14

707 37 14
                                    

Jema's POV

Hindi ko alam kung ilang oras na akong umiiyak sa loob ng kwarto na to.

Paulit ulit lang ang eksena sa isip ko.

Mali ba ako? Mali ba na hinayaan ko syang umalis at iwan ako nang tuluyan? Diba ito naman ang gusto ko? Pero bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon?

Akala ko pag tinapos ko na ang lahat sa amin ni Deanna, tapos na rin tong sakit na nararamdaman ko. Pero bakit nasasaktan pa rin ako?

For 5 months, hindi sya nagpakita sa akin. Akala ko sa buong 5 buwan na yun, kinalimutan na nya ako. Sa loob ng 5 buwan na yun hinayaan nya ako dahil yun ang sinabi ko.

Pero bakit? Bakit ngayong nakita ko na sya ulit. Bakit iba na ang gusto ko?

Bakit? Hindi na dapat diba? Sinabi ko nang gusto ko nang magmove forward. Sinabi ko nang gusto ko na bumuo ng bagong pamilya.

Natigil ako sa pag iisp nang nadinig ko ang katok ni Manang.

"Jema, anak." Tawag sa akin ni Manang pagtapos nyang kumatok at binuksan nang kaunti ang pinto.

Inayos ko ang sarili ko. Alam kong alam ni Manang ang lahat kahit hindi ko sabihin.

"Anak, may bisita ka." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam pero para akong biglang nagka energy.

Bumalik sya. Bumalik si Deanna.

Ngumiti ako kay Manang pero pansin ko ang lungkot sa mga mata nya.

"Susunod na lang po ako Manang." Ngumiti naman sya nang pilit bago umalis.

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang energy ko ngayon. Pero bigla akong naexcite sa sinabi ni Manang.

Bumalik sya, bumalik si Deanna.

Nagbihis ako at nagapply ng kahit na kaunting make up. Para naman maitago ko ang mugto sa mga mata ko.

Saka ako dali daling bumaba.

"De..."

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang makalapit sya sa akin.

Lumapat ang labi nya sa pisngi ko.

"Je, I missed you. Sorry ngayon lang ako nakabalik. I was in a business meeting kasi."

"Oh, hi." Nawala ang ngiti sa labi niya pagkatapos kong magsalita.

"Are you okay Jema?" I nodded. Saka ako napatingin kay Manang.

Kita ko ang lungkot sa mga mata ni Manang. Mata na ang dami daming gustong sabihin sa akin.

"Jema.." ang dami na palang nasabi ni Andrei pero lumilipad pa rin ang isip ko.

Hanggang sa biglang nagring ang phone ko.

Mama Calling...

"Sorry Drei, sagutin ko lang to saglit." Tumango na lamang sya sa sinabi ko.

"Hello Ma?" Nagsalita na si Mama sa kabilang linya. Ramdam ko ang saya sa boses ni Mama.

Halos mapaiyak na rin ako sa balitang nadinig ko.

"Sige po Ma, on the way na po ako jan." Huli kong sabi pagkababa ko ng telepono ko.

"Sorry Andrei, you need to go. May kailangan din kasi akong puntahan e." Bakas sa mukha ni Andrei ang pagkadismaya. Pero pinilit nya ring ngumiti.

"Okay, hatid na kita Je." I looked at him. Sorry Andrei. Nagkamali ako.

Akala ko totoo tong nararamdaman ko. Akala ko, gusto na kita. Pero.. hindi pala.

Si Deanna parin pala. All this time, sya lang talaga nagmamay ari ng puso ko.

Loving You TooWhere stories live. Discover now