CHAPTER 16: THAT FEELINGS!!!

86 11 0
                                    


(Ikaw na nagbabasa.....salamat..)

Lalong lumalamig ang bawat umaga habang papalapit ang kapaskuhan.
Ramdam na ang kapaskuhan sa F.S.A lalo na nang magkabit ng mga Christmas light sa labas.
Di rin nagpaawat ang malaking Christmas tree na inilagay sa greenfield.

Abalang abala si Inigo bilang siya ang representative.
Sa kanya kasi lagi ibinibigay ang utos mula sa Presidente.

Samantala laging nasa laboratory si Teban.
Inaasikaso nya ang project na isasubmit kay Mr.Joca.

Panay naman ang ensayo ni Xer nang arnis,kahit pa nga sa loob ng quarter.

Si Trina ay bahagyang nakakaadjust na sa kanyang klase.
Silang dalawa ni Audrey ay laging tumatambay sa library.



December 23 na at Lahat ay excited para sa Christmas ball bukas,pero problemado ang mga boys kung sino ba ang date nila sa ball.

"Anak ng......tinapa naman ohh ako na lang yata ang walang date sa ball" himutok ni Teban.

Nasa labas sila at nakaupo sa isa sa mga bench na naroon.

"Tsss ..ikaw lang ba, wala din ako" Saad ni Inigo.,na dahil sa sobrang busy ay wala pang nahanap na ka-date.

Sabay na uminom ng cola drinks ang dalawa sabay tingin kay Xer.
Para bang hinihintay nila ang magiging reaksyon nito.

"Oh anong tinitingin nyo diyan??syempre meron na noh....ako pa ba ang mawalan?" Sagot ni Xer.

Napailing na lamang si Teban.
Pinagmasdan nya ang grupo ng mga red black student na nagkukwentuhan.

"Ok nang wala,kaysa naman sa isa sa mga kaklase ko" mahinang Saad ni Teban.

Maya maya'y lumapit sa kanila si Ericka ng wee black section.

"Uhm....hi Inigo,may date ka na ba sa ball?"

Napangiti si Inigo.

"Ehem.....ah...eh. Meron na...eh" sagot niya kahit ang totoo'y wala pa talaga.Kakamot kamot namang umalis si Ericka.

"Meron na talaga???"agad namang tanong ni Teban.

" wala....joke lang yun....ayaw ko sa kanya....lagi nya akong sinusundan"mabilis na Saad ni Inigo.

"Wow...huh...choosy...ikaw na"

Ngumiti si Inigo.
"Yayayain ko na lamang si Sylvia"

Tinanggal ni Xer ang kanyang shade.

"Huli ka na pare,balita ko napormahan na ni Oliver......haist bakit Di mo agad sinabi sa akin...eh Di Sana inilakad kita"



"Eh yung si shara kaya.....o kya si Mysmimi" Saad ni Inigo.

"Oy......hoy Inigo,wag mong maisip yang mga yan....naaalibadbaran ako" kontra agad ni Teban.

Maya maya'y dumating si Trina at Audrey.


"Oh Trina may date ka na ba sa ball? Teka sino ba yang kasama mo?"

Napatingin si Trina kay Audrey.

"Si Audrey nga pala,kaklase ko"

Tahimik namang tiningnan nung tatlo si Audrey.

"Hawig nya si Sylvia" agad na Saad ni Inigo.

"Oo nga....para silang kambal" mabilis na sang ayon ni Teban.

Ngumiti ng maluwag si Audrey.

"Magkapatid kami.....kambal"

"Talaga???" Halos sabay sabay na Saad nung tatlo.

"Secret lang toh,ayoko kasing macompare kay Ate.." Pakiusap ni Audrey.

"May date ka na ba sa ball?" Agad na tanong ni Teban.

"Wala pa" agad na Saad ni Audrey .

Nangiti si Teban at inalok si Audrey na maging partner sa ball.
Hindi naman tumanggi si Audrey .

"Oh pano ba yan si Inigo na lang wala??" Saad ni Xer habang nakatingin kay Trina.

"Huh?..teka si Trina....wala pa rin syang date.." Mabilis na wika ni Audrey.

Nagkatinginan si Trina at Inigo.







December 24...abala sa pag aayos ng sarili ang lahat ng mga istudyante.
Nakatingin sa salamin si Teban,habang inaayos ang kanyang necktie.

"Sa tingin mo...parj.....gwapo na ga ako?" Tanong ni Teban sabay tingin kay Xer na abala sa pag aayos ng buhok.

"Your second.....second to this ..heartrob...dinaig ko pa si Adonis...." Seryosong Banat ni Xer.

Samantala,naunang umalis sa kanila si Inigo,ang dahilan....kesyo may aayusin pa sya at sya ang punong abala.

Hindi naman mawari ni Trina kung ano ba ang kanyang susuotin...
Nakatitig pa rin sya sa dress.
White ba o black .??

"Ma's bagay sayo ang black" bulong ni Xer.

Napatingin si Trina kay Xer.
Nakita nang nag aayos pa rin ito ng buhok.
Siya kaya ang pinariringgan ni Xer?

Sabay na umalis si Xer at Teban.
Kakaunin pa daw nila ang kani-kanilang date.
Nagdesisyon si Trina na black dress na ang isuot,may touch pa rin ito na white dahil sa design nito sa harap.




Inigo's point of view

Mukhang Hindi ko maeenjoy ang Christmas ball na ito....haist ang hirap maging representative.
Last year medyo...naenjoy ko kasi tinulungan ako ni Mr.Johan.
Eh ngayon...solo ako...kahit may mga board member naman....ako pa rin ang laging inuutusan.

Ako ang nag asikaso ng event,mula sa concept hanggang sa pagkaing ihahanda.

Tsss...daig ko pa si superman.

Tiningnan ko ang wristwatch ko.
7:15 na....
May mangilan ngilan ng istudyante dito sa gymnasium.

Huh??


Teka??

7:15 na...

Haist...yung date ko.....


Agad Kong tinakbo ang elevator.

Nagpromise pa naman ako na susunduin sya...

Pa gentleman effect pa ko....

Dali Dali akong nagpunta ako sa building B.

Nagdiretso ako sa quarter.


Pagbukas ko ng pinto..

0_0

What the......


Ngumiti sa akin ang kadate ko...

She's like an angel.

Natulala ako at napanganga...

"Inigo!!"

"Ahh Trina.......ahhhh.....pa......pa.sensya ka na kung late ako"

Haist,....bakit ako nauutal?

Sinulyapan ko ulit si Trina....

Honestly,she's pretty.....

Haist...gising .....Inigo..

Focus. Focus.....

"Ahhhh Tara na...late na tayo" sabi ko..

Sumunod agad siya sa akin.
Naiinis ako at naiilang.
Kakausapin ko ba sya?
Ano na mang sasabihin ko?

Haist.....tiningnan ko si Trina.
Bagay sa kanya ang suot nya....
Haist......
Ayoko ng ganitong feeling....

FEDERATION OF SPY AGENTS:  The School(Book 1..completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon