23

702 37 12
                                    

Deanna's POV

"What was that??" Galit na galit kong tanong kay Ate Nichole pagpasok namin sa room ko.

"That was the surprise you're talking about ba? Wow Ate, how insensitive!!"

"Insensitive?? I say, how immature of you to treat her that way!" Seryoso? After ng ginawa sa aking pagtaboy ni Jema years ago, this is what I get sa kapatid ko pa talaga?

"Hindi ka ganyan pinalaki nila Mom para mangbastos ng ibang tao."

"Yeah right. Sayo na nanggaling. Ibang tao? Pero bakit andito sya sa dinner nato? This should be a FAMILY affair Ate.

Wait, reremind lang kita na hindi ko na yun asawa. She was just someone from my past." Naramdaman ko yung lalim ng titig sakin ni Ate.

"Wow! Hindi asawa pero nung pinakilala mo sya sa magulang ni Rob, wife mo sya!"

"Ayoko lang mapahiya ka!"

"Pero sya pinahiya mo sa harap nila Mommy??" Galit na sagot sa akin ni Ate Nichole.

"Ganyan ba dinulot sayo ng US Deanna? To treat people na naging part ng buhay mo na parang wala lang! Naging asawa mo sya Deanna baka nakakalimutan mo!"

"EX Ate!! Naging asawa Ate!! Baka din nakakalimutan mo!!" Ang talas ng tingin ni Ate sa akin ngayon pakiramdam ko binabalatan na ako ng buhay.

"Anong nangyare sayo Sachi? Hindi na kita kilala. You never said anything bad about Jema simula nung makilala mo sya." That hit me too. Pero galit ako. Nagagalit ako.

"Sana man lang, sinabihan nyo ako. Para sana naready ko yung sarili ko Ate." Naiiyak na sabi ko.

"Naready saan??"

"You don't know what happened to me Ate. Wala kang alam! Wala kayong alam lahat!"

"At hindi mo rin alam ang pinagdaanan nya. Wala ka ding alam!"

Napatahimik ako. May contest ba? Ano to contest kung sinong mas nasaktan kung sino ang mas mahirap ang pinagdaanan??

"Walang may alam ng pinagdaanan mo, pati pinagdaanan nya. Pero hindi ibig sabihin nun walang hindi nasaktan." Yeah, I know. Pero does it matter pa ba? Para saan pa ba??

"So anong gusto mong gawin namin? Hayaan ka na lang na mag isa habambuhay?

Ate Cyril is settled. I'm about to.. same goes with Dean and Josh they both have special someone na eventually mauuwi din sa kasalan tapos ikaw? Ano forever ka na lang magmumukmok sa buhay mo??"

"And you think si Jema ang sagot sa sinasabi mo?!"

"Oo, wala nang iba!" Confident na sagot nya.

"Masaya ako Ate. Nakamove on na ako. So please stop communicating with her. Hindi na natin mababalik yung noon."

"Tsss. One thing I know about you is, you don't know how to lie. And just because you spent 2 years of your life in the US, doesn't mean I don't know you anymore. Kapatid kita. I know when you're happy.. when you're hurting." Nakakainis na!

"Yes, kapatid kita. But that doesn't give you any right para pakialaman ang buhay ko. I am a grown up woman, sana naalala mo pa yun." I was about to go out pero Ate Nics grabbed my hand.

"Stay!" Aayaw pa sana ako pero nagsalita na sya ulit.

"I'm sorry okay? I went too far Sachi. Pero..." I looked at her habang papaupo sa bed ko. Kinalma ko na muna din ang sarili ko.

Dapat masaya sya ngayon e. Namanhikan yung fiancee and here I am arguing with her about my life.

Hindi ko alam kung naging emotional lang din ba talaga ako because of jetlag or..

Loving You TooWhere stories live. Discover now