Jema's POV
After ng nangyari kahapon sa hotel ay agad din akong nagpaalam kina Mommy dahil kailangan ko ring umuwi ng Manila.
Simula nung huling kita ko kay Deanna sa US e halos linggo linggo kong dinadalaw si Baby Dean at saka ako dumidiretso ng simbahan.
Pero this time, iniba ko muna. Inuna ko ang pagpunta ng simbahan para narin taimtim na magdasal para gabayan Niya ako. Para mas magkaroon ako ng sapat na lakas para lumaban pa.
Death anniversary ni Baby Dean ngayon, 2 years na ang nakalipas simula nung nangyari yun.
That was the most painful part of my life. Yung 2 taong pinakaimportante sa buhay ko, sabay na nawala.
At parehong kasalanan ko yun.
Aaminin ko na halos madurog ako sa mga sinabi sa akin ni Deanna kagabi. Pero despite everything she said.. lalabanan ko pa rin to. Ilalaban ko pa rin ang gusto ko.
Yung makasama lang sya hanggang dulo.
Atsaka.. naalala ko din ang huling usap namin ni Ate Nichole.
Flashback
Almost 2 years ago
"Ate, wala na. Tapos na talaga!" Kita ko sa mukha ni Ate Nichole ang awa pero alam kong gusto nya paring bigyan ako ng kahit katiting na pag asa.
"What happened ba?" Kinuwento ko sa kanya yung huling punta ko ng US. Alam nya naman na pagkaalis pa lang ni Deanna e agad ko tong sinundan. Napilit ko din kasi siya na sabihin sa akin kung saan ko mahahanap ang kapatid nya.
Alam nya lahat ng ginawa ko. Kung paano ko araw araw sinusundan si Deanna galing trabaho pauwi ng bahay nila. O kung saan pa man sya pumupunta.
Pero dumating ang araw na sobrang kinatakot ko.
I saw Deanna and Ivy kasama anak nito na namamasyal sa isang mall. Sobrang saya nila. Mukha silang isang masayang pamilya.
Halos madurog ang puso ko sa mga nakita ko.. muntik ko na rin masaksihan na maghalikan sila buti na lang napatingin yung anak ni Ivy.
Hindi ko siguro alam ang gagawin ko kung nangyare yun.
Pero syempre diko maiwasan na maging malungkot. Dinamdam ko yun ng ilang araw kaya halos magkasakit na ako doon.
Sa sobrang sama ng loob ko tinawagan ko si Ate Nichole. I told her everything. Lahat ng nakita ko.. pati yung naramdaman ko. Hanggang sa sabihin kong tumitigil na ako.
Mabuti na lang talaga anjan si Ate Nichole.
"Wala silang relasyon Je. They are just good friends." Nagulat pa ako. Pero syempre sobrang saya ko nun kasi buong akala ko wala na kaming pag asa. Meron pa pala. Malaki pa pala. Kailangan ko lang talaga ng haba ng pasensya at lakas ng loob.
Laban lang. Lalaban ako B.
End of Flashback
After ko magsimba ay agad akong nagready para pumunta kay Baby Dean. I bought flowers na rin. Kilala na nga ako nung staff dito e.
"Mam Jema. Ikaw pala. Niready ko na yung bulaklak ni Dean Jr." Saka sya natawa. Idol na idol nya kasi si Deanna e. Kaya gusto nyang maalala na anak ng idol nya yung pinupuntahan ko doon lagi.
"Ikaw talaga Raplh. Yaan mo one of these days papakilala din kita kay Deana."
(Wow, taray Jema!) Manifesting lang author ikaw naman.
"Talaga Mam? Aabangan ko po yan. Yes!" Napasuntok pa sa hangin habang tuwang tuwa.
Haaay! Ganito talaga kasarap buhay ng atleta ano? Mas madami pa rin yung nakakaappreciate at nagiidolize sayo kesa sa mga nangbabash.
Mga ganitong tao yung nagpapainspire sa aming mga players to do good, to be better sa profession namin.
Ang sarap lang balikan nung mga panahong naglalaro pa kami.
After ko kina Ralph ay agad akong nagpunta ng sementeryo.
Excited akong pumunta kay Baby Dean. Alam kong hindi maganda yung pagkikita ulit namin ng Dada nya. Pero at least diba nakausap ko na sya ulit. Nakita ko na rin sya.
May pag asa pa anak. Mabubuo din tayong 3 ni Dada mo.
I parked my car sa usual spot ko. Yung sobrang lapit lang tanaw ko na agad yung puntod nya.
Inayos ko muna yung sarili ko at tumingin sa salamin..
Bababa na sana ako nang may mapansin akong 2 taong nakaupo sa may puntod ni Baby.
Sa itsura pa lang alam ko na kung sino to.
Pinagmasdan ko lang sila sa malayo.
Masakit, masakit sa mata. Gusto ko sanang bumaba para pigilan sila sa paglalandian kaso wala akong karapatan.
Halos maiyak ako sa nakikita ko. Kung paano tignan ni Deanna si Ivy. Kung paano neto mapatawa ang taong mahal ko. Ako dapat yan e. Ako dapat ang kasama nya.
Anak namin yung dinadalaw nya.
Alam kong hindi dapat ako magalit sa kanila. Pero nakaka...
"Jema, hindi ko aagawain sayo si Deanna. Alam kong mahal ka pa nya. Pareho lang kayong naging malungkot kaya di nyo nagawang ipaglaban ang isa't isa."
What happened Ivy? Diba sabi mo wala na? Pero bakit ganito ang nakikita ko ngayon? Bakit?
Hindi nagtagal ay umalis na rin si Ivy at naiwang mag isa si Deanna.
Hindi ko na lang muna sya lalapitan sa ngayon. Sobrang sakit na ng mga nangyare kahapon pati ba naman yung nakita ko ngayon?
Maya maya lang nakita kong umalis na rin si Deanna.
Inayos ko ang sarili ko bago bumaba ng sasakyan at puntahan ang puntod ng anak namin.
"Hi, baby. Mommy's here. Sorry ngayon na lang ulit ako nakadalaw." Nilagay ko na yung bulaklak na niready ni Ralph para kay baby.
Sa nakita ko kanina parang mas naramdaman ko yung lungkot. Pakiramdam ko wala na kaming pag asa ni Deanna. Susuko na ba ako?
Yung galit nya, yung relasyon na meron sila ni Ivy. Hindi ko na alam.
Tahimik lang akong nakamasid sa puntod ng anak namin.
Siguro kung hindi ako nagpadalos dalos noon, baka sakali kasama pa namin si Baby Dean. Buo pa sana ang pamilya ko.
Naalala ko yung sinabi sa akin noon ni Deanna. Tama sya ako talaga ang may kasalanan.
"I don't know anak kung hanggang kailan ko kakayanin na ilaban ang Dada mo. Bigyan mo ulit ako ng lakas ng loob baby. Sobrang lungkot na.. miss na miss ko na sya." Maluha luha kong kinwento sa kanya kung anong nangyare kahapon. Lahat ng sinabi ni Deanna sa akin pagkatapos namin magkita ulit after 2 years.
Mafe calling...
"Ate, asan ka?"
"Na kay Baby Dean. Bakit?"
"Ahmm.. may nangyare kasi e. Pwede bang umuwi ka na muna ngayon na?" Sa boses pa lang ni Mafe alam kong galit ito.
YOU ARE READING
Loving You Too
RomancePart 2 of Loving You kapit mga Ka WonGa, medyo madamdamin ang mga tagpo dito.
