Jema's POV
"Ate? Andame kong tanong sa isip ko. Gusto kong malaman anong nangyare sa kanya. Bakit hindi nya ako binalikan? Nung mga bata pa kami, nangako sya sa akin na susulatan nya ako. Na magtatawagan kami. Tumigil sya exactly 2 years after ng huli naming kita." Malungkot na kwento ko pa.
"As you know Je nung umuwi kami sa Cebu it was because of our Lola right? Hindi naging maganda ang lagay nya nun pero when we came back and she saw Deanna. Parang lumakas na lang sya bigla.
Deanna is so closed to MommyLa halos sya na yung nagbabantay palagi sa kanya. Kaya mas naging helathy and masayahin si MommyLa nun.
But.. there was one time she heard you two talking on the phone. Nalaman nya na Deanna has a crush on you back then. Which I know na rin naman talaga bago pa kami umuwi ng Cebu." Ha? Ganun ba ako kaobvious nun? Teka.. wait. Crush na rin nya ako noon?
"What happened po Ate?" Tanong ko pa.
"She told Deanna to stop talking to you. Ayaw daw nya na magkaroon ng ibang sexuality sa pamilya namin. And we're half chinese din kaya you know." Ahhh.. yun ba yung dahilan kaya hindi na sya nagparamdam sa akin? Sana sinabi nya sa akin maiintindihan ko rin naman...
"Pinaglaban ka ni Sachi kay Lola. How you inspire her to do good things. She even said, she is happy with you kahit na hindi kayo nagkikita. Simula nun, MommyLa got grumpier everytime. To the point na halos masaktan na nya si Sachi kasi ayaw na nyang magpabantay sa kanya. Hanggang sa si Sachi na lang ang sumuko dahil ayaw na ng Lola magpagaling kung magiging ganun din lang naman daw ang apo nya."
"So, never na talaga nya akong pinunthana after that. Kaya pala." Malungkot na sagot ko.
"Jema.." natahimik ako sa pagtawag nya ng pangalan ko. Bigla rin akong nakaramdam ng kaba.
"She actually went to Laguna bago ka mag 18." Gosh! Paano? Bakit hindi ko alam? Saan nya ako pinuntahan.
"Ate..."
Flashback
Nichole's POV
"Mom, what happened kay Sachi?" I tried calling them since nasabi sakin ni Mom na may nangyaring di maganda kay Deanna.
Sinabi nya sa akin kung anong nangyare. Halos gusto kong umuwi agad agad. My sister needs me.
Pinilit kong umuwi kahit sinabihan ako nila Mommy na mas mabuting hindi na.
Because of what happened naging mas aloof si Deanna sa tao.
Nakakaiyak mang isipin pero halos gusto kong pumatay ng tao nung nalaman ko yung masamang balitang yun.
End of Flashback
"Ate?" Kinakabahang tanong ko dahil ang tagal nyang naging tahimik sa kabilang linya.
"She was almost got raped Jema?" Tang ina! Paano.. bakit?
"She went back sa Laguna just to see you. Sya lang mag isa. Yung Adrian na naging kapitbahay nyo sya yung hayop na muntik nang mangrape kay Sachi." What?? Si Adrian, childhood bestfriend ko. Na naging first boyfriend ko.
Yung kabog ng dibdib ko sobrang bilis. Gusto kong sumugod ng Laguna dahil sa mga nalaman ko.
"Je, are you okay?" Hindi Ate. Paano ako magiging okay?
"Kaya ba pinilit na akong kalimutan ni Deanna dahil doon? Pero wala naman akong kasalanan Ate kung tutuusin. Yung hayop na Adrian na yun." Nanggigil pa rin ako hanggang ngayon dahil sa lalaking yun.
"Actually Jema, she was there nung sinabi mong nagugustuhan mo na rin sya. Si Adrian. And that hurt her so much. Dahil sa nadinig nya, niyaya nyang uminom si Adrian thinking na masasabi nya yung mg gusto nyang sabihin.
I can still remember what she said to that asshole.
Alagaan mo si Garet ha? Ikaw yung pinili nya. Ibigay mo yung pagmamahal na deserved nya."
Halos mapaiyak naman ako sa sinabi ni Ate Nichole. Ganun sya kaselfless. Ganun nya ako minahal kahit nung mga bata pa lang kami.
Napatingin na lang ako sa taas.
Lord, ano po ba tong nagawa ko kay Deanna. Simula umpisa pa lang pala ako na yung dahilan bakit nasasaktan sya.
Pinunasan ko na yung luha ko.
"Ate, paano sya nakatakas? Sabi mo muntik syang magahasa."
"Dun nya nakilala si Diane. Yung first girlfriend nya. Si Diane yung nagligtas kay Deanna." Paulit ulit sa isip ko yung kwento ni Ate Nichole. Kung paano sya niligtas nito, kung paano naging sila at kung paano ako nakalimutan ni Deanna.
Diane? Diane, the ex na naman?? Haaay! Hindi ko alam kung dapat ba akong maging thankful sa kanya sa pagligtas nya kay Deanna noon o kamuhian ko sya dahil siya lang naman yung naging rason para maghiwalay kami.
Matagal akong natahimik at ramdam kong binigyan din ako ng time ni Ate na mag isip.
"Ate, kailangan ko syang mahanap. Kailangan kong makausap ang asawa ko." Umiiyak na sabi ko.
"I won't repeat the same mistake I did before. Wala na akong pake kung napirmahan na yung divorce papers namin. Kailangan ko syang mabawi Ate please. Tulungan mo ako."
"Hindi ko alam kung paano Jema. Pero for what it's worth.. gusto ko lang malaman mo na malaki ang naging parte mo sa buhay ni Deanna simula nung nakilala ka niya.
We loved you the first time na nakilala ka namin without even knowing na ikaw din pala si Garet ng buhay nya." I know Ate at ganun din naman siya sa akin.
Haaay! Saan ba kita hahanapin B? Please, bumalik ka na.
"Ate, may idea ka ba kung nasaan si Deanna ngayon? Gusto ko syang makita. Gusto ko syang makausap. No kailangan ko syang makita." Naiiyak na sabi ko sa kanya.
"Jema.." alam ko naman nasaktan ko ang kapatid nya. Pero.. gusto kong bumawi. Gusto ko syang bumalik sa akin.
"I don't think you can find her. Kilala ko si Sachi. Pag ayaw nya, ayaw nya." So.. kailangan ko lang ba talagang mag antay? Paano kung huli na? Paano kung hindi na ako? Kaya ko ba? Makakaya ko ba??
"Naiintindihan ko Ate. Salamat. Ayos na sa akin na malamang sya si Iza."
"Okay, I hope magkita na kayo soon.
And Jema.. one more thing...
Sana hindi mo sukuan ang kapatid ko."
"No, never Ate. Maghihintay ako hanggang maging ready sya." Panay buntong hininga lang din kami pareho ni Ate Nichole.
"Ahhmm Ate? Ngayon ko lang din napagtanto, ni isang picture nung bata sya wala akong nakita dito sa bahay namin or kahit nung umuwi kami sa Cebu."
"Ahhh...that?" Malungkot na sagot ni Ate Nichole.
"She tried to forget you Jema. Lahat ng pwedeng makapagpaalala sayo sa kanya tinapon nyang lahat." Bakit ko pa ba tinatanong, e ganun din yung ginawa ko sa kanya. Simula nung 10 years old kami nung hindi na sya nagparamdam. That was the time na nagalit ako sa kanya.
But before ako mag 18. I still waited for her. Pero walang Iza na dumating.
"Je, are you still there? Alam kong naguguluhan ka.. at madami kang tanong. Alam ko din yung nangyayare sainyong dalawa ngayon. Hindi nya man sabihin sa akin ang totoong rason alam kong nasasaktan sya sa sitwasyon nyo ngayon.
Ang daming pinagdaanan ni Deanna simula bata pa. Sabi ko sa sarili ko sana makahanap sya ng taong di sya sasaktan." Pero ako? Sinaktan ko lang sya. Tinaboy.
"Then she met you, again? Naalala ko pa nun.. Bata pa lang kayo lagi na nyang sinasabi sa akin na pakakasalan ka nya." What? Nagulat naman ako sa sinabi ni Ate Nichole.
"I know you made a promise to each other pag nag 18 na kayo. But then something happened kaya hindi kayo nagkita. Pero diba? Who would have thought na magkakatuluyan din pala kayo sa huli.
Sana mahintay mo sya Jema hanggang maging handa na sya ulit. Deserve nyo parehong sumaya. Fate made its way already, it's time you make yours."
B, kung nasan ka man.. hihintayin kita. Hihintayin ko hanggang sa mahalin mo ako ulit.
YOU ARE READING
Loving You Too
Roman d'amourPart 2 of Loving You kapit mga Ka WonGa, medyo madamdamin ang mga tagpo dito.