Sa labas ng naturang building ng F.S.A, sa likod ng building B, ang quarter ng mga istudyante,naroon ang GREEN AREA o green field ang lugar kung saan personal na nag sasanay ang mga G-black students ng martial arts."1001,1002".... Mahinang bigkas ng isang lalakeng G-black student habang nagpupush up.
Nakapants ito na kulay black at nakasando na kulay whitish green.
Bahagyang lumalaki ang muscles nito dahil sa palagiang pag pupush up. Nakasanayan na ng mga mag-aaral sa section na ito ang pagpupush up since ito rin naman ang parusa ng kanilang teacher sa late at mga bagsak sa exams.Samantala, abala rin sa pag eensayo ang ibang G-black students mapa-lalake man o babae.
Maya-maya'y biglang dumating sa areang iyon ang isang teacher.
" OK class,dismiss,wala nga pala si Ms.Katrina para sa sunod nyong subject at ibinilin nya na hanapin sa library ang isinulat ni Master Lin Fei tungkol sa susunod na technique na idedemo nya sa inyo bukas" saad ng lalakeng guro na naka uniporme in green black combination.
Umugong ang bulong bulungan sa mga istudyante
"Haist,boring,ano ba yan..?" Saad ng isang babaeng istudyante.
"Mr.Johan...nasan ba yang si Ms.Katrina at laging nawawala. Hindi ba pwedeng excuse na kami sa assignment na yan?" Sabi ng kanina'y nagpupush up na lalake.
''Ikaw talaga,Xer,puro ka kalokohan!walang excuse!excuse!may misyon syang tinatapos sa labas..'' Mabilis na sagot na tila guro na si Mr.Johan.
Napabuntong hininga naman si Xer,kinuha ang kanyang bag at isinakbit.Wala talaga syang planong gumawa ng assignment.
Umalis na ang gurong si Mr.Johan.
At nag kanya kanyang alis na rin ang ibang G-black students.Ang iba ay papunta sa building A ,sa library para magawa ng assignment, samantalang yung iba naman ay papunta sa kani kanilang quarter sa Building B.
Samantalang,Hindi makapagdecide si Xer,kung saan ba sya pupunta. Kung gagawa ba sya ng assignment o hindi.
"Xer,balita ko,makakamatch mo si Dave." Sabi ng isang istudyanteng babae na mahaba ang buhok na medyo kulot.Naka pout pa ito at tila kumikinang ang mga mata.
Napalingon si Xer.
"Huh?? Yun ba ang nakalagay sa news area?"Lumapit naman ang babae na naka T-shirt ng yellow green at nakablack pants, may pointed nose at masasabing balingkinitan ang katawan.
"Nabalitaan ko lang sa kapatid ko.Hindi pa rin ako sigurado.si Amanda kasi ang makakamatch ko.''
Sabay silang naglakad ni Xer palayo sa Green Area.At habang palapit sila sa quarter ay dumating ang ilang mga istudyanteng babae. Lahat sila ay malapad ang pagkakangiti.
" hai Xer,malapit na ang Christmas ball,may partner ka na ba?"tanong ng isang istudyante in red-black uniform.
Natigilan si Xer.December na nga pala.Malapit na naman ang Christmas ball.kelangan na naman nya ng partner.Last year ang partner nya ay si Unica,ang girlfriend nya ngayon na si Unica.Tama!!
Speaking of Unica,nasan na nga ba ang gf nyang iyon?"Ahhhh girls,nakita nyo ba si Unica?"tanong nya sa mga babaeng lumapit sa kanya.Natigilan ang lahat at nagbulong bulungan.
" bakit nya hinahanap si Unica?"
Maging ang babaeng kasama ni Xer na si Sylvia ay napakunot ang noo.
"Uhmmmm Di ba nagbreak kayo ni Unica kahapon lang..."
Natigilan si Xer. Amnesia ba ang katangahang pumasok sa kukute nya?
XER TEHARES POINT OF VIEW.
BINABASA MO ANG
FEDERATION OF SPY AGENTS: The School(Book 1..completed)
General FictionSi Trina,anak mayaman..... Ngunit kinailangan nyang pumasok sa school na buhay ang tinataya. Si Inigo,...responsable.palaban...gagawin ang lahat para makumbinse ang kanyang Ina na isang guro sa school na kinabibilangan. Si Xer........happy go lucky...