(Salamat sa nagbabasa)
Trina's point of view
Maaga akong gumising .
Tulog pa rin yung tatlo.
Saturday kasi,walang pasok..Ako lang yata ang meron.
At dahil nga late akong pumasok dito sa F.S.A..
Kakailanganin Kong pumasok every Saturday..
Binuksan ko ang mini fridge....haist puro canned goods nga pala ang kinuha noong free day.
Niluto ko na lamang yung corned beef.Habang nagluluto ako ay narinig Kong umuungol si Xer,
Huh??
Nanaginip ba sya?.Agad Kong nilapitan ang Kama nya.
Gigisingin ko ba sya?
Parang may kung anong gumugulo sa kanya.Inilapit ko ang aking kamay sa kanyang noo.
Pero...
Nagulat ako nang biglang nagising sya at hinawakan ang aking kamay.
Tumingin sya sa akin.
Seryoso ang mukha nya.
Kinabahan ako.Bigla syang ngumiti.
"Bakit ba ,gusto mo lagi akong tinitingnan pag natutulog ako??"
Haist....
"Hindi Ahh" depensa ko
"Umuungol ka kasi kanina.." Sabi ko..
At pumunta na ako ulit sa mini kitchen..
Tssssss...
Nakakainis..."May klase ka ba ngayon,?" Narinig Kong tanong nya.
"Oo eh,whole day..." Sabi ko habang inilalagay sa Plato ang corned beef na naluto ko na.
Hindi ko sya tiningnan."Matulog ka na ulit...maaga pa noh" dugsong ko.
Sinulyapan ko sya saglit.
Nagtalukbong sya ng kumot.6:30 ng umaga nang umalis ako sa quarter.
Hindi na ako nag uniform kasi ako lang namang mag isa.
Kakaunti pang mga istudyante ang nasa labas.
Mayroong nagjogging at nag exercise.Nagdiretso ako sa office ni Ms.Tyranna.
"Maupo ka Trina" sabi niya sa akin.
May mangilan ngilang libro na nakapatong sa desk nya.Iniabot nya sa akin ang mala golden brown na aklat na may pamagat na
The FOUR SECTIONS.
"Uumpisahan natin ang pag aaral through basic subject....as you observed,ang F.S.A ay nahahati sa apat na seksyon,the blue ,green,red and white..alam mo na ito tama?"
Tumango ako."Anyway let's proceed....dun sa history...history ng apat na section....page 31 Trina"
Bigla akong naalarma.
Agad Kong binuklat ang libro.
At dumako sa page 31.
At ang nakasulat...BLUE AREVALO.
"Basahin mo Trina" utos sa akin ni Ms.Tyranna.
Kinakabahan talaga ako.
"Ang blue o asul ay sumisimbolo sa kalayaan.
Kalayaan ang nasa isip ni Rodrigo Balitaan,nang mamuno sya sa pag-aaklas Laban sa mga Espanyol noong unang digmaang pandaigdig.
Bagamat sinasabing may dugong bughaw,Hindi niya iyon pinansin bagkus ay binigyang halaga ang buhay ng mga mahihirap.
Edukasyon ang ginamit niyang panlaban sa mga Espanyol,sinikap niyang maturuang bumasa at sumulat ang mga mahihirap.
Bunga ng maayos na pagtuturo nya ay ang kamalayan ng mga mahihirap sa pagkakaalipin sa kanila ng mga Espanyol.
BINABASA MO ANG
FEDERATION OF SPY AGENTS: The School(Book 1..completed)
General FictionSi Trina,anak mayaman..... Ngunit kinailangan nyang pumasok sa school na buhay ang tinataya. Si Inigo,...responsable.palaban...gagawin ang lahat para makumbinse ang kanyang Ina na isang guro sa school na kinabibilangan. Si Xer........happy go lucky...