Umiling na lang ako at inalis ang tingin sa kanya.
"I'm just hear to say I'm sorry!" Ilang sorry ba ang madidinig ko? Mababalik ba nun ang anak ko? Hindi naman diba?
"Jema, I'm really sorry! Sana mapatawad mo ako sa nagawa ko sayo. I know hindi to masosolve ng simpleng sorry ko lang. Pero I just want to ask you for a second chance Jema. Mag asawa pa rin tayo." Yeah. Tama ka. Mag asawa pa rin tayo. Pero sa papel na lang.
"Hindi mo ba naintindihan yung sinabi ko sayo? Diba? Tapos na tayo." Walang ganang sagot ko sa kanya.
"No! Hindi ako papayag sa gusto mo!" Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Iba!
"Haha. Lakas din naman ng loob mo no? Sabagay. Bahay mo nga pala to? Kaya ba iniisip mo na may right ka pa sa akin?"
"No Jema. It's not like that. I should have stayed here simula nung umuwi ka galing sa ospital kung ganyan man ang iniisip mo. Pero I did not do it. Kasi I want to give you the space that you needed." May point naman sya.
Hindi na ako nagsalita. And I can sense na kumukuha lang sya ng lakas ng loob na magsalita ulit.
"Jema, I just want you to know na.."
"Deanna, please." Natahimik sya sa sinabi ko.
"Ayoko nang madinig yung sasabihin mo. Kahit na ano pang nangyare, still you chose to do it. Still, you cheated on me. That doesn't change anything Deanna.
Namatay ang anak ko nang dahil sayo." Naramdaman ko na naman ang luha na walang tigil sa pagpatak.
"Nawalan din ako Jema. You're not the..
I'm sorryy!" Pagputol ni Deanna sa sasabihin nya.
Hindi na ako makapagsalita dahil bumalik na naman yung sakit na naramdaman ko nung nawala sa akin si Baby Dean.
"Again Jema. I'm sorry!" Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Deanna.
Nakita ko syang lumuhod sa harap ko. Hindi ko alam pero parang nawalan ako ng lakas na pigilan sya.
She held my hand. At nilagay nya yun sa lap ko. At sabay na yumuko.
I felt her tears in my hands. Mas lalong tumulo ang luha ko. Gusto kong pigilan pero wala e. Nasasaktan din ako dahil nakikita ko syang nasasaktan.
"Patawarin mo ako B." Tumingin si Deanna sa mga mata ko.
"I'm really sorry!" Pinunasan nya ang luha ko bago sya tumayo. She even kissed my forehead bago sya tuluyang lumabas ng bahay.
Alam kong mahal ko pa si Deanna, pero minsan hindi sapat na mahal mo lang ang isang tao.
Goodbye Deanna. I will be happy. Sana ikaw din.
5 months later
Deanna's POV
"Manang, sure po kayong wala si Jema dito ah?" Andito ako sa labas ng bahay namin ni Jema. Good thing she still stayed here kahit na hiwalay na kami.
"Anak, pasok ka muna. Oo wala siya ngayon." Haaay! Mabuti na lang.
"Anak, halos araw araw kang andito para lang masigurado na okay si Jema. Bakit kasi hindi mo pa sabihin sa kanya ang totoo e." Pangungulit ni Manang.
Kahit naman malaman ni Jema ang totoo. Masasaktan parin sya. I still did it anyway. Hindi ko magawang magalit kay Jema kasi alam kong malaki ang naging kasalanan ko sa kanya. I had sex with someone while I'm married to her.
"Deanna.. hayaan mo sana akong tulungan ka para malaman ni Jema ang totoo.." Si Manang talaga makulit din e.
"Wag na po Manang. Kaya ko na po ito. Magbakasyon muna po kayo ni Lisa. Ako na pong bahala sa mga gagastusin nyo."
"E paano si Jema dito maiiwan lang syang mag isa?" Hindi naman po. I will still be here nang di nya nalalaman.
"Wag na po kayong mag aalala Manang." She smiled. Kasi alam naman na ni Manang na diko pababayaan si Jema kahit wala na kami.
"Manang..?"
"Hmmm..?" Sagot ni Manang habang tinutulungan akong ayusin ang mga gamit ni Baby Dean. Nasabi kasi sa akin ni Manang na after nung huling makausap ko si Jema e hindi na sya ulit pumasok sa kwarto ni Baby Dean. Pinalock na sa kanya ni Jema ang room na to. Kaya hindi nya malalaman kung anuman ang ginagawa ko dito.
"Kamusta na po si Mafe?" Malungkot namang tumingin sa akin si Manang.
"Anak, hanggang ngayon hindi pa rin sya nagigising e." Hindi ko naman maiwasang malungkot sa balitang yun. Alam kong kasalanan ko kung bakit ganun ang nangyare sa kanya.
I know Diane did all these. Pero wala akong magawa. She blackmailed me with everything. At ang pinakakinakakot ko sa lahat ay ang mawala ang lahat lahat kay Jema at sa pamilya nya. I can sacrifice myself pero hindi ang buhay ni Jema.
"Deanna anak. Magpakatatag ka ha? Alam kong dadating din ang panahon na maiinitindihan at mapapatawad ka ni Jema. Napakabuti mong tao. At alam kong ganun din si Jema. Kahit napakahirap ng sitwasyon niyo sa ngayon, sana dumating din ang panahon na magiging masaya na din kayong dalawa."
Sana nga po Manang. Sana nga po.
I stayed here sa kwarto ni Baby Dean. Hinayaan na lang muna ako ni Manang at tinuloy na lang nya ang mga gagawin nya.
Humiga lang ako sa kama ni Baby Dean. In here, I put all the things na gusto kong bilhin sa kanya kung buhay pa sana sya.
I am starting to cry again. Kaya pinikit ko na lang ang mata ko para mapigilan ang luha ko. Pero wala. I lose it.
"Baby, bigyan mo sana ng lakas si Dada para magstay parin kay Mommy J mo ah? Sobrang mahal ko ang Mommy mo anak. I know galit lang sya kaya di nya makitang mahal pa rin nya ako. Diba Baby? Tama naman ako diba??" Para akong tanga na kinakausap ang anak namin.
"Baby, I won't give up on your Mom. Pangako ko yan sayo! I know someday we'll be together again." Napapikit na lang ako habang hawak hawak ko yung singsing na sinoli sa akin ni Jema. Ginawa ko yung kwintas. Para pag dumating ang oras na mapatawad ako ni Jema, agad agad ko yung ibibigay sa kanya.
"Deanna!" Napabalikwas naman ako sa sigaw ni Manang. Gosh! Nakatulog ata ako.
"Manang, ano pong nangyari?" Kinakabahang tanong ko sa kanya.
"Sorry. Nagulat ba kita? Andyan na si Jema sa labas. Sorry. Diko alam na babalik din agad sya e. Sabi nya kasi gagabihin daw sya." Hala!! Hindi ako pwedeng makita ni Jema dito.
She filed a restraining order kasi. Hindi ako pwedeng makita ni Jema while inaayos yung annulment namin.
"Sige po Manang, lumabas na po kayo baka po makahalata pa si Jema."
"Magstay ka na lang muna dito. Hindi naman na sya pumapasok dito e. Nasa akin din naman ang susi." Tumango na lang ako kay Manang at agad naman itong lumabas ng room ni Baby. At saka nilock ito.
May padlock din kasi ito. Kaya hindi talaga makakapasok si Jema dito. Unless...
(A/N: Sorry guys sa late update. Busy si author e. And... gawa gawa ko lang yang restraining order. Sakay na lang kayo. Hehe!)
YOU ARE READING
Loving You Too
RomancePart 2 of Loving You kapit mga Ka WonGa, medyo madamdamin ang mga tagpo dito.