Jema's POV
Ang daming tanong sa isip ko kanina pa. Kanina ko parin tinatawagan si Deanna pero di nya ako sinasagot.
Magagabi na nung sinabihan ako ni Bea na nakikipagmeet sa kanya si Deanna. At nagpromise sa akin na sya na mag uuwi kay Deanna at wag na daw akong mag aalala at makakasama lang daw yun sa baby namin.
Kahit ganun yung sinabi nya hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang mag alala sa asawa ko.
Kahit na nagsinungaling siya sa akin kanina, diko parin magawang magalit sa kanya. Kilala ko sya e. Kilala ko ang asawa ko. She won't do anything para masaktan ako.
Dahil sa pagod at pag alala nakatulog na rin ako. 2am nang magising ako dahil sa tawag ni Bea.
Agad ko yun sinagot at sinabi nyang nasa labas na daw sila ng gate.
Pagkabasa ko ng message nya agad akong nagpunta sa gate namin at pinagbuksan sila. Inalalayan ni Bea si Deanna hanggang sa maihiga nya ito sa kama sa kwarto namin.
"Jema, sorry ah? Baka may problema lang to sa coffee shop or dun sa resto nyo sa Laguna kaya ganyan. Antayin mo na lang sya siguro pag matino nang kausap." Natawa naman ako. Alangan naman ngayon ko kausapin to at baka mabatukan ko lang dahil sa kalasingan.
After naming maiayos si Deanna, agad namang umuwi si Bea. Mukhang okay naman sya bago umalis. Pero I told her to message me pa rin para alam ko kung nakauwi ba sya ng safe.
Pagkauwi ni Bea, inayos ko na din agad ang asawa ko. Diko mapigilan na mapatitig sa kanya.
Anong problema B? Kahapon pa may kakaiba sayo. Sabihin mo sakin please!!
Bakit ko ba kinakausap yung tulog? Haaay. Bukas na nga lang at antok na talaga ako.
Nabihisan ko na rin si Deanna. Pero may naamoy ako sa damit nya. Eto yung amoy nung client na sinasabi nya kanina.
Amoy pabango ng babae. First time to. Kinabahan ako kaya halos magising ang ulirat ko.
Nag isip ako saglit. Pero napailing lang din ako.
No, hindi gagawin sa akin ni Deanna yun. Mahal na mahal ako ng asawa ko.
Tumabi na ako sa kanya. At kinuha ang kamay nya saka nilagay sa tyan ko, pinahimas ko yun sa kanya hanggang sa makatulog ako.
Kinabukasan
Pagmulat ng mata ko, nagtataka ako bakit walang nakayakap sa akin. Kinapa ko yung kama. Pero walang Deanna sa tabi ko.
Dahan dahan akong bumangon. Hahanapin ko na sana sya nung makita ko yung cp nya.
Napahinga ako nang maluwag. Andito pa pala sya. Di pa umaalis.
"B, gising ka na pala. Tara na sa baba." Sabay kiss nya sa akin sa lips. Nagulat ako kaya parang natameme ako bigla. Everyday naman nya tong ginagawa pero kinikilig pa rin talaga ako.
Inalalayan nya ako papuntang CR para magawa ko yung morning routine ko hanggang sa matapos ako nakabantay lang sya sa akin.
"B, pasyal tayo ngayon!" Wow. Himala to ah? Anong nakaen ng asawa ko? Pero si Baby gumalaw naexcite din ata kaya naphawak ako sa tyan ko. Napansin naman yun ni Deanna.
"B, are you okay? May masakit ba?" Tinitigan ko sya sa mata. Alam kong may tinatago sya sa akin. Pero bakit ganun wala akong lakas ng loob na tanungin sya.
Bigla ko na lang syang niyakap.
"Kung anuman nangyayari sayo B, sana alam mong mahal kita. Iintindihin ko kung anuman yan basta sabihin mo." Yun na lang ang sinasabi ng isip ko.
Naramdaman ko yung paghigpit ng yakap nya.
Sobrang higpit na I can feel her heavy breathing.
"Mahal kita B. Please always remember that!" Lagi naman nyang sinasabi to. Pero iba yung pagkakasabi nya ngayon. Haaay!
"Tara na B. Pupunta tayo sa lugar na sobrang magugustuhan mo." Excited na sabi nito na parang bata.
I know and I feel it, may kakaibang nangyayare. Alam nyo na woman's instinct. Pero I disregarded it. Kasi si Deanna to. She will NEVER hurt me.
"Okay. Tara na. At excited na rin tong anak mo oh. Panay ang sipa e." Tuwang tuwa naman si Deanna na pinaghahalikan yung tyan ko. Haaay Deanna Wong pasalamat ka talaga mahal kita nako!
Nag breakfast na kami nila Manang. After nun nagready na kaming umalis papunta sa sinasabi ni Deanna. Niyaya namin si Manang kaso sabi nya kami na lang daw mag asawa at minsan lang daw mangyari yun.
Nailagay na ni Deanna yung mga gamit namin sa kotse. Mukhang matagal to ah? Haha. Mas matagal, mas okay. Kasi makakasama ko si baby nang matagal. I'm excited!!!
After 30 minutes of waiting, nagsimula na kaming magbyahe. Nakakatuwa kasi ang daming jokes at kwento ni Deanna. Yung iba ang corny pero natatawa ako dahil sa facial expression nya.
Alam ko namang may natatagong kulit yung asawa ko. Pero iba yung ngayon. Minsan pinipigilan ko nang matawa nang sobra kasi kawawa naman si baby sa tyan ko.
After how many hours, nakarating din kami ni Deanna sa resort nila Bea sa Bolinao.
Yes, we're back here. Daig pa namin ang may anniversary ah? Diko tuloy maiwasang mapangiti.
"Hello po Mrs. Wong!" Iiihh! Kilig parin talaga ako pag binabati nila ako ng ganun.
"Hello!" Sabay ngiti ko sa kanila. Teka.. asan yung asawa ko?
Tanong ko sa sarili ko kasi kanina nasa tabi ko lang sya e.
"Ahmm.. si Ms. Deanna po? Nasa may resto po daw sya nauna na po." Hala. Kakababa lang namin ng sasakyan iniwan na agad ako.
"Tara na po Madam Baby!" Wow! Lakas maka KathNiel ng tawag sa akin ng staff ni Bea. Haha.
Inalalayan na lang ako ni Allein at Chris papunta sa resto. Yung gamit namin yung ibang staff na rin ang nagdala sa room namin.
Hanep din e no? Kala mo kami may ari sa sobrang special treatment nila sa amin.
Papunta sa resto, yung daanan nakakatuwa. Kasi sobrang ganda. Hindi ganito yun nung huli naming punta nila Deanna dito.
"Madam, pasok na po kayo andun po sya sa loob." Sabi ni Allein nung nakarating na kami sa may pinto ng resto.
Pagpasok ko..
"Wow!!" Yun na lang ang nasabi ko.
Andito lahat ng mga kaibigan namin. Pati pamilya ko. Anong meron hindi ko naman birthday?
Lumapit sa akin si Deanna.
"Surprise B!" Nakangiting sabi nito sa akin.
Hindi ko napigilang maiyak at mayakap sya.
"B, si baby naiipit. Hihi!" Walang matang sabi sa akin ni Deanna. Oo nga pala.
"Anong meron bakit may paganito ka?" Tanong ko sa asawa ko.
"I just want to make you happy on this day B. Hindi naman kailangan may okasyon para pasayahin ang asawa ko diba?" Oo nga naman pero kasi...
She looked at me and I did the same.
"I love you Jema. Please always remember that." Oo, nakakilig but why do I have this annoying feeling inside?
"Best halika na dito. Ang daming foods!!" Nako. Kilala nyo na kung sino yun. Haha!
Deanna just smiled at me nung hinatak na lang ako basta ni Kyla.
We just ate, talked and mingled with our family and friends. Haaay! Sobrang saya ng araw na to. Walang occasion pero daig pa namin ang nagcelebrate ng anniversary sa sobrang saya ng araw na to.
A day well spent with my family. I love my family, friends, Deanna Wong and our future family of three.
Sana I can stay this happy for a long time.

YOU ARE READING
Loving You Too
RomancePart 2 of Loving You kapit mga Ka WonGa, medyo madamdamin ang mga tagpo dito.