Trina's point of view
Ano na naman bang problema ni Xer?
Ayaw nya yata sa aking presensya.At ano namang pinagkakabisihan nya?
Haist,mababaliw na yata ako.
"Uy Trina,ok ka lang ba?para kang ewan dyan.." saad ni Teban.
"Ok lang ako,nga pala Teban,napansin mo ba si Xer?"
"Huh????Ewan laging wala eh"
Ano nga kayang ginagawa nun?
Nauna nang pumasok sa kanilang classroom si Teban .
Samantalang hinintay ko pa si Iñigo.
Dumaan kasi ito sa faculty room.
May kukunin daw sya Kay Ms.Tyranna.
Alam naman namin na mommy ni Iñigo si Ms.Tyranna.Pero kunwari wala kaming pake.
Mukha kasing not in good terms ang mag ina.
Madalang kasi naming nakikitang nag-uusap ang dalawa.Usually,ay ipapatawag lang si Iñigo kasi may iuutos.Haist."Trina" he smiled
"Huh??? Ok na ba? "Tanong ko with a big smile.
"Yeah.. let's go"saad ni Iñigo.
Tinatahak namin ang way papunta sa B-black classroom.Medyo ok naman na ako sa lahat ng subject sa section na ito. Im just wondering kung bakit ako bumagsak sa Entrance Exam for incoming term 2.?Pero in a positive thought,ok na rin naman na napabilang ako sa blue section.
Still I can manage to memorize those different kinds of firearms.Napatingin na naman ako Kay Iñigo.
Napaka seryoso naman ng aura nya today.Suot nya ang eyeglasses nya kaya di ko masyadong makita ang reaksyon ng kanyang mga mata.Marahil ay seryoso ang pinag usapan nila ni Ms.Tyranna.Nakapasok na kami sa classroom ng B-black section,as usual dahil wala pa naman ang teacher namin,dinig na dinig na agad sa pintuan ang daldalan ng bawat istudyante.
Napangiti ako.Katulad rin lang sila nang mga kaklase ko dati sa wee black section.Ibinaba ko ang bag ko sa upuan ko,at pagkatapos ay umupo.
Ngayon ko lang mapagmamasdan ang kabuuang hitsura ng B-black classroom.Nung 1stday ko kasi dito ay nakafocus ako sa mga mangyayari.Well,kulay light blue ang paint ng wall ng air conditioning classroom na to.
May malaking white board sa unahan na nakadikit na mismo sa wall.Katabi nito ang touch screen board.
Walang teachers table sa unahan,unlike sa wee black classroom.Nakapagtataka lang ang dalawang English words at dalawang Tagalog words na naka ukit sa wall sa may left side ng classroom.Cursive pa ito at one ruler ang size per letter.LONG LIVE DUGONG BUGHAW
"Anong ginagawa mo?"narinig kong tanong nang isa kong kaklase.Yung babaeng katabi ko sa may left side .Hindi ko pa alam ang pangalan nya since pang ilang araw ko lang naman dito sa section na to.
"Naaliw lang naman ako dito sa nakalagay sa wall,bakit may ganyan sa wall?"
Medyo tiningnan nya ko ng masama at tila ba nagdadalawang isip sya kung sasabihin ba nya sa akin o hindi.
"Bakit ko sasabihin sayo?Eh saling pusa ka lang naman dito sa section namin?"mataray na sabi nya.Napansin kong parang may binulong pa sya.
BINABASA MO ANG
FEDERATION OF SPY AGENTS: The School(Book 1..completed)
General FictionSi Trina,anak mayaman..... Ngunit kinailangan nyang pumasok sa school na buhay ang tinataya. Si Inigo,...responsable.palaban...gagawin ang lahat para makumbinse ang kanyang Ina na isang guro sa school na kinabibilangan. Si Xer........happy go lucky...