18

526 30 3
                                    

Jema's POV

Flashback 20 years ago

(A/N: Ipagpalagay na lang po nating 28 na sila ngayon. Hehe)

"Hahhaha! Siopao! Siopao!" Dinig kong tawag ng mga batang lalaki dun sa kalaro nila.

Pumunta ako ng playground na malapit lang sa bahay namin. Wala kasi sina Ate Jovy at kakatapos lang ng practice namin ni Tatay ng volleyball.

Nakapalibot sila dun sa bata kaya diko makita kung mukha ba talaga syang siopao. Haha!

"Get lost!" Dinig kong sabi nung batang siopao. Este nung isang bata.

"Hahaha! Wag ka na kasi dito di ka naman namin gustong kalaro e. Hindi mo ba alam na kaya ka lang namin kinakaibigan kasi ang dame mong magandang laruan atsaka lagi mo kaming nililibre ng ice cream."

"What? I thought you're my friends na?" Naiiyak na sagot nito.

"Friends? Gusto ka lang namin kasi madame kang laruan at mayaman ka!"

"Oo nga! Sino ba gusto makipagkaibigan sayo. English ka pa ng english. E wala nga kaming maintindihan pag nagsasalita ka e."

Aba! Ang sasama naman ng mga to oh.

Agad akong lumapit sa kanila.

"Hoy kayong mga kutong lupa kayo. Tigilan nyo sya ah?" Lahat naman e tumingin sa akin nang masama.

Si siopao naman pilit na sinisilip ako.

"Kutong lupa pala ha?" Aakma pa sanang susuntukin ako nung mga kutong lupa nang humarang sya.

Wow! Ang tapang naman pala e.

"Stop! Get lost or else I'll go and call the police."

Sabay sabay na natawa yung mga bata e.

"Huy! Bakit ka naman tatawag ng pulis siopao e.."
Bulong ko pero pinutol nya ako sa pagsasalita.

"First of all my name is not siopao and second of all. Stop talking. I'll make takot them."

Jusko po! Anong klaseng salita yun??

"Aheemmm.. oo nga! Pag di pa kayo tumigil papapulis namin kayo!" Sakay ko naman. Ayan na naman sila tawang tawa na naman e.

"Alam nyo bagay kayong dalawa maging magkaibigan e. Ikaw bola bola sya naman mukhang siopao. Hahahahha!"

Ay mga siraulo talaga!

"Kanina pa kayo. Pag di kayo... nagstop. I'll kick you all." Nak ng tokwa. Ang scary ah??

"Ahhh talaga ba siopao? Ha?" Palapit sila nang palapit habang kami paatras ng paatras. Jusko. Katapusan na ata namin to e.

"Ahhh e.. siopao, ano mali.. mukhang mabubugbog na tayo. Kung anu ano kasi pinagsasasabi mo e." Ramdam ko na yung kaba namin pareho habang paatras kami.

Pero alam mo yung pakiramdam na natatakot ka pero feeling mo safe ka kasi nasa harap mo sya.

Maya maya lang..

"Aahhhhhhhhhhh...." sabay naming sigaw.

"Aray ko!" Naramdaman ko na lang na nakaupo na kami pareho sa lupa. Hawak ko pwet ko. Jusko solid ng bagsak ko e.

"Ouch!!" Dinig kong sabi nya.

Nahulog pala kami pareho sa hinukay na lupa dito. Ang taas nya. Kaya solid ang bagsak namin pareho.

"Oh kung kami kutong lupa o anong tawag sainyo ngayon? Hahahha!

Edi amoy lupa!" Walastik na yan!

"Hooy tulungan nyo kami dito!" Paghingi ko pa ng tulong.

"Neknek nyo! Ahhaha!" Sabay alis nila.

Tumayo na ako at pinagpag yung dumi sa shorts ko. Yare ako neto kay Mama puti pa naman shorts ko.

"Nakakainis!!" Pagpapadyak ko dahil sa taas ng binagsakan namin pakiramdam ko bukas pa kami makakauwi.

Mag iisip na lang muna ako.

Habang nag iisip may nadidinig akong parang umiiyak. Teka.. si siopao ba yun??

Agad ko syang nilapitan at niyakap.

"Huy, wag ka nang umiyak. Eto oh." Binigyan ko sya nung binili kong chupachups na lollipop.

Favorite ko to kaya lagi akong may ganito sa bulsa. Madalas kasi akong mainip pag nag aantay o pag nabobore ako. Kaya eto ang savior ko lagi.

Basta! Napapaganda nito ang mood ko e.

"What's that?" Ay ang arte. Ayaw na lang kunin e.

"This? Ngayon ka lang ba nakakita nito?" Yung itsura nya parang nalilito pa rin? Saan ba sya nalilito sa lollipop o sa tagalog ko?

Juice ko po Rudy. Hindi pa ako masyadong maalam sa english e.

"Ahmm.. this is lollipop. You lick it and ... you'll love it." Kita kong naningkit yung mata nya tapos..

"Hahahahhahaha! Ang epic ng mukha mo!" Whattt?? Marunong naman palang magtagalog e.

"Hahahha! Lick it and you'll love it! Taray ng tagline. Hahahah!" Sige lang pagtawanan mo ako.

Umupo na lang ako sa isang tabe. Nakakainsulto tawa netong siopao na to ah?

"Hey!" Tumabi sya sa akin. Saka sinimulang balatan yung lollipop.

"Oh, hatiin natin!" Natawa naman ako bigla. Panong hahatiin?? Kakagatin ganun?

Sinimulan nyang dilaan yung lollipop tapos biglang tinapat sa bibig ko. Ginagawa neto?

"Di ka naman siguro LC diba??" Tanong pa nya sa akin.

"LC?" Tanong ko pa.

"Laway conscious." Jusko may word pa lang ganun?
Tinignan ko sya at sabay pa kaming natawa.

Nagkwentuhan na lang kami hanggang sa maalala nyang may cp sya sa bulsa. Naks! Ang rich kid naman. Bata pa lang may cp na.

Tumawag na lang sya sa Ate Nichole nya kaya kami nasundo.

After that day, naging mas close kami ni Siopao este.. Iza.

Loving You TooWhere stories live. Discover now