"ATTENTION!!.PAGING MR.INIGO SANTIBILLAN.....PLEASE GO TO THE DIRECTOR'S OFFICE."
Napalunok ng laway si Inigo at waring natulala sa white board.
Napatigil sa pagdidiscuss ang guro na naka unipormeng in blue and black combination."Mr. Santibillan!!?,Hindi mo ba narinig ang announcement?"
"Sorry Mr.Marco"'saad ni Inigo sabay tayo,may tinap pa sya sa kanyang touch screen table sabay sakbit ng bag.
" wag kang mag alala.makakahabol ka naman tiyak sa klase" pakumpiyansang saad ng guro.
"Pero...Hindi lang naman po kasi kayo ang teacher ko,tiyak pag nalaman ito ni Ms.Kristina,paggagawin na naman nya ako ng reports'' naiinis na saad ni Inigo.
Nayayamot talaga sya sa maya't mayang pagpapatawag sa kanya ng director kung pwede nga lang magresign as student representative.
Nagbukas ang pintuan ng director's office nang may kung anong card na iniinsert sa side ng pinto.
Bumungad sa kanyang harapan ang nag uusap na sina director Kim at Ms.Tyranna,samantalang napansin nya ang isang teenager na nakatalikod sa kanya at nakaupo sa couch ang tila nagbabasa ng kung anong papel.
Ano na naman kaya ang nangyari?" Nandito na po ako Director Kim'' saad ni Iñigo sabay lapit sa mesa ng director.
"Oh mabuti at narito ka na, may ipapakiusap sana ako saiyo" saad ng director na halatang nasa edad kwarenta na pandak at mataba na para bang nauubusan na ng buhok sa ulo dahil halata na ang pagkakalbo.
"Ano po iyon director?" Agad nyang saad.
Lumapit si director Kim dun sa teenager na nasa couch na kung titingnan ay mukhang 2 taon lang naman ang tanda ni Iñigo sa teenager.
"This is Ms. Trina Montemayor,magiging bagong istudyante dito.'' maliwanag na sambit ng direktor .Napaawang naman ng bahagya ang labi ni Iñigo.
" ehh direktor,Di po ba nasa ikalimang markahan na tayo?mukhang Di po sya makakahabol''
Tumayo naman si Trina,nakaawang ang bibig nya sa pagkabigla.
" Anong ikalimang markahan ?ilang markahan ba meron kayo dito?" Ang tila nagpanic na si Trina.
Samantala sumabat si Ms. Tyranna.
"Ma's mabuti pa siguro na dalhin mo na lang Iñigo si Trina sa student quarter,uhm Trina si Inigo ang magpapaliwanag sa iba mo pang katanungan.''
Napakamot sa ulo si Iñigo.
Naiinis na talaga sya dahil lagi syang ginagawang chaperon ng mga bagong istudyante." Halika na!bilisan mo!!!"
Napatingin si Trina kay Ms.Tyranna.
Ngumiti lang si Ms. Tyranna.
Bumaling si Trina sa kanyang bagpack at maleta at sumunod sa istudyanteng si Inigo.Malayo na sila sa direktor's office at parang Di magkandadala si Trina kaya bahagya syang naiiwan ni Inigo.
Napalingon si Iñigo.
"Ano ba!!!! Bakit ang bagal mo!!!?"Nagmamadali namang lumakad si Trina.
TRINA'S. POINT OF VIEW
Haist,nuknukan naman ng sungit ang Iñigong ito.
"Teka,wala ka bang balak na tulungan ako?" Sabi ko,dahil talagang nabibigatan na ako sa maletang dala dala ko. Ano ba kasing laman nito at bakit pinadala sa akin?
BINABASA MO ANG
FEDERATION OF SPY AGENTS: The School(Book 1..completed)
General FictionSi Trina,anak mayaman..... Ngunit kinailangan nyang pumasok sa school na buhay ang tinataya. Si Inigo,...responsable.palaban...gagawin ang lahat para makumbinse ang kanyang Ina na isang guro sa school na kinabibilangan. Si Xer........happy go lucky...