3

1.1K 40 8
                                    

Jema's POV

Nadinig ko na yung busina ni Deanna. Kaya excited akong pumunta sa may gate para salubungin sya. Himala ang aga umuwi ng asawa ko. Hindi pa nakakauwi si Manang Loisa pero andito na sya sa bahay. Yeheeey!!!

Pagbaba nya ng sasakyan, agad akong yumakap sa kanya. I missed my Dada so much. Hinalikan ko sya sa labi tapos sa leeg tapos...

"Saan ka galing Deanna Wong??" Nakasalubong na kilay na tanong ko sa kanya. May ibang amoy sa damit nya. Hindi nya to pabango.

"Ahhh, sa coffee shop lang.. lang naman ako e." Bakit nauutal ha??

"Saan nga??" This time nakacross arms na ako. Alam nya pag ganito na ako. Kailangan na nyang sabihin ang totoo. Di na pwede ang pautal utal na sagot.

"B, let's go inside first. I'll tell you sa loob. Bawal ka dito e. Baka mahamugan ka." Well, may point ka pero dika makakalusot sa akin Deanna Wong. Sinasabi ko sayo.

Pagpasok namin sa pinto pa lang humarap na agad ako sa kanya. Inaantay ko yung sagot nya.

Napapakamot naman sya sa batok nya kasi di nya alam kung pano sisimulan.

"Ano kasi..ahmmm.. sa coffee shop lang talaga ako B." Ahhh ayaw mo talagang sabihin ah?

"E bat ganyan ang amoy mo? Magsabi ka ng totoo?!" Naiinis na ako ah?

"B, kasi.. may nameet lang akong bagong client. Gusto kasi nya.. magfranchise. Ayun. Tama." Hindi ba dapat good news yun? Bakit di nya sinabi agad?

"E bakit nga ganyan ang amoy mo?" Naiinis na talaga
ako.

"Syempre cient sya B. Nakipagbeso kaya siguro dumikit yung amoy nya sa akin. Ayun.." yun lang naman pala. Mahirap bang sabihin yun?

"B, wait lang pala..'" sabay alis sa harap ko. Royal flash ka talaga ah? Ang bilis makaalis. Hmmp!

Pagbalik nya amoy na amoy ko yung chicken wings na favorite ko. Pati si Baby Dean, parang naexcite din. Parang biglang nawala yung pagkabad mood ko.

"Ateeeeee!!/Tinaaaang!!" Oh em geee! May kaagaw pa ata ako sa pasalubong ni Dada. Kainis.

"Tinong D!!" Tawag ni Ash kay Deanna sabay nagpakarga.

"Attt!!" Tawag ni Deanna dito kaya yung isa nakasalubong na ang kilay.

"Pasaway talaga yang asawa mo Ate. Hanggang ngayon inaasar pa rin si Ash e." Sabi ni Mafe habang pinapanuod namin si Deanna at Ash na naghaharutan.

Pagbalik samin nung dalawa, humalik lang si Deanna sa pisngi ko at nauna na silang pumasok sa kusina para magready na sa kusina ng kakainin namin.

"Hanep din kayo sa timing mag ina e no?" Sabi ko kay Mafe sabay tingin sa likod. Hinahanap ko si Bok e. Lately, napapansin ko parang di na masyadong sumasama yun dito sa bahay. Kahit kina Mama daw di narin nagpapakita.

Mausisa nga sa kapatid kong baliw.

"Ate, di naman talaga ikaw ang sadya namin e. Si Ate Deanna tsaka si Baby."

"Tse! Makikikaen ka lang napadayo ka pa talaga ng Marikina ah?" Natatawang sabi ko sabay yakap rin naman sa kanya. Namiss ko din tong batang to. Lalo na yung pamangkin ko.

Pumunta na kami sa dining area. Naabutan namin si Ash at Deanna na nagkukwentuhan. Tumabi na ako kay Deanna. Pero nakatayo pa lang din ako. Hobby na kasi ni Deanna na himasin yung tyan ko bago kami kumaen. Alam mo yun parang bonding muna ng mag Dada bago ang lahat. Hehe.

"Ash, big boy ka na. Dapat di ka na bulol." Sabi ni Deanna kay Ash kaya nakurot ko sa tagiliran.

"Tinong D. Di aman na ako bulol. Tignan mo may ssshhh na rin ako." Oo nga no. Paano nangyari yun? Napatingin kami ni Deanna pareho kay Mafe.

Nakwento nya sa amin na nagtetheraphy na rin si Ash para dumiretso yung dila nya. I mean sa pagsasalita.

Nakakatuwa namang isipin na nag iimprove na yung pagsasalita ni Ash. Akala kasi namin dati dahil bata pa sya kaya sya bulol pero may speech defect pala talaga sya kahit bata pa lang.

Sobrang daldal ni Ash kaya tuwang tuwa sa kanya si Deanna. Napapansin ko si Deanna sobrang playful nya sa mga bata. Hindi sya yung mabilis mairita kasi malikot o makulit yung bata. Mahaba yung pasensya nya tsaka lagi syang may reason pag may ginagawang kakaiba si Ash na kahit ako naiinis na pero sya grabeh. Kala mo Pedia sya kung makaintindi sa bata e.

Mas lalo tuloy akong napapahanga kay Deanna. Ganito na sya kapatient kay Ash, what more kung sa anak pa namin diba?

Haaay Deanna Wong! Sobrang nice catch mo.

"Te, asawa mo na yan. Kung makatitig ka naman wagas e." Talaga ba sobrang titig ko na ba?

"Oo Te!" Ay nadinig mo yun? Hahaha.

"Kamusta ka naman Ate?" Ano bang meron sainyong Mag Ate? Pareho kayo ni Kyla kung makatanong e.

"Eto, sobrang saya. Konting araw na lang makikita na natin si Baby D."

Nag uusap lang kami dito ni Mafe habang kumakaen. Yung dalawa panay parin ang kulitan.

"Excited kana?" Excited oo pero kinakabahan. Paano kung hindi kumpleto daliri ni baby? O kaya may something sa face nya? O baka makuha nya yung defect na meron si Ash?

Ngumiti na lang din ako. "Yes, super." Pero nahalata din nyang may halong kaba yung ngiti ko. Anytime soon kasi lalabas na si Baby Dean.

"Te, wag kang praning okay? Naalagaan ka naman ni Ate Deans kaya for sure gwapo at healthy na lalabas si Baby D." Speaking of naalagaan. Gusto ko sanang itanong sa kanya yung tungkol kay Bok. Kaso baka madinig naman ni Ash kaya tumahimik na lang din ako.

Nagkwentuhan lang muna kami ni Mafe sa sala after kumaen. Si Deanna at Ash naman naglaro na lang sa room ni Baby D.

Dito na nagstay sina Mafe at Ash since gabi na rin. Meron naman kaming guest room e.

"Ate, magpahinga ka na. Ako na pupunta kina Ash doon."

"O sige mauuna na ako sa kwarto namin since antok na rin naman na ako."

Sabay na kaming umakyat ni Mafe pero magkaiba kami ng way. Ako dumiretso na sa kwarto namin ni Deanna pero si Mafe sa kwarto ni Baby D since doon nagstay sina Ash kanina at naglaro.

Natapos ko na yung night rituals ko pero paglabas ko ng CR wala pa ring Deanna sa kwarto namin. Bakit ang tagal naman ata nun?

Inayos ko muna yung susuotin ni Deanna na pantulog saka ako umupo muna sa kama. Kinuha ko yung cp ko at nagcheck ng messages.

May mga nagchat sa akin na team mates ko nagcocongratulate sa anak namin ni Deanna. Nagmessage din sa akin sina Mama at Ate Jovs.

Pagtapos kong magcp, wala pa rin si Deanna. Inaantok na ako e. Kailangan ko na ng himas, kasi ito din yung pampatulog ko e.

Kaya no choice ako kundi puntahan na si Deanna sa kabilang room.

Pagdating ko sa room ni Baby D. Nakabukas ito ng konti. Nakita ko si Deanna na may kausap sa cp.

Bakit parang galit to.

"Please leave me alone okay? May asawa na ako at magkakaanak na. Tigilan mo na ako. Or else ipapapulis kita!" Galit na sabi nito sa kausap nya. Sino kaya yun?

Biglang humilab yung tyan ko. Kaya napahawak ako dito.

"Sorry baby. Wag kang matakot kay Dada!"

Bumalik na lang ako sa room namin ni Deanna at dun ko na lang sya inantay.

Loving You TooWhere stories live. Discover now