Sinundan ko na lang ng tingin si Deanna at Ate Nichole habang papaalis sa table namin. Diko na napigilan ang sarili ko sa pag iyak. Kaya agad akong nilapitan ni Mommy.
"Jema, anak.."
"Sorry po Mommy. Sorry po Dad!" Yun na lang ang nasabi ko.
Ang daming tumatakbo sa isip ko. Ganun ko na ba sya sobrang nasaktan para magalit sya sa akin ng ganun.
Kanina lang.. asawa pakilala nya sa akin pero nung kami kami na lang parang direng dire sya sa akin.
"Baka pagod lang sya. Jetlag maybe? Wag mo na muna syang intindihin." Nagpunas na ako ng luha.
Hindi naman talaga eto ang pinunta ko dito e. Nangako ako kay Dad na aayusin ko to. Aayusin ko ang pamilya namin ni Deanna. Kung kailangan ko syang ligawan, gagawin ko. Bumalik lang sya sa akin.
"Salamat po Mommy and Daddy sa support. Pero hindi ko po sasayangin ang chance na to para ayusin ang sa amin ni Deanna..
Sana po, welcome parin ako sainyo." I smiled at them at ganun din ang ginawa nila sa akin.
Nagpaalam na ako at agad nang sinundan sina Deanna at Ate Nichole.
Nung malapit na ako sa room ni Deanna dinig na dinig ko yung sigawan sa loob. Mabuti na lang naiwang bukas yung pinto.
Kaya dun na lang muna ako nagstay.
Pero sana pala hindi na lang.
Nadinig ko lahat.
Masakit.
Sobrang sakit.
Akala ko kaya ko pa madinig yung iba pero nung...
"I'm sorry too, Ate. I appreciate you.
Pero kaya ko na to, Ate.
Atsaka.. hindi na pwede e.. ayoko na.
Wag na natin sanang ipilit."
Wag na sana nating ipilit."
Wag na sana nating ipilit.
Wag na sana nating ipilit.
Paulit ulit. Pero halos hindi magsink in sa akin.
Wala na ba talaga? Wala na ba??
Napaupo na lang ako sa labas ng pinto ng room niya habang umiiyak.
"What are you doing here?" Dinig kong sabi ng taong nasa pinto.
"Jema, are you okay?" Si Ate.
Agad naman akong tumayo at pinunasan ang luha sa mga mata ko.
"Je, I think this is not the right time?" Nakikita ko sa mga mata ni Ate Nichole ang pagaalala.
"Ate? There's no right time. Habang pinapatagal ko to.. mas lalo lang akong nawawalan ng opportunity para bumawi sa kanya." I looked at her. At alam kong alam nya na kakayanin ko. Na gagawin ko lahat para lang bumalik sya sa akin.
"You sure?" Dahan dahan akong tumango kahit na alam kong walang kasiguraduhan tong gagawin ko, bahala na.
Niyakap muna ako ni Ate Nichole bago tuluyang umalis.
Huminga muna ako ng malalim bago ako tuluyang pumasok sa room nya.
Sinara ko na rin ang pinto sa likod ko.
Lord, kayo na po bahala sa akin. Mahal ko po tong taong to. Kakayanin ko po lahat ng sasabihin nya..
Pero wag po sana masyadong masakit Lord ah? Slight parusa lang po muna for now.
Naramdaman ko na yung matang kanina pa masama ang tingin sa akin.
Pilit akong ngumiti bago tumingin sa kanya.
"Hi!" Nahihiyang sabi ko.
"I think you're at the wrong room." Walang ganang sagot nito.
Gusto ko sanang sumagot pero wag na lang.
No, eto talaga yung tamang room para sa akin. Parang ikaw. Tama para sa akin.
"Ahmm.. can we talk?" Lakas loob kong sabi sa kanya.
"Pagod ako. And I don't think may kailangan pa tayong pag usapan." Meron. Madame. Sobrang dame kong gustong sabihin.
"Kahit saglit lang please. Ang tagal kitang inantay na makabalik. Gusto lang talaga kitang makausap."
Ngumiti sya. Pero alam mong sarcastic.
"Who the fuck told you to wait?? Tsaka eto? Makipagusap?? Hindi mo branding to Jema. What changed??" Haaaay! Ganitong usap ba talaga? Bawat salita nya parang hinihigit ang puso ko e.
"Please, Deanna?" Dinig ko pa syang bumuntong hininga bago ako nagpatuloy sa pagsasalita.
"I'm sorry!" Lakas loob kong sabi. Hindi ko kasi alam talaga kung pano ko ba sisimulan.
"Sorry? Yan lang yung sasabihin mo? Akala ko ba matagal mo akong inantay na bumalik??" Actually madame pero natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi ka na ulit magpakita sakin. Ayokong magkamali ulit.
"Ahmmm.. I'm sorry kasi.. Nagpadalos dalos ako noon. Dapat pinakinggan muna kita. Alam kong masakit din sayo ang nangyare kay..."
"Don't even go there. Hindi nya deserve na madamay pa dahil lang sa gulo nating dalawa. Please, tama na to oh.
Sayo na nanggaling noon.. tapos na tayo!"
"Deanna.." gusto kong lumuhod sa harap nya.
"Sorry, pero tapos na tayo. I don't wanna go back there anymore. I've moved on. Sana ikaw din." Ganun lang ba kadali yun? Lahat ng nangyare sa amin noon.. lahat yun nakalimutan nya lang??
"Ganun lang yun Deanna? Hindi mo man lang ako bibigyan ng chance para ayusin ko to?" Parang dejavu lang.
2 years ago, sya din yung nagmakaawa sa akin. Kaya naiintindihan ko kung anong ginagawa nya.
"Aren't you 2 years late Jema?" Ngayon ko na lang ulit nadinig na tinawag nya ang pangalan ko. Pero sa paraang ayoko.
"Kahit 2, 3 apat o kahit ilang taon pa. Susubukan ko pa rin na humingi ng tawad sayo. Ayokong mawala ka sa akin ng tuluyan Deanna please. Isang chance lang, parang awa mo na!!"
"Chance? Pano mo nagagawang humingi ng chance e nung ako yung nasa lugar mo.. binigay mo ba? Wala diba? Wala." Tama naman sya e. Alam kong kahit anong sabihin ko hindi ako mananalo.
Kaya lumuhod na lang ako. Kasi kahit anong sabihin ko.. hindi nun maaalis lahat ng sakit na dinulot ko.
She did this to me too noon. Ganito pala kasakit yung naramdaman nya.
Yung alam mong kahit anong sabihin mo.. hindi mo na mababago yung isip nya. Pero sinusubukan mo pa rin.
"Tumayo ka jan Jema. Hindi mo yan kailangan gawin." Tumutulo na yung luha ko. Sinubukan kong hawakan ang kamay nya pero nagmatigas sya.
"Mahal pa rin kita Deanna." Lakas loob kong sabi. Hindi ko alam kung anong epekto nito sa kanya pero sana meron pa. Kahit konti kakapitan ko.
Matagal syang natahimik. Lord please, sana yung pananahimik nya.. hindi dahil sa kinakatakot ko.
"Please get up. Hindi bagay sayo!" Masakit. Ang sakit sakit mo na.
"Umalis ka na Jema. Wala na tayong dapat pag usapan." Galit na sabi nya.
I looked at her. Umiwas sya ng tingin.
"Hindi mo na ba talaga ako mahal Deanna? Kahit konti lang, wala na bang natitira jan para sakin?"
"Mahal? Ano ba sayo yung salitang mahal?
![](https://img.wattpad.com/cover/369330561-288-k521541.jpg)
YOU ARE READING
Loving You Too
RomancePart 2 of Loving You kapit mga Ka WonGa, medyo madamdamin ang mga tagpo dito.