Weapon 7: Goodbye

81 3 0
                                    

Trina's point of view

"Ahhh wala po,may naiwan lang po ako dito,uhm naiwan ko po yung panyo ko"
Napabuntong hinga na lamang ako nang napatango tango si Ms.Febe.
Sana'y maniwala sya sa mga dahilan ko.

Lumabas na agad ako sa library.
As if makukuha ko ang mga libro na iyon nang ganun lamang kadali.

Kailangan ko na siguro ang tulong ni Iñigo. Tama!!
Mahusay sya sa mga ganitong bagay.

New day..
Same problem.
Hindi ako patahimikin nang aking utak.10 pm na nang ako ay makatulog.Lagi kong iniisip kung bakit,bakit ganun?
Bakit may mga ganoong uri ng nilalang?
Sigurado akong lahat ng mga teacher dito ay nalalaman ang tungkol sa mga halimaw na iyon.Ngunit bakit nila tinatago?Bakit pa inililihim.

Napabuntong hininga na lamang ako.
Inayos ko na ang kama ko at nagdire-diretso sa mini-kitchen.
Binuksan ko ang freezer at kinuha ang carrots at kalahating kilong giniling na beef. Kakakuha lang nito noong nakaraang free day.Si Teban ang nag grocery kaya naman tambak ang mga karne at gulay sa ref. Ang reason nya ay of course pati gulay at karne ay kasama sa kanyang mga experiment.
Nagsimula na akong mag gayat nang carrots into little cubes,nang mapansing kong wala sa kama nya si Xer.Maayos ang higaan nya at parang wala ngang natulog roon.

"Hindi ba sya natulog?Hindi ba sya umuwi kagabi?"

Ilang araw nang ganun si Xer,lagi syang wala sa quarter,siguro dahil sa sakit nya,madalas siguro ay nasa clinic sya o kaya naman ay kausap si Ms.Lucy. Kahit ang mga dati nyang kaibigan na sina Teban at Iñigo ay hindi na rin nya nakakausap.
Mas madalas pa nga nyang kausap si Carisha,ang dati nyang classmate o dapat ko bang sabihing katulad rin nya ang sakit.

"Goodmorning Trina" bati sa akin ni Iñigo. He looks perfect sa kanyang military attire. Napaka tamis ng kanyang ngiti na para bang walang problema. Ano kayang magiging reaksyon nya kapag sinabi ko sa kanya yung tungkol sa mga halimaw? Maniniwala kaya sya sa akin?

"Trina,bakit di ka pa nagpapalit ?..wag mong sabihing magdadahilan ka na naman para makaiwas sa formation?"nakangising tanong ni Teban.

Napailing na lang ako. Lagi ko kasing tinatakasan, i mean iniiwasan ang formation every Wednesday.
Pero ngayon nag decide akong ayusin ang formation na ito.Kailangan ko ang ganitong pag-eensayo in case makaharap ko ang mga halimaw na yun. Mahirap maging mahina,mahirap yung hindi mo man lang alam kung sino ba talaga ang totoong mga kaaway mu.

Nagligo na ako at pagkatapos ay sinuot ang camouflage military attire in brown color. Sinuot ko rin ang boots ko na black.At syempre hindi ko kinakalimutan ang tila maliit na Asul na panyo na itinatali sa kaliwang braso na nag iindicate ng section.

Pagkababa ko sa ground floor ay nakasalubong ko ang grupo ni Mysmimi na MEAN girls, yeah lagi lagi na nila akong tinatarayan. Kasama din nila si Ericka. At mukhang close close na ulit ang drama nila.

"Aray!" Tinabig lang naman ako ni Mysmimi. Problema ba nito?Hindi maka move on?

"Pasikat ka na naman anoh? At ano yang suot mo?tsk so magpapasikat ka sa green field?" Nakangising saad ni Mysmimi while checking my attire.

" You know what guys kahit sa blue section pasikat sya ,at may taglay na kalandian huh!!" singit ni Ericka sa tonong waring ipinagsisigawan.

Napatingin na lang ako sa paligid,nakakahiya kasi kung maraming nakikinig. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ako ganun.Hindi ko na lang pinansin ang iba pa nyang mga sinabi,basta nagdire-diretso lang ako sa labas.
Lagi na lang sinasabi ni Mysmimi na kasalanan ko daw ang lahat,yung pagka ospital ko,yung pagbaba nila sa group exam at yung pagpapatawag sa kanya ng council.Haist
Bakit nya naman ako sisisihin?

Lumakad na ako papunta sa green field kung saan nagsasanay ang bawat istudyante .Kinalimutan ko muna ang mga sinabi ni Mysmimi at pinilit kong mag focus sa panonood sa mga ginagawang pag-eensayo ng bawat isa.

🎉 Tapos mo nang basahin ang FEDERATION OF SPY AGENTS: The School(Book 1..completed) 🎉
FEDERATION OF SPY AGENTS:  The School(Book 1..completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon