9

353 20 0
                                    

Jema's POV

Nagising ako na puro puti ang nakikita ko. Asan ako? Ramdam ko rin yung sakit ng katawan ko.

Nilibot ng mata ko ang paligid at dun ko lang narealize na nasa ospital ako.

Bakit ako andito?

Bigla na lang akong napaupo nung makita kong maliit na yung tyan ko.

"Tayyyyyy!" Nakita ko namang nagulat si Tatay sa sigaw ko. Kasabay ng pagsigaw ko ang pagpasok nina Mama at... Deanna?

Ngayon ko lang naalala yung mga nangyare.

"Asan ang anak ko? Asaaan?" Galit na tanong ko kay Deanna. Hindi siya makasagot. Bakit???

"Anak magpahinga ka muna." Malungkot na sabi ni Mama sa akin.

"Ma asan si baby? Gusto ko po syang makita. Ma, dalhin nyo dito yung anak ko." Kita ko sa mukha ni Mama yung lungkot. No, hindi pwede to. Hindi totoo to.

"Anak.."

"Tang ina naman e! Wala bang magsasabi sainyo kung nasan ang anak ko?"

"Ikaw nurse ka dito diba? Dalhin mo yung anak ko dito ngayon na. Kung ayaw mong ireklamo kita."

"Jema, anak huminahon ka." Pigil sa akin ni Mama.

"Mrs. Wong. Makakasama po sa inyo ang magalit nang sobra." Lakas loob na sabi pa ng nurse.

"Galanza. Galanza ang apelyido ko." Diniinan ko ang pagkakasabi ko non habang galit na galit na nakatingin kay Deanna.

"Umalis ka dito. Ayokong makita yang pagmumukha mo." Galit na sabi ko sa kanya. Hindi sya natinag pero halos gusto ko na syang sugurin para lang umalis sya sa harap ko.

"Tangina. Wala ba talagang sasagot sainyo dito kung nasan ang anak ko?" Ahhh ayaw nyo ah? Pinilit kong tumayo kaya biglang lumapit sa akin si Deanna at hinawakan ako.

"B, calm down!"

Tinignan ko yung kamay nyang nakahawak sa akin. At saka ko sya tinignan ulit.

"Wag mo akong hawakan. Baka di ako makapagpigil ngayon at mapatay kita." Naramdaman ko ang pagbitaw sa akin ni Deanna.

"Jema ano ba?" Sigaw ni Tatay. Nagulat ako sa pagsigaw ni Tatay kaya para naman akong nabalik sa katinuan ko.

Bihira lang sya magsalita kaya alam kong may mali na rin sa ginawa ko.

Tumulo na ang luha ko. Hindi ko na napigilan. I don't know what happened pero alam kong may masamang nangyare sa anak ko hanggang sa..

"Mrs. Wong." Sabi ng kakapasok lang na doctor.

"Galanza. I am Jema Galanza." May diin na sabi ko sa doctor.

"Ms. Galanza. We did our best.." nagpatuloy lang sa pasagsalita ang doctor. Inexplain nya ang lahat ng nangyare pero parang wala na akong naintindihan. Hanggang sa umalis na lang ito.

Hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng lakas. Pero hinang hina na ako. I just lost my baby nang ganun ganun na lang.

Tahimik lang ang paligid. Walang gustong magsalita. I looked at each of them. Hanggang sa napatingin ako sa taong nasa tabi ko.

Nawala ang anak ko dahil kay Deanna.

"Ma, pwede po bang lumabas po muna kayo mag uusap lang po kami?" Tumango naman sila pareho. Pero bago umalis si Mama..

"Anak, pakinggan mo sana ang paliwanag ni Deanna. Sana ay wag puro galit ang pairalin mo." Hindi ko na halos inintindi ang sinabi ni Mama. Pero tumango na lang ako para matapos na.

"Simula ngayon wala ka nang karapatan sa akin.

Simula ngayon pwede mo nang gawin lahat ng kalandian mo sa iba. Wala na akong pake.

Mag anak ka sa ibang babae. Kung sino sino ang makasex mo. I don't care. Tapos na tapos na tayo Deanna." Galit na sabi ko. Isa lang ang gusto ko sa ngayon ang diko na sya makita dahil hindi ko na rin alam ang pwede kong magawa sa kanya.

"Jema, please! Wag naman ganito oh. Hindi lang naman ikaw ang nawalan ng anak. Ako rin. Hindi magugustuhan ni baby kung maghihiwalay tayo. Please Jema.. bigyan mo sana ako ng chance. Please naman oh." She tried to hold my hand pero inalis ko. Nandidiri ako sayo!

"Kung buhay sana ang anak ko, baka sakali. Pero hindi e. Pinatay mo sya Deanna. Ikaw ang dahilan bakit nawala ang anak ko."

"Jema.."

"Umalis ka na. Ayoko nang makadinig ng kahit na anong salita galing sayo."

"Jema.. please?" Nagmamakaawang sabi ni Deanna.

"You don't deserve any chance Deanna." Inalis ko na rin yung singsing sa daliri ko.

"I am no longer your wife Deanna. Never will be." Hindi ko na sya tinignan. Alam kong mahal ko pa sya. Honestly, kailangan ko sya. Pero masyadong masakit ang ginawa nya sa akin.

Pinili ko nang di magsalita. I just want her out of this room and out of my life.

Maya maya naramdaman kong tumayo na sya. Matagal pa bago ulit sya magsalita.

I did not look at her. Alam kong nasasaktan din sya. Pero wala akong makitang dahilan para patawarin sya.

"I'm sorry Jema. Magpagaling ka. And don't forget to be happy." Hindi ko na halos maramdaman yung sakit ng pag alis ni Deanna. All I can I feel right now ay galit.

Buong araw akong nag iiyak dahil sa pagkawala ng anak ko. Hindi ko alam kung kelan matatapos ang sakit na nararamdaman ko ngayon.









1 week later

"Jema, anak? Kumaen ka muna oh." Andito ako sa bahay namin ni Deanna. Nung una nagalit pa ako dahil dito nila ako dinala. Pero mas okay na rin. Kasi mas ramdam ko na parang andito lang si Baby Dean.

"Ma, sorry po. Wala po talaga akong gana." Nakatulalang sabi ko sa kanya.

"Anak, ilang araw ka nang walang ganang kumain. Baka ikaw naman ang magkasakit."

"Mas okay yun Ma." Naramdaman ko na naman ang pagbagsak ng luha ko.

"Anak.."

"Ma, ang sakit po. Sobrang sakit po dito Ma." Tuluy tuloy na ang pag iyak ko kaya agad akong niyakap ni Mama.

"Shhh... tama na anak. Magiging maayos din ang lahat!"

Sana nga po Ma. Sana ganun lang po kadaling makalimot.

Maya maya may nakita akong nakatayo sa may pinto ng bahay namin habang kayakap ko si Mama. Pinunasan ko na ang luha ko.

Naramdaman naman ni Mama yun. Kaya umalis na sya sa pagkayakap sa akin.

Tinignan nya si Deanna at ngumiti naman sya dito at agad binaling sa akin ang tingin.

"Anak, please. Bigyan mo muna sana sya ng pagkakataon. Subukan mo munang makinig." Hindi na lang ako nagsalita kasabay nun ang pag alis ni Mama dito sa sala namin.

"Jema.." bakas sa boses nya ang lungkot.

"If this is about..." walang ganang sagot ko pero she cut me off.

"Hear me out first, Jema."

Sinubukan nyang lumapit sa akin pero tinignan ko sya ng masama. Kaya mas pinili na lang nyang maupo sa upuan na katapat ko.

I looked at her. Mukhang wala rin syang tulog at kita din yung pamamaga ng mata nya. Parang pumayat rin sya.

Loving You TooWhere stories live. Discover now