25

520 31 3
                                    

Mahal ba yung.. isang pagkakamali mo lang iiwan ka na.

Mahal ba yung kahit ilang beses kang magmakaawang balikan ka, pero hindi ka tinatanggap??

Mahal ba yung 2 taon na walang ginawa para balikan ako??

Ganun ka ba magmahal Jema???"

"Nasaktan ako Deanna!"

"E ako? Hindi ba ako nasaktan? Halos mamatay na ako sa sakit na pinapaparamdam mo sakin simula ng nawala ang anak natin." Kitang kita ko kung pano umagos yung luha sa mga mata nya. Gusto ko syang yakapin, gusto kong pahidin lahat ng luhang yun.

"Mahal mo lang ako when it's convenient to you. Pero never pag may problema na." No. Hindi totoo yan Deanna.

Umiiling akong lumapit sa kanya. Pilit ko syang hinahawakan pero ayaw nya.

"Deanna.."

"Sana minahal mo pa rin ako kahit hindi ka na makakita ng rason para mahalin ako.

Sana tinanggap mo pa din ako kahit di na ako katanggap tanggap, kahit sinukuan ko na din ang sarili ko.

Yun.. yun ang mahal Jema." Bawat salita nya tagos sa puso ko.

Alam mo yung ilang taong tinago. Kaya nung lumabas, sobrang sakit.

Sobrang galit.

"Pero hindi e. You left me." Iyak na ako nang iyak. Hindi ko na alam kung ano pang pwede kong sabihin para kumalma sya.

"Tama na Jema. Bigyan mo naman ako ng pagkakataon na mahalin yung sarili ko." Natigilan ako. Sabi ko kina Dad, gagawin ko lahat e. Pero sa mga salita nya pa lang pakiramdam ko agad talo na ako e.

"Deanna please, isa pang pagkakataon. Alam ko na nasaktan kita.. tinaboy nang mahabang panahon. Hindi ko sinasadya.

Akala ko pag tinaboy kita, mababawasan yung sakit nang pagkawala ni Baby. Pero hindi e." Umiiyak na kami pareho, pero parang mas may ilalabas pa pala akong luha pagkatapos nyang magsalita ulit.

"Alam mo nung mga panahong nawala si Baby Dean sa atin? Gusto ko na rin mawala at sumama sa kanya.
Seeing you everyday na umiiyak. Na halos parang wala ka ng buhay.. para din akong pinapatay.

Yung mga panahong kahit tignan mo man ako lang ako kahit minsan o tanungin mo man lang ba kung okay ako, pero never mong ginawa. You were too busy hurting me.

Sana ako na lang nga yung nawala tulad nang gusto mo noon e. Baka sakali.. baka sakaling naging masaya ka."








Deanna's POV

After what happened sa Tagaytay, umalis na agad ako. Unang araw ko pa lang sa Pinas pakiramdam ko gusto ko na ulit umalis.

Pero syempre, I can't. I need to be here para sa wedding nila Ate Nicole. The sole reason why I came back.

Nasa byahe lang ako habang nagpapatugtog. I don't know why pero after ng nangyaring confrontation with Jema, surprisingly I feel relaxed. Ngayon ko lang ata naramdaman to.

Parang alam mo yung feeling na.. finally..

I've moved on.

Totoo ba? Tapos na ba talaga? Before I came here, alam ko.. at nararamdaman ko na mahal ko pa rin si Jema. Pero bakit ngayon? Ang gaan lang ng pakiramdam ko? Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib kaya matagal akong hindi makahinga.

Buti na lang at walang traffic kaya mabilis akong nakarating sa lugar na to.

I missed this place.

I missed you!

Loving You TooWhere stories live. Discover now