30

1.5K 27 11
                                        

"Ate Deanna.."

"Hmm..?"

"Mahal po ba si Ate?" Isang sentence pero parang napakahirap sundan pagkatapos ng salitang oo.

"Ang tanga ko para itanong pa no?"

Hindi na ako sumagot.

"Ate, mahal na mahal ka ni Ate Jema. Nakita ko kung pano sya nahirapan nung nagising ako. Hindi ko na nakita yung mga ngiti sa mukha nya. Hindi ko na nakita na naging masaya yung kapatid ko.

Alam kong kailangan ka nya. At alam ko rin na nahihirapan sya.. pati ikaw.

Kaya pwede ba? Ilaban nyo to nang sabay? Sanay kami sa hirap Ate Deanna. Kung ito lang yung gagawin nya, kayang kaya namin tong lagpasan."

"Pero Mafs, I don't want you all to suffer kung kaya ko naman solusyonan."

"At naisip mong magiging masaya si Ate doon? Nagkamali na kayo once. Wag nyo na sanang ulitin.

Si Mama magaling na. Ako gising na? Yung bahay na yun.. kayang kaya namin ulit bumili ng bahay. Pagtulung tulongan namin..pero yung panahon na sinasayang nyo. Hindi na yun mababalik.

Hindi masisira ni Diane ang pagmamahalan nyo. Sana tama ako. Sana tuparin mo yung hiling ko."

Chelsea's POV

"Yang, why are you still doing this?" I looked at her habang nakastop pa kami. Papunta kami ngayon sa bahay ng mga Galanza.

"Kasi gusto ko. Kasi kailangan ko."

"Hanggang kailan ka magiging ganito? Are you happy? Masaya ka ba na may masisira kang pamilya dahil lang sa galit mo?"

"Hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko."

"I do! Just so you know. I was there simula umpisa. Kaya nga hanggang ngayon andito ako e diba?" I looked at her. Gusto kong maramdaman nya na kasama nya ako sa lahat ng laban nya. Alam kong mali.. pero para sa kanya gagawin ko.

"Ikaw.. why are you still here with me? Kung against ka naman sa lahat ng to?" That question.. hindi ko alam kung paano ko sasagutin. O kung magiging ready ba ako sa consequences pag sinagot ko yung tanong nya with all honesty.

"Syempre.. I'm a.. I'm a friend. Ano bang klaseng tanong yan Yang?" Palusot ko.

She looked at me. Alam kong di sya convinced kaya ako na ang nag iwas ng tingin.

In time.. you will know why I am doing all these for you. In time, sana matanggap mo.

After that convo, I contiued driving. Kung pwede ko lang iliko ang manubela at magdrive papalayo sa bahay na yun ginawa ko na. Pero wala. Kailangan kong gawin ito. Kasi nga kailangan nya.

Hindi ko alam kung hanggang saan ko sya susuportahan, basta ang alam ko lang.. gusto kong nasa tabi niya ako sa lahat ng oras.

Para pag kailangan nya ako.. andun agad ako.

Just like what I've been doing for the past 10 years.

After an hour

"Yang, andito na tayo. Si Kring andito na rin. Are you sure about this?" Tanong ko bago pa kami bumaba ng kotse.

"Yes, very sure sis." Ayan na naman sya. Para syang laging nagsusuot ng maskara pagkaharap na nya either si Deanna or Jema.

I looked at her again.

Why do you keep on doing this? Hayaan mo sana akong pagalingin ka.

Baka sakaling sa pagmamahal ko, magamot ko yung malalim na sugat na dinulot sayo ng panahon.

Let me heal you, Yang. I am here. Please sana makita mo na rin ako.

"Hey! Kanina pa kita tinatawag. Are you zoning out again? Jusko. Nakakabading ba talaga ang ganda ko??" Sabay tawa nya. Kaya napabalik ako sa ulirat ko.

Paglabas namin ng kotse, agad naming nakita yung kapatid ni Jema. It was my first time seeing her personally. Pero sa pictures kilala ko siya. Lahat ng members ng family nina Deanna and Jema actually.

"Anong ginagawa nyo dito?" Mataray na bungad sa amin ng kapatid ni Jema.

"Hindi ikaw ang kailangan ko kaya pwede bang tumabi ka?" Papasok na sana sya sa gate nang hilahin sya sa braso ni Mafe.

"Wala kang karapatang pumasok sa bahay namin Demonyo ka." Tumingin nang masama si Diane sa kanya.

"Bahay ko! Correction!" Nanglaki ang mata ni Mafe sa nadinig nito.

"Bahay namin to kaya may karapatan akong di ka papasukin." Mas nilakasan nya pa ang paghila sa braso ni Diane. Napaabante na rin ako kasi napansin kong lumabas na yung kapitbahay nila Jema.

"Yang.." she looked at me. At sumenyas akong tumigil na dahil baka mareport pa kami nang wala sa oras.

"Hindi ikaw ang kailangan ko. Atsaka hindi kaba curious sa ibabalita ko?" Napabitw na rin sa braso nya si Mafe pero masamang tingin nito sa kanya di parin nawawala.

"Papasukin mo na ako. Para malaman mo ang magndang baluta ko." Dire diretso na syang pumasok saka kami sumunod ni kring.

Pero bago pa kami makapasok sa loob.. hinawakan ni Kring ang braso ko.

"Chels.." alam ni Kring ang nararamdaman ko kay Diane. Matagal na rin nya akong pinagsasabihan na martir o tanga whatever she feels like calling me.

"Hindi ko na alam Kring." Nailing na lang sya at saka sumunod sa akin papasok sa loob ng bahay.

Loving You TooWhere stories live. Discover now