Tan ./ audrey point of view.
Napakagaling ko talaga.Nakatakas ako at nakaalis sa F.S.A nang ganun ganun na lang ...syempre may tumulong sa akin.
Eh di sino pa..isa sa mga tao ni Master sa loob..
"Tan ..pinapatawag ka ni Master"
Isang buwan na ang nakararaan .
Nandito na ako sa Manila.
Nandito ako sa labas..malaya.
Wala na yung mga rules na tiniis ko sa bulok na iskwelahang iyon."Oo..susunod na ako"sabi ko habang naglalagay ng red lipstick sa aking magandang lips.
Nahuhulaan ko na ...
Pagsasabihan ako tiyak ni Master kasi di ko nagawa ang misyon ko.
Ihahanda ko na ang dalawang tenga ko.Nagpalit ako ng damit.
Then after minutes ay umalis na ako ng kwarto.
Sasabihin ko rin ba kay Master na tumalikod si Ate Sa misyon namin????Dapat!!!!!
Hindi pwedeng ako lang lagi ang masermunan noh..tsssssss
Naglakad na ako sa hallway..
Papunta sa may veranda.Nakasuot si Master ng puting polo shirt na fitted dito.
Nakatalikod sya at parang may hawak na malaking sigarilyo...este Tabako na parang sinaunang tao.Ahhh basta..mukha syang ewan..ganun pa rin sya.
Tumigil ako sa harapan nya..
Lumuhod ako sa kanya...syempre..palpak nga di ba??
"Sorry po Master...mission failed po ako"
Yumuko lang ako tanda na hiyang hiya ako sa palpak na misyon ko.
"Tumayo ka.. ok na yun..may bago kang misyon today..pupunta ka sa headquarter ng ating BoSsing...."
Huh????
May bossing pa kami..
Bukod kay Master....may Bossing pa????"Bossing????kala ko po kayo na ang pinaka boss??"
Takang tanong ko.Nag angat ako ng ulo pero nananatili pa ring nakaluhod.
"Hahahahahaha....Tan..bata ka pa nga..well bukas makikilala mo ang ating Bossing.. .utang na loob anak.tumayo ka na magagasgasan ang maganda mong tuhod"
Ngumiti ako kay Master sabay tayo.
Si Master Aoki na ang kinalakihan kong Ama ...ahhhh kami pala ni ate.
Habang bumabalik ako sa kwarto ay iniisip ko kung ano kayang itsura ni Bossing???
Bata pa kaya sya??,..naku parang mas matanda pa yata kay Master.Kinabukasan
''Hija ..sa Chopper ka na sumakay para madali.."sabi ni Master.
Nasa rooftop kami ng gusali.Nagcheck muna ako ng suot ko at nang mga dala ko.
Ngumiti ako kay Master at pagkatapos ay nagbeso beso.
"Bye po master Aoki...babalik po ako agad"sabi ko.
Ngumiti si Master.
"Patawad Hija....at salamat sa iyong serbisyo..." narinig kong saad ni Master.
"Kayo naman Master...mag iingat po ako...alam kong namimiss nyo na agad ako."sabi ko.
O.A kasi si Master.Sumakay na ako ng Chopper.
May kasama akong isang body guard at syempre yung piloto ng chopper.Lumingon ako saglit kay Master.Halata sa mukha nya ang pagkalungkot sapagkat aalis na naman ako...
Nagsimula nang umangat ang sinasakyan namin.
Nag wave ako kay Master.
BINABASA MO ANG
FEDERATION OF SPY AGENTS: The School(Book 1..completed)
General FictionSi Trina,anak mayaman..... Ngunit kinailangan nyang pumasok sa school na buhay ang tinataya. Si Inigo,...responsable.palaban...gagawin ang lahat para makumbinse ang kanyang Ina na isang guro sa school na kinabibilangan. Si Xer........happy go lucky...