Jema's POV
"Mommy, CR lang po muna ako." Yung kamay ko sobrang basa na dahil sa pawis. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.
Kinakabahan ako na excited na diko alam. Jusko Lord, sana po maging maayos ang lahat. Ang tagal kong inantay to.
Please sana hindi nya ako itaboy.
Flashback
Almost 2 years ago
"Pangs, miss na miss ko na sya. Gustung gusto ko na syang puntahan ulit. Pero natatakot ako. Natatakot akong sabihin nya sa akin na masaya na sya. Na okay na sya.." eto na naman ako. Ganitong ganito ako nung nalaman kong umalis sya papuntang US e.
"Pangs, hindi ko kaya. Ayoko syang mawala sa akin. Pinuntahan ko sya doon noon sa tinutuluyan nyang bahay. Pati sa company nila nina Mommy. Pero wala akong lakas ng loob na lapitan sya."
"Bakit kasi hindi mo ginawa e? Pinaabot mo pa talaga ng 2 taon. Dahil ano? Dahil nakita mo na masaya sila nila Ivy at nung anak nya. Ate, ang hilig hilig mo kasing mag assume.." hindi na natuloy ni Mafe yung sasabihin nya.
"Sorry Ate." Naalala ko na naman. Tama naman sya e. Kung nakinig ako noon.. kung hindi nga ako nag assume baka sakali kasama pa namin si Baby Dean. Pati sya kasama ko pa sana.
"Ate.. sorry." Niyakap na lang ako ni Mafe kasi umiiyak na naman ako.
"Sinabi naman sayo ni Aye Nichole na walang relasyon si Ivy at Ate Deanna diba? Ibig sabihin may chance ka pa. Habang may buhay may pag asa diba?"
Inayos ko ang sarili ko. Tama naman sya. Siguro naman sapat na yung halos 2 taon na hindi ko sya kinulit para makapag isip sya. Para mapatawad nya ako.
Sana ako pa rin. Sana mahal pa rin nya ako.
End of Flashback
"Jema anak, relax. Everything will be alright." Tapik sa akin ni Mommy. Si Daddy naman nakangiti lang din sa akin.
Kumpleto ang family nila Deanna ngayon. Andito na rin sina Ate Nichole pati yung parents ng fiancee nya.
"Je, kalma lang. Akong bahala sayo!" Ngumiti si Ate Nichole sa akin kaya nakaramdam ako ng kahit kaunting sigla.
Haay! Kaya ko to.
Nagpunta na ako ng restroom at inayos ko ang sarili ko. Di naman sa pagmamalaki pero naghanda talaga ako para sa araw na to.
Pag tingin ko sa salamin..
"Okay Jema, kaya mo to. Make her fall in love with you again." Fighting!!!
Lumabas na ako ng washroom kahit na kakaba kaba ako.
Pag punta ko sa table namin. Nadidinig ko na silang nagtatawanan.
Umusog pa ako ng konti..
Then.. I saw her.
My gosh! Laglag panty ko mga besh!!
I missed you B. Sobra!
"Lord, kaya nyo naman pala gumawa ng ganito. Thank you po sakin niyo binigay." Nasabi ko na lang sa sarili ko.(Sure ka jan Mare??) Uyy! Long time author ah?
"Aheemmmm..." dinig ko. Si Ate Nichole yun. Napatagal na pala yung pagtitig ko sa kanya. At ganun din sya sa akin.
Gosh! Namiss ko yung ganung tingin nya. Kung pwede ko lang syang lapitan at yakapin ginawa ko na.
"Ate Jema, upo ka na po." Taas baba pa yung kilay ni Josh nung sinasabi yun. Inikot ko ang paningin ko..
Jusko! Isang upuan na lang ang meron.
Napalunok ako.
Nanlalamig yung kamay ko.
Gosh Jema! Umayos ka.
Agad syang tumayo. Sinusundan ko lang sya ng tingin. Lord wag naman sana muna syang magalit oh. Hindi ko kasi mabasa yung reaction nya e. Galit ba sya? Aalis ba sya? Magwawala ba sya dito?? Diko na alam talaga!
Magsasalita pa sana si Mommy pero nagulat ako nung nasa tapat sya ng upuan at nakatingin sa akin.
"Here.." Gosh! Inayos lang pala yung upuan ko. Yung boses nya po. Juskoooooo!!!
"Thank you!" Nahihiya kong sabi.
Saka sya umupo sa tabi ko.
Nakikita ko sa peripheral vision ko sina Dean at Josh. Pati yung 2 pamangkin ni Deanna na naghahagikgikan.
Sige lang!! Pati rin naman ako kinikilig e.
"Ahhmm.. guys.. this is Rob, my poging future husband." Nagtawanan naman kami sa sinabi ni Ate Nichole. Pati yung parents nya pinakilala na rin sa amin.
Hindi na ako masyadong nakikinig kasi nga yung kaba ko ang lala dagdag mo pa na katabi ko sya at iisang hangin lang ang nalalanghap namin. Jusko daig ko pa yung first time makatabi yung highschool crush nya.
Iniisa isa na palang ipakilala ni Ate ang lahat.
"And of course.. meet Jema. My sister in law." Napataas naman yung kilay ko sa huling sinabi nya. Ate Nichole.. kalmahan mo!!
"Yeah, my wife." Sagot ng katabi ko. Napalunok ako.
"Oh, I see." Hindi naman nagulat na sagot ng Mom ni Rob pero ako???
"You're pretty Jema ah? Loved your dress iha." Nagsmile na lang ako sa Mommy ni Rob. Jusko po Lord malapit na ata akong kainin ng lupa.
Naging abala na ang lahat sa pagkain nung naserve na sa amin ng waiter yung inorder naming food.
Since katabi ko rin si Josh, sa kanya na lang ako nakikipag usap. Ayoko na pong tumingin sa kaliwa ko. Baka kasi diko mapigilan sarili ko at mayakap ko sya.
Habang kumakaen, medyo nahirapan pa akong hatiin yung steak na nasa plate ko. Jusko Jema wag kang umeksena. Please.
Diko alam kung matigas ba o sadyang hindi lang ako mapakali dahil panay din ang tingin sa akin ng katabi ko.
Nagulat na lang ako na may ibang plato na sa tapat ko. Nakasliced na rin. Pagtingin ko sa kaliwa ko.. nasa kanya na yung steak na hirap na hirap kong hatiin.
"Thank you Steak! Este.. thank you." Nahihiyang sabi ko.
Nakita ko pa si Mommy bago ako yumuko. Todo smile pa. Mommy, same.. same po. Kinikilig po ako sa anak ninyo.
YOU ARE READING
Loving You Too
RomancePart 2 of Loving You kapit mga Ka WonGa, medyo madamdamin ang mga tagpo dito.