WEAPON 6: Curiosity

48 1 0
                                    

Trina's point of view

"Trina,nagbalik na pala ang iyong alaala "

Dinig na dinig ko ang pagkakasabing ito ni Ms.Lucy. All this time,meron pala akong memories na nawala.

Nakatingin sa akin si Ms.Tyranna at si Ms.Lucy.Para bang hinihintay pa nila ang susunod ko pang sasabihin.Samantalang si Xer ay nakatungo lamang.

"So totoo nga!!,totoo nga ang pangyayaring iyon!!,sinalakay ang isang ampunan !at.."napabuntong hininga ako ,pinipilit kong alalahanin ang pangyayaring iyon.

I just want to know the truth,
Yaya Annie says that my parents died dahil napasama sila sa lumubog na barko.At hindi na nahanap pa ang kanilang katawan.

But this memories,ano to?My mom and dad died saving those orphans.?

Unti-unti kong naramdaman ang mainit na likidong nag uunahang lumabas mula sa aking mga mata.

"Si Mommy at si Daddy,"saad ng pumipiyok kong boses.Pinipilit kong wag maging emotional.Pinipilit kong tanggapin ang pangyayari.

Naramdaman ko na lang ang pag tap ni Xer sa balikat ko.Hindi ko na namalayang nakalapit na pala sya sa akin.

"Kasalanan ko yun Trina" malungkot na saad ni Xer. Pinunasan ko ang luha sa aking pisnge at humarap kay Xer.

Tama!

Si Xer ang kasama ko noon,sabi nga nya di ba?Sigurado akong naaalala nya ang buong pangyayari.

"Totoo ba ang mga halimaw na iyon??!!!!!! Totoo ba na sila ang pumatay sa mga magulang ko!!!!
Totoo ba!!!???"

Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko.All this time naniwala akong accident lang ang lahat pero Hindi naman pala.

"Trina,huminahon ka" naiiyak na saad ni Ms.Tyranna.

Tumingin lang ako sa kanya.Alam din nya ang nangyari.At Sigurado akong alam din ni Ms.Lucy.

"Paano ako hihinahon Ms.Tyranna,?!!!yun ngang accident na pinaniwalaan ko ilang taon bago ako maka move on,tapos ngayon...!
Yung mga halimaw na yun..!!!" I really don't know how to explain everything.

Nanginginig ako sa galit.Gusto kong sumigaw. Gusto kong maghiganti.
Gusto kong mapawi ang lahat ng sakit na aking nararamdaman.

"Trina,please huminahon ka" saad ni Ms. Lucy.

"We just want to protect you,dahil sigurado akong ganito ang magiging reaksyon mo.Bakit???kaya mo bang harapin ang mga halimaw na iyon?
Kung hindi kayo ni rescue ng team nina Ms.Tyranna noong araw na yun,baka ngayon Hindi mo nasasabi ang mga bagay na iyan"

So yun ang nangyari,ni rescue kaming dalawa ni Xer.Ako ay inihabilin kay yaya Annie,samantalang si Xer ay sa ibang ampunanor sa F.S.A na rin mismo.?

Tiningnan ko si Xer,pagkatapos ay humarap ako sa nagsalitang si Ms.Lucy.

"Buhay pa ba ang mga halimaw na iyon??"

Nakita kong nagberde na naman ang mga mata ni Xer.

Ang kulay na yun




Ang kulay na yun







Ang kulay na yun

"Buhay pa ang iba sa kanila, at kasalukuyang hinahanap ng pederasyon."sagot ni Ms.Lucy habang nakatingin kay Xer.

Nakita kong nagturok na naman si Xer.Mukhang hirap na hirap na sya sa kanyang sakit o sakit nga ba itong pinagdadaanan nya?

"Xer,mabuti pang humiga ka na muna.
Trina,maari bang lumabas ka na muna,Ms Tyranna kailangan kong asikasuhin si Xer." Sunod sunod na utos ni Ms.Lucy.

Napabuntong hininga na lamang ako at pinigil ang aking galit.
Tiningnan ko si Xer na parang namimilipit sa sakit.Hindi ko alam kung masakit ba ang ulo nya or ang mata nya.
Bigla tuloy akong nag alala sa sakit na iyon ni Xer.

Minabuti kong sumunod kay Ms.Tyranna at lumabas ng silid na iyon.

-------------++++++++-------++++------------

Agad akong nagpunta sa library.
Hindi na ako umattend ng klase para sa subject na Introduction to Weapons.Gusto ko nang agad malaman kung sino ang mga halimaw na iyon.

Sakto namang walang klase sa Codes and Decodes,reporting lang daw ,yun ang dinig ko sa isa kong klasmeyt.

Sa oras ngayon,wala pang masyadong Tao sa library,dahil for sure lahat ay nasa kanya kanyang klase .

Pagpasok ko sa library,nakita ko ang librarian na tila may kausap sa phone,yumuko ako ng konti para di nya ako makita.

Success naman ,whooooosh,buti hindi nya ako nakita.So nagsimula na akong maghanap ng libro.

Hanap




Hanap





Hanap




Hanap




Hanap.


Ano nga ba ang hinahanap ko?

Tssss,napaupo ako sa sahig.I don't know where to start. Hahanapin ko ang mga ebidensya tungkol sa mga halimaw na iyon.

Tumayo akong muli.At nagsimulang maghanap ng libro na may kinalaman sa mga nilalang na iyon.

Bigla kong naalala ang sinabi ni Ms.Tyranna,na narescue kami nang kanyang team nya.Ibig sabihin,matagal na nilang alam na nag eexist ang mga halimaw na iyon.Pero bakit parang tago ang kaalaman na iyon tungkol sa mga halimaw?

Bakit parang sa pakiramdam ko ay sinasadya na itago ito sa mga tao?

Kung tinatago ang bagay na ito sa aming mag-aaral at sa lahat nang tao,ibig sabihin hindi ko mahahanap sa expose na library ang mga bagay na nakatago.

Parang naliwanagan ako sa ideyang iyon,nag click na lamang bigla sa utak ko at awtomatikong pumihit pa kaliwa ang aking ulo.

Tama!!!

Ang restricted corner na iyon.!!

Napakunot bigla ang aking mga noo nang maalala ang word na RESTRICTED.

Haist

Hindi nga pala biro ang password nang mga padlocks na naroon.
Bukod kasi sa mga diary nang mga dating istudyante,may ilang libro rin ang naroon at nakalock din .Ang bubog na istante na pinaglalagyan ng mga librong ito ay naka lock din.

Dahan dahan akong lumapit sa corner na iyon,hinawakan ko ang mga combination padlocks.

So kailangan ng combination words or numbers since mukhang keypad yata itong nasa combination padlock ng istante.

Sumubok ako ng ilang words and numbers,

Federation?

Spy?

Agents?

000913?

Federation31

Haist,mukhang malabo pa sa sabaw ng pusit ang bagay na ito.

"Ms.Trina Montemayor!!!!"

Agad akong napalingon sa boses babaeng tumawag sa akin.
Nakataas ang kilay nya at nakahalukipkip ang dalawang kamay.

Sya lang naman ang librarian.
Napaurong ako bigla,kilay nya pa lang kasi ay parang tatalunin na ang kilay ko. I mean yung dagang nasa loob ng dibdib ko ngayon na anumang oras ay gustong kumawala.

"Ms.Febe?"bulong ko.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong nya na halos umecho na dito sa buong library.

Sasabihin ko ba na naghahanap ako ng halimaw?????









-------++++++++++++++------------------------+

Kudos sa silent readers.
Happy 2.76k reads.

To God be the Glory

FEDERATION OF SPY AGENTS:  The School(Book 1..completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon