gaano ka kamahal ni Ate Deanna?" Ano bang klaseng tanong yan? Hindi naman kailangan sukatin pa yung pagmamahal namin.
"Mahal? Kung mahal nya ako Mafe hindi nya ako lolokohin. Hindi nya ako pipiliing saktan." Nasa isip ko pa rin yung nakita kong may katabi siyang ibang babae.
"Gagawin ni Ate Deanna lahat para lang maprotektahan ka. Hindi ka ba nagtataka sa nalaman mo sa akin ngayon? Bakit sya makikipagkita sa babaeng yun? Bakit kailangan madinig nyang may ibang tao sa bahay nyo?
Hindi mo ba naisip na baka kaya nangyare yun kasi tinakot niya si Ate Deanna na sasaktan ka?" Nararamdaman ko ang namumuong luha sa mata ko. Gosh! Bakit nga ba hindi ko muna siya pinagpaliwanag? Jusko.. paano kung tama si Mafe?
"Ate, alam kong mahal ka pa ni Ate Deanna. Hindi ka pa ba kikilos?"
"Mafe, wala nang bisa yung kasal namin!"
"Jusko Ate. What are you 20?? Mag isip ka naman ng ibang excuse oh. Alam kong masakit sayo na mawala si Baby Dean. Pero hahayaan mo lang din bang masaktan ka kasi nawala din sayo si Ate Deanna? Gising te habang may oras ka pa!"

YOU ARE READING
Loving You Too
RomancePart 2 of Loving You kapit mga Ka WonGa, medyo madamdamin ang mga tagpo dito.