Deanna's POV
Kararating ko lang sa bahay nila Jema and I saw Diane with Chelsea and Kring na mukhang kakalabas pa lang ng bahay. Matagal ko na silang di nakikita simula nung nangyare yun.
"Well well.. look who's back?" Sarcastic na sabi ni Diane when she saw me.
"What the hell are you doing here?"
"Dinalaw ko lang naman yung ex mo."
"I already told you, kahit nagkahiwalay kami ni Jema dahil sayo.. never mo akong makukuha." Lakas loob kong sabi sa kanya.
"What makes you think na gusto kitang makuha ulit? The guts ha?" Sarcastic na sagot pa ulit nito.
"Then why?"
"Lets just say... I enjoy messing with your life. Alam mo yun yung may thrill. I soo love it." I looked at her. Ano bang nangyari sa kanya? When we were together before, hindi naman sya ganito. Alam ko totoo yung pagmamahal nya sa akin noon.
"Pero, pwede magbago isip ko. Basta.. satisfy me again." Halos tumayo ang balahibo ko sa nadinig ko. Hindi sa arousal or something kundi mas nandiri ako.
"In your dreams." I was about to enter the house nung hinigit nya yung braso ko. Lumapit sya sa akin at bumulong.
"Yes, in my dreams.. you're having sex with me." Napatingin na lang ako sa mga kasama nya. Lalo na kay Chelsea. I don't know what happened to them but Chelsea was so upright before pa nung magkakasama pa kami even si Diane.
"I came back to ruin your lives Deanna. Lalo na kung hindi ka susunod sa gusto ko. I can destroy you.. and hers too." naramdaman ko yung pagkulo ng dugo ko.
Simula nung ginawa nya yun sa amin ni Jema, pinangako ko sa sarili ko na never na akong gagawa ng pagsisisihan ko. I spent 2 fucking years being miserable tapos andito sya ulit kung kelan ready na akong balikan si Jema. Kung kelan may chance na ukit kaming maayos ang relasyon namin.
Nilayo ko yung sarili ko sa kanya and looked at her.
"I don't care about your plans Diane. Hindi na ako matatakot sayo. I remained quiet sa lahat ng ginawa mo sa pamilya ko. I let you ruined our lives. I let you kill my son." Naramdaman ko yung pag init ng tenga ko.
Gusto ko syang saktan, gusto ko syang gantihan sa lahat lahat!
"Naks! Ganito ang mga gusto ko Chels. Palaban!" Naiiling na lang si Chelsea at Kring sa sinabi nito.
I looked at Chelsea. I can sense something. Alam kong hindi nya gusto ang ginagawa ni Diane.
"What happened to you Chelsea? Hindi ka naman ganito noon? Ikaw Kring? Why are you letting her do these stupid things? Bakit?"
"Don't ask them. Ask yourself Deanna. Hindi mo ba naisip anong nagawa mong kasalanan sakin noon?" I was shocked with what I heard.
As far as I can remember, maayos kaming naghiwala y noon.
"Hindi mo maalala diba? Kasi you were too busy with your so called first love na nakalimutan mong andito ako. Na I was.."
"Diane! Please, stop." Nagulat ako sa pagsigaw ni Chelsea. Hindi ko alam kung gusto ko pa bang madinig yung sasabihin nya. I was about to ask them nung may nadinig kaming papalabas ng bahay.
"Let's go na Diane please lang." Hinawakan nya sa kamay si Diane. Pumasok na rin si Kring sa kotse.
Nagpalipat lipat ang tingin ko kina Chelsea at Diane. Nakikita ko yung galit sa mga mata ni Diane habang inaawat siya ni Chelsea na makalapit sa akin.
Pero bago pa makalayo, binalikan ako ng tingin ni Diane.
"You will never have a happy life kasama siya. Never habang buhay ako. Tandaan mo yan..
Izabella." Sigaw nito habang papasok sa kotse nya.
Bumilis ang tibok ng puso ko. I looked at the car habang papaalis ito.
Ngayon na lang.. ngayon na lang ulit may tumawag sa akin sa pangalan ko na yun.
Hindi ko alam pero parang nanikip yung dibdib ko habang paulit ulit sa isip ko yung pangalan na yun.
"Ate Deanna.." narinig kong tawag sa akin habang nakatingin sa papaalis na kotse.
Si Mafe..
Hinawakan nya ako at niyayang pumasok sa kotse ko. She told me to go somewhere na malayo sa bahay nila since nasa loob daw ng bahay si Jema.
I wanted to check on her pero may importante daw syang sasabihin.
"What happened Mafe?" Kita ko yung lungkot sa mga mata nya. Kinwento nya sa akin kung anong napag usapan nila lalo na yung about sa bahay.
"You can stay naman sa bahay ni Jema. You know yung bahay namin dati. Sa kanya naman na yun e.
"Ate Deanna.. simabi nya kasi na babalik lang sya doon pag magksama na kayo ulit. Mahalaga yung bahay na yun sa kanya e. Mahalaga sya sayo Ate." Masaya dapat ako sa naririnig ko ngayon.. pero I can't be dahil nadadamay na rin ang pamilya ni Jema because of me.
"Mafs, what if I agree to be with her na lang?" She looked at me as if it was the stupidest idea she ever heard.
Kaya tumahimik na lang din ako. Hindi ko na kasi alam kung paano kami ulit magsisimula. Kung kelan ready na akong bumalik ulit sa kanya.. kung kelan meron na ulit akong lakas ng loob na lumaban para sa amin.
YOU ARE READING
Loving You Too
RomansaPart 2 of Loving You kapit mga Ka WonGa, medyo madamdamin ang mga tagpo dito.
