2 years later
Deanna's POV
"Welcome back Adi!!!" Salubong sa akin ni Ivy dito sa airport. Gosh! Ano to Deja Vu?
Ilang taon ko ding iniwan ang buhay ko dito sa Pinas. Kung hindi lang din ikakasal si Ate Nichole hindi na ako babalik dito.
"Daaadaaaaaa!!" Namiss ko tong anak ko.
"Baby!!! Namiss ka ni Dada." Then I kissed her cheeks. Kaso sumimangot na. Haha. Cute.
"Dada, I don't like kisses na po e. I'm big na kaya?!" Nagkatinginan naman kami ni Ivy tsaka sabay na tumawa.
"Tara na Adi. Nag hihintay na silang lahat sayo."
Pumasok na kami sa kotse at agad ding bumyahe. The whole time nakayakap lang sakin si Via hanggang sa makatulog sya.
"Namiss ka nyang batang yan Adi."
"E ako? Hindi mo ba ako namiss?" Pang aasar ko kay Ivy. Hinampas lang naman ako sa braso.
"Huy, I'm serious. Hindi mo ba ako namiss? Grabeh ha? 2 years din yun."
"Tse! Wag kang pafall jan. Sige ka, baka dika na makawala sakin." Napangiti na lang ako sa sinabi ni Ivy.
How I wish I could just turn back time. Siguro if I were a better person nung kami pa ni Ivy, none of this will happen. Hindi ko sya makikilala. Hindi sana ako mawawalan ng anak.
"O ayan na naman sya. Ganun ba kahirap mafall sakin para mawala ka na naman sa sarili mo?" Pang aasar pa nya.
Hinawakan ko ang kamay ni Ivy. Alam ko naman na minahal nya talaga ako noon. Kaso naging siraulo ako habang kami pa tapos nung naghiwalay kami mas naging okay pa kami nung naging magkaibigan na lang.
Siya yung naging sandalan ko nung mga panahong nagmomove on ako.
Minsan nga naiisip ko na lang na balikan si Ivy tutal pareho naman na kaming single e.
"Pano kaya kung tayo na lang ulit Adi?" Tinignan nya ako ng patagilid sabay kurot sa akin.
Aray ko po!!!
"Ikaw Deanna Wong! Tigilan mo ako ah? Alam ko namang kahit sabihin mong ayaw mo na syang makita pa ulit o makarinig ng kahit anong tungkol sa kanya.. sya parin naman talaga diba??" Yes, I admit. Hindi naman nawala e. Pero.. that doesn't mean gusto ko pa syang balikan. Actually, hindi ko na rin alam. Iba na kasi ang focus ko ngayon.
I spent the last 2 years working hard para maging mas maayos ang buhay ko. Never akong nagentertain ng iba. Pero bibihira ko na lang din syang naiisip. I guess, nakatulong din yung paglayo ko.
I smiled at her na lang bilang sagot. Hindi na naman kasi titigil to e.
"Kiss mo na lang ako Adi!" Pang aasar ko pa habang nakanguso ako sa kanya.
"Ewan ko sayo. Baka gusto mong ihatid kita kay ano..." tinignan ko sya nang masama kaya di na nya binanggit ang pangalan ng ex ko.
Speaking of.. kamusta na kaya siya? May anak na kaya sila nung Andrei na yun?
Napahaba ata ang pag iisip ko..
"Tama na sa pagrelapse Wong! Nakakairita ka na." Sabay kaming natawa sa sagot nya.
We drove our way to Tagaytay kung saan nag iintay samin ang family ko and Ate Nichole's future family.
Ngayon kasi mamanhikan ang pamilya ni Rob sa amin. Sinakto talaga nila sa pag uwi ko para na rin makilala nila ako.
After how many hours nakarating din kami sa hotel na binook nila Ate Nichole. Alam naman nila what time yung pag uwi ko kaya they scheduled it ng dinner time na lang so I could rest pa daw.
Hindi na rin muna sila nagpakita sa akin. Pinadiretso na lang nila ako sa room ko para daw makapag rest ako.
Bakit ganun no? 2 years nila akong di nakita tapos ni Hi or Hello di man lang ako binigyan ng pamilya ko. Yung totoo po? Pamilya ko pa ba sila? Hahaha.
Just kidding. Nagvideocall naman sila sa akin when we arrived here sa hotel. Kaya goods na ako. Haha!
Nagrest muna ako sa room ko. Sina Ivy and Via naman nagpunta na kina Mommy para makibonding.
Dada, I missed you!
Be strong Dada. I'm just here.
Napabalikwas na lang ako sa bed dahil na rin sa panaginip ko. Why do I feel like totoo yung panaginip ko? Simula nung umalis ako, ngayon lang ulit ako nanaginip ng tungkol sa anak namin.
Napatulala na lang ako habang inaalala yung detalye ng panaginip ko. Blurred yung itsura nya pero ramdam ko sya. Ramdam ko yung yakap nya sa akin sa panaginip ko.
I hugged my pillow saka ko naramdaman na may luha na sa mata ko. Gosh, ngayon na lang ulit.
I checked the date..
Shocks! Tomorrow pala yung death anniversary ni Baby Dean.
Kaya ka ba nagpakita sa panaginip ko Baby kasi you're reminding me to visit you after 2 years?
Sorry baby. Dadalaw si Dada. I just have to meet your Tata Nichole's future husband. Okay?
Para akong tanga na kinakausap ko ang sarili ko nang bigla akong nakadinig ng katok sa pinto ko.
When I opened it. I saw...
"Mom?" She hugged me. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na maiyak. Namiss ko ang Mommy ko. Ang pamilya ko.
I know they gave me the time and space I need to heal. Kaya kahit alam kong nagtatampo sila, eto ako..
"I'm sorry Mom for leaving." Humihikbi na rin ako. I could feel Mom's tapping my back.
After 2 years of being away from them, ngayon ko na lang ulit naramdaman na maging mahina. Sa yakap ni Mommy.
"I understand Sachi." Matagal kaming nagyakap ni Mom hanggang sa mahimasmasan ako..
"Let's go na. Kanina pa nag aantay sina Ate Nichole mo doon." I smiled.
"Mag aayos lang ako Mom. Nakakahiya naman tong itsura ko. Hehehe." She pinched my cheeks. Ayyyy! Ngayon na lang ulit may gumawa nyan sa akin.
"Uyyy.. may naalala." Hahaha! Mommy. Parang sira.
"Nope, Mom. Wala po. Sige na Mommy inaantay ka na po nila doon." Tinutulak ko na si Mommy palabas pero syempre mahina lang baka bigla akong itakwil e.
Natatawa pa syang sumunod. Pero before she left..
"Mag ayos ka maigi ah? Someone's waiting for you outside. Baka lang gusto mong mag effort pa na maging mas Papi." Sabay kindat pa sa akin ni Mommy before nya isara ang pinto.
Why is she being like this? Hindi ba nya alam na wala namang kami ni Ivy. They invited her din kasi sa dinner na to. Kaya pumayag na rin sila na sina Ivy na lang yung sumundo sa akin.
Kulit din nito ni Mommy e.
Anyway, nag ayos na ako ng sarili ko. After ko maligo, I made an extra effort para maging mas maayos just like what my mom said. Diko gets bakit pero siguro para mas maging presentable lang din since mamemeet na namin yung future family ni Ate Nichole.
![](https://img.wattpad.com/cover/369330561-288-k521541.jpg)
YOU ARE READING
Loving You Too
RomancePart 2 of Loving You kapit mga Ka WonGa, medyo madamdamin ang mga tagpo dito.