"Garet!" Tawag sa akin ni Iza habang andito ako sa bench ng paborito naming lugar.
Simula nung unang pagkikita hanggang ngayon e hindi na kami mapaghiwalay ni Iza. Madalas sya sa bahay namin at ganun din ako sa kanya.
Noong una ay plano lang daw ng Daddy ni Iza na magstay dito ng ilang buwan pero nakita nya daw na okay naman sa lugar namin atsaka masaya ang mga anak nya kaya nagplano pa silang magtagal dito.
Nagpagawa sya ng bench sa Daddy nya kung saan kami unang nagkita at nagkakilala.
Sa hinukay na lupa lang naman.
"Smile na ikaw. I'll call you, don't worry. Lagi tayo magvideo call or chat." Naiiyak na naman ako. Paano kasi babalik na sila ng Cebu kasi mag highschool na sya doon. 2 years na kaming magkaibigan, nung una nagmakaawa pa si Iza sa Daddy nya na magstay dito kaso may emergency naman sa kanila.
Yung lola kasi nya hindi na rin maganda ang lagay kaya kailangan na nilang bumalik sa Cebu.
Pansamantala kasi silang tumira sa Laguna dahil na rin sa business ng Daddy nya dito.
"Baka naman kalimutan mo na ako dahil lang hindi tayo nagkikita." Naiiyak na sabi ko sa kanya.
Hinawakan nya yung kamay ko.
Nitong mga nakaraang buwan hindi ko alam kung anong meron sa akin. Pero simula nung dumating si Iza sa buhay ko. Para akong nagkaroon ng.. girlfriend. Alam ko bata pa kami.
Ni hindi ko nga alam kung ano bang pakiramdam ng may girlfriend. Pero nakakapanuod na rin ako ng mga ganito sa pelikula.
At yung mga magulang namin very open sila pagdating sa ganito. Kaya siguro, naiintidihan ko na agad yung pakiramdam ko dahil na rin sa mga sinasabi nila Mama sa akin tungkol sa ibang sex or identity.
Pero sa ngayon, isa lang ang sigurado ako. Masaya ako pag nakikita ko sya. Laging kinukwento ni Tatay sa amin kung gano sya kasaya pag nakikita nya si Mama. Kaya alam kong pareho ang pakiramdam ko kay Tatay. Alam ko na gusto ko na si Iza, mali.. mahal ko na sya.
At nagagandahan din talaga ako sa kanya. Haay! Tama nga ata talaga si Tatay, bading nga ako. Haha!
"Iza, pwede ka bang mangako sa akin?" Tumingin sya sa akin at kinuha ang kamay ko.
"Sure, ano yun?" Nahihiya man ako pero nilakasan ko na yung loob ko.
"Promise me na lagi mo akong tatawagan ah? Kung kaya ng sulat mas okay yun sakin kasi mas feel ko dahil sinulat mo. Basta, magparamdam ka sakin kung pwede araw araw mas okay. Mas magiging masaya ako." Ngumiti sya sa akin saka ako hinalikan sa ulo.
Luuuhhh! Parang sira.
Naramdaman ko na namula yung pisngi ko.
"I promise Garet!" Nakangiti nitong sabi.
"Tsaka.." eto na yun. Bahala na. Sabi ko sa isip ko.
"Pag nagkita tayo ulit tapos 18 na ako. May sasabihin ako sayo ah? Hintayin mo yun." Nakita ko naman na kumunot ang noo nya.
"Why not tell me now? You're so daya eh!" Yan na naman sya sa pagkaconyo nya.
"Basta, mag antay ka na lang." Pinisil ko yung kamay nya. Pero nagulat ako nung bigla nya akong niyakap.
"Magkikita ulit tayo promise yan! Kasi... may sasabihin din ako sayo!" Napangiti ako.
Diko sure kung gusto nya din ako e. Pero sigurado na ako sa nararamdaman ko. At hindi na ako makapaghintay na makita sya ulit at masabi ko yung gusto kong sabihin sa kanya.
End of Flashback
Sya si Iza?? Pero bakit?? Paano??
Siya yung taong pinilit kong kalimutan simula bata pa ako. Sya yung...
First love ko? Si Deanna at Iza ay iisa. Bakit nga ba hindi ko man lang naisip yun? Asawa ko sya. Alam ko yung buong pangalan nya. Alam kong taga Cebu sya.
Bakit ngayon ko lang napagtanto lahat ng to??
I need to know the answers. At isa lang ang alam kong taong makakasagot sa mga tanong ko ngayon.
Agad kong kinuha yung cellphone ko at tinawagan si Ate Nichole. Si Ate Nichole yung saksi sa mga nangyari sa amin nung mga bata pa kami.
Ate Nichole Calling...
"Ate?"
"Oh Je, napatawag ka? Kamusta kana?"
"Okay lang po ako Ate. Ate, may gusto lang akong itanong. Alam ko ang random pero..
May sinend ako sayong picture, sino yung batang yun?" Lakas loob kong tanong pero yung kabog ng dibdib ko ang lakas at sobrang bilis.
Nag antay akong makita nya yung sinend ko.
"Si Deanna yan nung bata bakit Jema?" Takang tanong nito sakin pero sya namang nagpabilis ng tibok ng puso ko.
"Iza.." wala sa wisyong banggit ko nung sinabi ni Ate Nichole na si Deanna yung batang nasa picture na sinend ko.
"Iza??" Tanong nito. Hindi ako nagsalita. Hindi maprocess ng isip ko ang mga nangyayari.
"Teka.. iisa lang ang tumawag sa kanya ng ganyan. Teka.. ikaw ba si??"
"Garet po?" Nagulat na lang ako nung tumili siya.
"Oh my gosh Jema! Totoo ba? Paano nangyare yun? I mean..."
Jema's POV
Flashback
"Anak, kumaen ka na. May practice pa kayo ng volleyball baka himatayin ka mamaya nyan."
"Wala po akong gana Ma." Malungkot na sagot ko.
"Oh eto, baunin mo na lang yan. At siguraduhin mong kakainin mo yan ah?" Tumango na lang ako at agad na lumabas ng bahay.
Pumunta ako dun sa favorite spot namin ni Iza.
"Ang daya mo! Sabi mo tatawagan mo ako parati. Anong nangyare?" Ilang taon na rin yung lumipas. Next month na yung ika 18th birthday ko.
After ilang taon hindi ka na nagparamdam Iza. Anong nangyari sayo? Kamusta ka na? Paano ko pa sasabihin sayo yung gusto kong sabihin kung hindi ko alam kung kamusta ka na ba? O kung nasan ka naba?
Naiiyak na naman ako.
Simula nung umalis ka hanggang ngayon hindi parin nagbabago yung pagmamahal ko sayo. Mas lumalim pa nga e.
Madame akong manliligaw babae man o lalaki. Pero wala ako ni isang sinagot sa kanila. Kasi inaantay kita.
Ikaw ang gusto kong maging una at huli ko Iza. Please, magpakita ka na sa akin.
Dasal ko habang nakaupo sa favorite spot namin.
End of Flashback

YOU ARE READING
Loving You Too
RomancePart 2 of Loving You kapit mga Ka WonGa, medyo madamdamin ang mga tagpo dito.