26

1.3K 36 23
                                    

"Baby, I'm sorry. Patawarin mo si Dada ha? If only I was a better person hindi ka sa amin mawawala ni Mommy mo. Hindi sana mawawala sa akin si Mommy mo. I'm sorry anak." Everytime andito ako sa puntod ng anak ko, lagi akong nagsosorry sa kanya. If only I was a better wife to Jema. Baka nga andito pa si Baby Dean.

I looked back to what happened years ago.

Diba dapat gusto ko to? Diba dapat masaya ako na mahal pa rin ako ni Jema, that she wanted "US" again.

Napabangon ako nung naramdaman kong may papalapit sa akin.

It was Ivy. Alam na alam nya talaga kung kelan ko sya kailangan e.

"Hi." I gave her a smile.

"Hi! Ang maga ah?" Natawa kami pareho. I was looking for Via pero mukhang di kasama.

"Buang!"

"Wala si V, Adi. Alam mo naman yung anak mo akala mo teenager na kung umarte. Ayaw na rin sumama sa akin masyado." Cute naman talaga ng batang yun oh.

Tumahimik na lang din ako. Yung comfort na nabibigay talaga sa akin ng lugar na to. Iba.

"So, spill it?" I looked at her. Wala talaga akong matatago sa babaeng to e.

So ayun.. kinwento ko sa kanya yung buong nangyare kahapon. Walang labis, walang kulang.

"Bakit kayo umalis ni Via kahapon? Akala ko pa naman kasama kayo sa dinner." Maktol ko.

"Tsss! Family dinner nga e." Napataas naman ang kilay ko.

"You're family to me, Adi. Kayo ni Via."

"But not like her? She was your family Adi. She was your home." Nakangiting sabi sa akin ni Ivy.

"Was?" Malungkot na sagot ko.

"Yeah, was. Kung wala kang gagawin..

What's stopping you? From.. giving her a chance? From going back together?"

I actually don't know. Hindi ko ineexpect na after 2 years. Hinintay nya pala ako. Akala ko tapos na e.

Akala ko, okay na sya.

"I just don't wanna go back there Adi. The pain.. the brokenness. Nakakapagod na yun e."

"Pano mo nasabi na puro pain lang if you won't try." Napatingin ako sa kanya. Ano bang nakaen nito? Kala ko pa naman may gusto sa akin. Pero bakit parang gusto kaming magkabalikan ni Jema.

"Tsk! Alam ko mga ganyang tingin mo Deanna Wong." Sabay na kaming natawa.

"Pero seriously Adi.. wala na akong balak na makigulo pa jan sa magulo mong lovelife no. I'm okay with this. Yung pagiging magkaibigan natin. Sino ba magaakala diba? Na parang mas okay pala talaga tayo kesa friends lang.

And besides..

Pinakita nya sa akin yung singsing na suot nya.

"Oh to the em to the gee!" Sabi ko.

"Bading!! Hahahaha!"

"Who's the unlucky guy Te?" Napataas sya ng kilay.

"Grabeh ka ha? Pero, gusto ko sana sabihing si Ran. Pero hindi e. Hahaha!" Pinakita nya sa akin yung picture ng BF nya. Yes BF and soon to be fiancee.

"Grabeh naman pala ang Ivy Lacsina e. Model-actor ang peg. Teka.. matagal na pala kayo bat hindi ko alam?" Nakurot naman ako sa tagiliran.

"Paano pako makakakwento sayo ng masaya e puro angst lang na POV mo ang lagi kong nadidinig no." Oo nga naman. Pero masaya ako for her ah?

Totoo.

Tinignan ko si Ivy at hinawakan ko yung kamay nya.

"I'm happy for you Adi. Sana forever na yan. Magkakaroon na ng bagong Dada si Via." Niyakap ako ng mahigpit ni Ivy. Naramdaman kong gumagalaw yung balikat nya. Umiiyak ba to?

Kumalas sya sa yakap..

"Nag iisa ka lang na Dada ni Via, Adi. She'll just have another parent pero never ka nyang mapapalitan sa buhay niya. Promise yan." Natouch naman ako. I wanted to still be part of their lives kahit na magsettle down na si Ivy. I will be there for them just like how they were to me nung broken at nawawala pa ako.

Tumingin si Ivy sa puntod ni Baby Dean.

"Baby, tell your Dada na wag nang magmatigas. Alam naman natin pareho kung ano naman talaga ang gusto nya e. In denial lang!" Tumingin sya sakin pagkatapos nyang sabihin yun.

"Adi.. please be happy na this time ha? Masyado nang matagal yang galit jan sa puso mo. It's time to forgive and forget." Paano? Paano ko gagawin yun?

"Hindi ko pa alam Adi kung paano.." she cut me off.

"Wag mong kalimutan na nasaktan lang din si Jema. Nawalan sya.. nawalan ka. Pero hindi ibig sabihin nun na hindi ka na nya mahal."

"Before ako umalis, meron na syang Andrei e. Kaya nagtataka ako bakit gusto nya pa akong bumalik. Pinaglalaruan nya lang ba ako?"

"Mukhang mahina net sa US sis. Hahaha! Hindi naman naging sila e." Paanong..

Kinwento sa akin ni Ivy kung paano nya nalaman. Jema actually talked to her daw nung pagkaalis ko papuntang US. Sa sobrang kulit nga daw ni Jema para makabalita sa akin, naging close na sila e.

Tumigil lang sya nung one time daw, pero hindi sya sigurado.

"I just found out this pala recently lang Adi."

"Na ano?"

"She went to US pala after ng ilang beses na pangungulit nya sa akin. She was there simula umalis ka pero never ka nyang nilapitan or kinausap.

She was just there, practically looking at you from afar." Nagulat ako sa sinabi nya.

Naisip ko din yung laging nagpapadala ng flowers and food sa akin nung sa US.

"Don't tell me.."

"Yes, sya yun." Sya yung lagi kong kinukwento kay Ivy noon.

Diko napigilan ang sarili kong mapangiti.

"Yieeee! Kinilig sya oh. Ibig bang sabihin nyan..."

"I don't know. I'm not sure yet. Ang overwhelming pero.. masaya!" Tinignan ko ang puntod ni Baby Dean at saka ngumiti.

"Kaya ka ba nagpakita sa akin sa panaginip ko? Para dalawin kita ngayon and to tell me these? Ginamit mo pa talaga Tita Ivy mo ah?" I smiled.

"Thank you Baby. I love you anak!"

Loving You TooWhere stories live. Discover now