Ala una ng madaling araw, may mga aninong tila nag uusap at nasisinagan ng liwanag ng bilog na buwan sa tapat ng gate ng isang malaking bahay."Kailangan nating makuha ang impormasyon na nasagap ng mga Montemayor,mahirap na baka kumalat pa ito" wika ng isang lalake sa malamig na boses. Pinagmasdan nung kasama nya ang tila kakaibang gate ng malaking bahay na iyon.
"Takte naman oh!matalino talaga sila..paano kaya tayo makakapasok dito?"kunot noong tanong ng isa pang kasamahan.
Napangisi naman ang isang kasama nila at may inilabas na parang atm card."anupa't kasapi tayo sa pederasyon?"
Iniinsert nila ang itim na card sa gate na halata namang hindi ordinaryong gate. May tatlong pulang ilaw na biglang naactivate sa gate. "Barriers protection de activated" saad ng boses babae na nagmumula sa computer program ng naturang gate.
"Iba ka talaga!!" saad nung isa habang dahan dahang inilalapit ang kamay sa gate. "Wala na nga ,wala na yung kuryente"
Napangisi na naman ang lalakeng may hawak ng card. Sinenyasan nya ang ibang kasama na gumamit ng lubid sa pagtawid sa naturang gate kasi kahit na naalis na nila ang kuryente sa gate ng malaking bahay hindi rin naman nila mabubuksan. Isa pa, lubhang mataas ang mga pader ng bakod ng buong bahay.
Wala pang ilang minuto ay nakapasok na sila sa mansyon ng mga Montemayor. Nagreport ang isang myembro sa pinaka leader na may hawak ng card.
"Dalawa lang ang tao sa loob ng bahay, isang katulong at isang dalagita, yun yata ang anak ng mga Montemayor"
Napatingin ang pinaka leader sa bintana ng silid ng dalagita.
"Mabuti kung ganun"Sinenyasan nya ang mga kasama na tahimik na hanapin ang kung anumang impormasyong tinatago ng mga Montemayor
Tahimik namang nagmamasid at nag iisip ang pinaka leader. Biglang nafocus ang kanyang mga mata sa malaking pool. Agad syang lumapit dito. Tila kasi naiiba ang kulay ng isang tile sa pool.
"Bingo!!!" saad ng leader.Tinawag nya ang isang kasama at inutusan nyang tumalon sa pool. Sumunod naman agad ang inutusan, sumisid agad ito sa ilalim ng pool at kinapa ang naiibang kulay ng tiles. Laking gulat nito ng mabuklat ang tiles at makitang isa pala itong insertan ng card. Bumalik ito sa kanyang leader at sinabi ang natuklasan. Maya maya pa'y sumisid muli ito sa pool at sa pagkakataong ito ay dala dala ang itim na card mula sa leader. Agad nitong iniinsert ang hawak na card dun sa may tiles..
Laking gulat nila na biglang unti unting bumaba ang tubig sa pool.
Namangha ang lahat..bumaba ang pinaka leader at sinuri ang mga tiles.
Ngumiti ito sabay hawak sa apat na magkakatabing tiles..biglang umuga ang pool, nahati at nabuksan ang ilalim nito. Guang ang ilalim nito at nakita nilang may hagdan pababa. Dali daling pumasok sa ilalim ang lahat ng kawatan.
-------------------------------------+---+---------+-+-
Abot-abot ang paghinga ni Trina,isang nakakatakot na panaginip ang naging dahilan nang kanyang paggising at parang sasabog ang utak nya. Binuhay nya ang lampshade at saglit na napatingin sa wall clock . Ala una pa lamang ng madaling araw ,pero heto at ginagambala sya ng Hindi maipaliwanag na panaginip.
Nasapo ni Trina ang kanyang dibdib at pinilit huminga ng maayos."Mommy...Daddy..." mahinang bigkas niya. Halos limang taon na ring patay ang kanyang mommy at daddy. Naalala pa rin nya ang mga panahong kasama nya ang mga ito.
Naalala pa rin nya ang mga pagtuturo ng kanyang mommy,ang pagpapasaulo sa kanya ng mga bansa sa buong mundo, ang pag aaral ng algebra gayong grade 6 pa lamang sya noon. Gayundin ang mga masasayang alaalang pinagsaluhan nila bilang buong pamilya.
BINABASA MO ANG
FEDERATION OF SPY AGENTS: The School(Book 1..completed)
General FictionSi Trina,anak mayaman..... Ngunit kinailangan nyang pumasok sa school na buhay ang tinataya. Si Inigo,...responsable.palaban...gagawin ang lahat para makumbinse ang kanyang Ina na isang guro sa school na kinabibilangan. Si Xer........happy go lucky...