5

539 23 0
                                    

Jema's POV

Sarap na sarap akong inumin yung gatas na hinanda sa akin ni Manang..

Pagkita ko sa kanya. Hinimas nya yung likod ko.

"Jema anak, kumaen na tayo." Paglingon ko sa likod wala pa si Deanna. Napansin yun ni Manang.

"Ahh si Deanna.. Umakyat sa room nyo. Kukunin daw muna nya cp nya. Diba?" Oo nga po. Diko naman tinatanong e. Si Manang talaga oh. Char!

Naubos ko na yung gatas ko pero di parin bumabalik si Deanna. Napansin na naman ni Manang yun kaya nagsalita ulit.

"Baka, may kausap lang sa coffee shop anak. Kumaen na tayo. Susunod na yun." Iba ka na Manang ah? Kanina mo pa nababasa iniisip ko..

Kumaen na lang din ako bilang isa akong masunuring amo.

Maya maya..

Naamoy ko na yung pabango ni Deanna. Ganun sya kabilis nakaligo?

Pag kita ko sa kanya nakabihis at nakaligo na nga to.

"Oh B. Bakit naligo ka na? Tsaka bakit yan ang suot mo di ka ba pupunta ng shop?" Everyday kasi ako ang nagreready ng susuotin nya sa shop e. Usually nakaslacks to at polo para smart pa rin sya tignan. Pero ngayon nakapants at shirt lang san punta nito?

"Ahh B. May biglaang meet up kasi kami ni Ate Bei e. Ay oo nga pala, diko pa pala nasasabi sayo na ikakasal na sila ni Cait." What? Hindi nya sa akin nasabi yung ganong kahalagang balita? Dati kasi kahit yung tungkol lang sa barista nilang si Gian e napagkkwentuhan pa namin yun pa kayang kasal nila Bea?

Napapansin ko ding nagkakatinginan si Manang at Deanna. May problema ba?

Naiinis na ako dito kay Deanna ah?

Tahimik na lang akong nagpatuloy sa pagkain. Mamaya ka talaga sa akin pag alis ni Manang.

"B, hindi mo na ako kinakausap." Kumaen sya pero konti lang yung kinuha nya. E paborito nya tong mga hinanda ni Manang e.

May nararamdaman akong kakaiba kaya parang humilab na din yung tyan ko hanggang sa mapaaray ako.

"B, are you okay? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?" Natawa naman ako kahit medyo inis pa ako sa kanya.

"Wag kang OA Deanna Wong. Sumisipa lang si Baby kasi ang konti lang daw ng kinaen mo e." Bumaba na si Deanna para pumantay sa tyan ko.

Nakatingin lang sa amin si Manang.

"Baby D, don't get mad okay? I just need to see Nongnong Bea now. Please? Payagan mo na si Dada." Napatingin ako kay Deanna. Agad kong kinuha yung kamay nya at nilagay ko sa tyan ko.

Ngumiti din agad si Deanna. Sabay akong hinalikan sa labi.

"Umuwi ka daw agad. Sabi ni Baby."

"Yes po babies ko." Oyy. Kinilig ako don ah?

"Sige na B. Ikamusta mo na lang ako kay Bea ah?" Ngumiti sya ulit at hinalikan ako sa labi.

"I love you B. Saglit lang ako."

"Manang kayo na pong bahala kay Jema ha? Ako na rin pong bahala." Ano daw? Tumango na lang si Manang pero yung mukha nya parang may halong pag aalala. Haaay. Baka guni guni ko lang to. Tama na nga. Hindi makakabuti sa akin tong sobrang pag iisip.

Lumabas na si Deanna at dumiretso na sa garahe namin.

Pagtapos kong kumaen, nagpahinga lang ako saglit at naglakad lakad sa garden.

"B, andito na ako kina Bea." Message nito.

Nagnotify naman na din sa akin kung nasaang lugar si Deanna ngayon. Hindi pa rin pala alam ni Deanna na naginstall ako nito sa cp nya dati pa.

Bakit di nya alam? Wala kasing paki yun sa cp nya. Hahaha.

And lagi ko rin kasi pinapakialaman yung cp nya wala naman kasi tong password e at wala rin namang itatago sa akin ang asawa ko.

Even sa lahat ng social media accounts nya. Alam ko ang user id at password nya. Di ko lang talaga binubuksan para may privacy parin sya.

BGC? Bakit doon sila magkikita ni Bea e taga Pasig lang din yun nakatira. Malapit lang sa coffee shop namin.

Anyway, baka gusto lang din ng ibang lugar.

Nag ayos na lang ako ng kwarto namin ni Deanna. Tapos nagstay din ako sa kwarto ni Baby D.

Excited na ako makita ka Baby D. Sabay himas ko sa tyan ko kaya ang anak ko naglilikot na naman.

Umupo na lang ako dito sa rocking chair habang nagpapahinga. Diko namalayan nakatulog na pala ako.

Maya maya..

Mafe calling..

"Oh bakit??" Inis na sabi ko dahi sa pag istorbo nya sa tulog ko.

"Ate, si Ate Deanna anjan ba?"

"Wala, nagkita sila ni Bea nasa BGC."

"Alam mo na andito sya ngayon sa BGC?"

"Kakasabi ko lang diba?"

"Pero.. "

"Ano ba kasi yun Mafe? Nagpapahinga ako e."

"Ahhh kasi ano Ate.."

"Ano nga??"

"Sige na Ate bye. Andito na si Bok. Alis na kami. Bye, labyu!"

Sabay baba ng call.

Ang galing!!! Pagtapos tumawag basta na lang ibaba ang call.

Napahaba pala pagpapahinga ko. Diko na nachat si Deanna.

Teka, anong oras na ba? Pagcheck ko sa phone ko almost 1pm na.

Chineck ko current location ni Deanna nasa BGC pa rin. Ang tagal naman nila doon.

Maya maya..

Beadel calling..

"Hello??"

"Jemaaaa!! Kamusta?" Ang weird naman neto. Bakit need mangamusta e kasama naman nya si Deanna.

"I'm good." Tatanungin ko pa lang sana sya kung nasan si Deanna pero tinanong din nya ako.

"Si Deans?" Si Deanna hinahanap bakit ako tinawagan nya.

"Ahhmm.. bakit di mo tawagan kaya Bei. Wala sya dito sa bahay e." Pagkukunwari ko. Kasi sabi ni Deanna magkasama sila ni Bea tapos hahanapin sa akin ang asawa ko.

Naguumpisa na akong kabahan.

"Saan ka ngayon Bei?" Sabihin mong nasa BGC ka Bei. Please.

"Nasa bahay Jema. Actually, magkikita sana kami ni Deanna ngayon. Sabi ko dito na lang sa bahay. Kasi tinatamad akong lumabas. E hanggang ngayon wala pa." Yung tibok ng puso ko ang bilis.

"I tried calling her pero di sya sumasagot e." Lalo akong kinabahan sa sinabi nya.

"Ahh... what...what time ba usapan nyo?" Nauutal na tanong ko.

"Jema are you okay? May masakit ba sayo?" Nagaalalang tanong nito.

"I'm good. Sagutin mo na lang yung tanong ko Bea please." Halata na sa boses ni Bea na kinakabahan na din sya.

"After nyo daw magbreakfast." Pagtapos nun napindot ko na lang yung end call.

Bakit kailangan magsinungaling sa akin ni Deanna?

Bakit???

Asan ka ba Deanna Wong?

Loving You TooWhere stories live. Discover now