28

1.3K 39 11
                                        

Deanna's POV

Pag alis ko sa sementeryo, I've decided na puntahan na si Jema. This is it. Alam kong madame kaming dapat  pag usapan, madame akong dapat ihingi ng tawad tulad na lang ng mga nasabi ko sa kanya kahapon.

Hindi ko alam kung galit ba sya sa akin, basta ang alam ko lang. Willing akong humingi ng tawad ulit sa kanya. I'm willing to ask her na pabalikin nya ulit ako sa buhay nya.

Nagdrive na ako agad papunta sa bahay namin sa Marikina. Hindi ko alam if she still lives there. All I know is I left our house na to her bago ako pumunta sa US 2 years ago.

While driving biglang nawala yung sounds sa kotse ko, sign na may tumawag.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Na halos mabingi na ako sa busina ng kotse sa likuran ko. Bigla ko kasing natapakan yung brakes ng sasakyan ko.

WTH!

Mafe calling...

Tinabi ko na muna yung sasakyan at umiwas na rin ng tingin habang inunahan na ako nung driver na nasa likod ko. Alam kong pinagmumumura na nya ako.

Sorry na pre. Nagulat lang.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa ngayon. Pero iisa lang ang maliwanag. Masaya ako. Masaya akong gising na sya.

Huminga muna ako nang malalim saka sinagot ang tawag nya.

Mafe: Ate Deanna..

Naramdaman ko na lang yung luha sa pisngi ko. Grabeh! Totoo nga. Totoo ngang gising na sya. Thank you Lord.

Deanna: Mafs..

Umiiyak pa rin ako hanggang ngayon.

Nagsalita na sya nang nagsalita kaya naramdaman ko yung pagbabago ng mood ko.

Why is this happening again? Ano na namang gagawin mo?

Deanna: Sige, I'll be there. Please don't leave her alone with her.

I ended the call na at agad na pinaandar ang sasakyan ko. Ramdam ko yung higpit ng hawak ko sa steering wheel ko.

Antayin mo ako. Magtutuos pa tayo!

Jema's POV

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa babaeng kaharap ko.

"Hmmm.. ang ganda ng bahay nyo Jema ha?" Nilibot nya ng tingin yung bahay namin. Kasabay nun ang pagtingin nya kay Mafe mula ulo hanggang paa.

"Buti naman gising ka na." Halos gusto ko na syang sugurin sa sinabi nya. Pero pinigilan ako ni Mafe.

Naalala ko yung kwento ni Mafe na sya ang dahilan bakit naaksidente ito.

"Ano bang kailangan mong babae ka?" Pasalamat na lang din kami ni Mafe na wala sina Mama at Tatay dito kung hindi baka ano na naman mangyare kay Mama.

"Mas malaki parin yung bahay nyo dati ni Deanna." Nakita ko yung pagngiti nya. Kairita!

"Correction, bahay lang ni Deanna pala. Mula sa mga business, pati kotse. Sa kanya lahat." Nararamdaman ko na yung pag akyat ng dugo sa ulo ko.

"So? wala ka nang pakialam doon. Kasi asawa ko sya. Malamang iprovide nya lahat to para sa pamilya namin. At sa amin yun. Pareho naming pinundar yun." Nadinig ko ang pagtawa nya na mas lalo kong kinainis.

"Not according to my sources?!" Anong ibig nyang sabihin?

"First, hindi na kayo mag asawa. And second, pamilya? Diba wala naman na kayo nun?" Pasensya na Lord. Tao lang po.

Alam kong ramdam nya yung lakas ng sampal ko sa kanya.

"At kasalanan mo yun! Hayup ka!"

"Ate.." pigil sa akin ni Mafe.

"The fuck is wrong with you Bitch!" Iritang sabi nya sa akin na kinatuwa ko naman. Lalo na nung nakita kong may dugo sa labi nya.

Ang kapal ng mukha nya. May pamilya pa sana kami kung hindi lang dahil sa kanya.

Magsasalita pa sana ako nang may humawak sa braso nya.

"Diane, tara na. Umalis na tayo please?" Malumanay na sabi nito.

Ngayon ko lang napansin andito rin pala yung mga kaibigan nya.

Familiar yung isa. Yung nag ayang umalis na. Ahh.. yung HS friend ni Deanna na nagbenta ng bahay namin.

"Umalis na kayo. Bago pa ako magpatawag ng pulis." Mahinahong sabi ni Mafe na nasa harapan ko na. Pero alam kong galit na galit na rin to. Nagpipigil lang.

"For what? Like, girl?? Di ako trespassing dahil ikaw mismo ang nagpapasok sakin dito." Alam mong nang iinis e.. kasi kuhang kuha nya inis naming magkapatid.

"Papakulong kita. Dahil ikaw ang dahilan bakit ako naaksidente." Nagulat ako sa sigaw ni Mafe. Pero mas naramdaman ko na naman yung galit dahil sa nangyare sa kapatid ko.

Nakita ko ang itsura nya. Walang kahit anong bahid ng pagsisisi.

"May proof ka girl?? Tska malay ko bang makakatulog ka ng mahaba dahil lang sa ginawa ko?" Si Mafe naman ngayon ang sasagot sana pero pinigilan ko mahirap na baka makasuhan na talaga kami neto ng tuluyan.

"Poor thing. Kahit na sabihin na nating ako talaga ang may gawa nun.. still.. hindi mo ako mapapakulong. Like girl, para ka nang bumangga sa pader. Ahahhaa!" Nakakakulo ng dugo talaga tong babaeng to.

"And one more thing.. pwede na kayo magsimulang maghanap ng bahay." Kunot noo kaming nagkatinginan ni Mafe.

Nagulat kami sa binigay nya sa aming papel. Paano nangyare na sya na may ari ng bahay namin e...

"Dinoble ko lang naman yung bayad sa may ari ng bahay na to. Diba hindi mo pa to fully paid Jema??." Ano bang problema ng babaeng higad na to?

Yes, hindi pa tapos bayaran tong bahay namin dahil na rin sa mga nangyare kay Mafe, pati na rin kay Mama.

"Sige, dahil mabaet naman talaga ako at nag enjoy ako sa you know.. "thing" namin ni Deanna before.. I'll give you 2 days para makapaghanap ng bahay."

What? 2 araw san naman kami hahanap ng bahay ng ganun kabilis.

Yung condo namin ni Deanna nung nagsisimula pa lang kami binenta namin pang dagdag sa tinayo naming business. E.. hindi naman na ako umuuwi doon sa bahay namin ni Deanna before. Although sa akin na rin naman nakapangalan yun.

Ayoko parin tanggapin. Gusto ko pag bumalik ako doon.. andon din sya. doon kami titira.

"Para ka nang nalugi Jema. Hmmm... siguro kung binigay mo na lang kasi ng kusa sa akin si Deanna noon edi sana di na nadamay ang pamilya mo ngayon." Nagsisimula na namang kumulo ang dugo ko sa babaeng to.

"No way! Hindi ko sya kahit kailan ibibigay sayo!"

"Malamang! E hindi naman na sya sayo e. Duhhh??" Nakatikim na naman sya ng sampal sakin. Nanggigigil talaga ako sa babaeng to.

Inaawat na kami nina Mafe pati na rin ng mga kaibigan nya.

"Umalis ka na ditong hayup ka. Baka manghiram ka na ng mukha sa aso!"

"Ewww. Ang cheap! Bakit ka ba nagustuhan ni Deeanna in the first place. My gosh!" Hihilahin ko sana ang buhok nya para matauhan pero pinigilan ako ni Mafe.

Tinignan ko na lang sya nang masama. Jusko! Ayokong bumaba sa level nya pero.. konti na lang talaga e.

Akma na sana syang lalalabas pero binalikan ako ulit ng tingin.

"2 days girl. 2 days bago ka magbyebye sa bahay na to.
Tell your mom about it. Excited akong makita syang di na naman makahinga!"

Napakahayup talaga!

Loving You TooWhere stories live. Discover now