CHAPTER 18: CHRISTMAS WITH YOU

93 12 0
                                    

Trina's point of view

Iminulat ko ang aking mga Mata.
Nandito na naman ako sa white room.
Ito ang pangalawang beses na napunta ako dito sa clinic.
Napansin Kong may tao pala sa tabi ng hinihigaan ko.
Nakatungo at parang natutulog.

Sino toh????

O_____O

What????


Si Xer pala..

Ibig sabihin sya ang tumulong sa akin.
Gumalaw sya at mukhang nagising na.....so I decided na humiga na muli at pumikit.

"Ayysss....ano kayang oras na" narinig Kong sabi nya.
May narinig akong pumasok ng silid.

"Ahh...Ms.Lucy...ok na ba itong si Trina?" Tanong ni Xer.

"May allergy sya sa peanuts.....may peanuts yata ang dessert na isinerve kagabi sa kanya....buti na lang at nadala mo sya agad rito"
Narinig Kong Saad ni Ms.Lucy.

"Ahh..ganun po ba...ehhhh..Ms....pwede ba pag nagising sya.  Sabihin nyo na may nagdala sa kanya dito pero Hindi nyo alam kung Sinong nagdala"

Tsssss....aba at balak pa niyang magsinungaling....

"Naku....gagawin mo pa akong sinungaling" Saad naman ni Ms.Lucy.

"Sege na Ms.Lucy"

"Oh sya sege.....kayo talagang kabataan...very complicated ...teke aalis ka na ba ngayon?" Pahabol pa ni Ms.Lucy.

"Yes...Miss.  "

"Sinusunod mo ba ang bilin ko sayo...kung kailangan mo pa ng syringe...punta ka lang dito" mahinang Saad ni Ms.Lucy...na syempre narinig ko pa rin....

Bakit kaya kailangan ni Xer ng Syringe???

Narinig Kong umalis na si Xer at lumapit naman sa akin si Ms.Lucy...






Nang makabalik ako sa quarter ay agad akong tinanong ni Teban kung ok lang ba ako.
Inasikaso nya agad ako at pinaghanda pa ng pagkain.

Binisita ako ni Audrey sa quarter at dinalhan ako ng prutas.
Si Inigo naman ay inayos at nilinis ang buong kwarto.

Grabe....mukhang naghihimala dito sa amin.

"Ano ba kayo?ok lang ako...allergy lang yun,nakalimutan ko siguro kagabi"

Panay ang kwento sa akin ni Audrey tungkol sa mga insidente ng allergy na nakamamatay..kesyo...kung Hindi daw agad ako nadala sa clinic ay baka daw patay na ako.

"Buti na lang talaga,may nagdala sayo sa clinic....teka sino nga pala ang nagdala sayo sa clinic?"... Tanong ni Audrey.

Saglit akong natigilan.

Nasaan na kaya si Xer??

" ahhhh..Hindi ko nga alam eh..sabi ni Ms.Lucy..ayaw daw magpakilala" sabi ko

"Oh talaga?misteryoso naman yan...baka panget yan kaya ayaw magpakilala" singit agad ni Teban na abala sa pag aayos ng damit.

Napakunot naman ng noo si Inigo.

"Baka naman admirer mo at nahiya sa iyo"

Ano kaya ang magiging reaksyon ng dalawang ito kapag sinabi Kong si Xer iyon..

Hehe hehe

Biglang bumukas ang pinto at dumating si Xer.

"Oh..nandito na pala si Trina??ok ka na??" Sabi nya sabay high five kay Inigo at Teban.

FEDERATION OF SPY AGENTS:  The School(Book 1..completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon