13

559 28 1
                                    

Deanna's POV

"Deanna anak, andito si Jema. Anong ginagawa mo dito?" I am here outside our house. Sasagot pa sana ako nung makita ako ni Jema.

"Manang.." she looked at me. Hindi ko mabasa yung reaction ng mukha nya.

"Jema, sorry. Hindi ko alam na pupunta siya dito. Anak, wag mo na sanang ireport pa ito. Please... nakiki.."

"Manang, okay lang po." Tumingin muna sa akin si Manang bago umalis.

"Pasok ka sa loob. Sakto gusto din kitang makausap." She said it without showing any emotions. Alam ko ang rason ng pinunta ko dito. Kung may pumunta na pulis dito because of that f*cking restraining order. Wala na akong pake.

We went inside the living room. Si Manang dumiretso na rin sa kitchen.

"Naligaw ka ata." She asked when she faced me.

I sighed. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Simula sa condo na tinutuluyan ko hanggang nasa kotse ako. Ang dami kong gustong sabihin, ang dami kong naiisip na scenario kung paano ko sasabihin lahat sa kanya.

I don't know what happened to me. Gusto kong bawiin yung sinabi ko kay Baby Dean kahapon. Nasa harap ko na si Jema. Nakakausap ko na sya nang malapitan. All I wanted to do right now is to hug her.

Sobrang miss na kita baby!

I wanted her to know na mahal na mahal ko pa rin sya.

Pero seeing her like this? Yung tingin nya sa akin na tumatagos lang din.

Wala na ba talaga Jema?

"Okay, baka kasi abutin tayo ng kinabukasan pag inantay pa kitang magsalita e. I am moving forward Deanna. I met someone and gusto kong magkaroon ng progress ang relasyon naming dalawa."

That's it? Ganun lang sinabe nya pero halos madurog ang puso ko sa nadidinig ko.

"Jema, baka naman pwede pa nating ayusin to? Please. Alam kong malaki ang kasalanan na nagawa ko. Pero I'm willing to give everything, patawarin mo lang ako." Pakiusap ko sa kanya.

She looked at me.

"Bakit?" Walang ganang sagot nya.

"I still love you Jema. Hindi naman nawala e. Please isang chance lang ang hinihingi ko. Please, come back to me baby!" Lalapit na sana ako pero bigla din syang umatras.

"I don't think.. kaya ko pa. O gusto ko pa." Huminga sya ng malalim bago nagsalita ulit.

"Why?" I asked bravely.

"Anong why?"

"Bakit hindi na pwede??" Nakatingin ako sa mga mata nya. Hinahanap yung dating tingin na binibigay nya sa akin.

And it hurts.

Dahil alam kong wala na.

"Hindi pa ba obvious? Gusto ko nang magmove on
sa buhay ko. Kung anuman ang meron sa atin noon. Lahat yun tapos na!"

"Ganun lang yun? Ganun mo lang itatapon lahat Jema??"

"Hahahah! Nagpapatawa ka ba? Baka nakakalimutan mo na ikaw ang nagtapon ng lahat!"

Loving You TooWhere stories live. Discover now