CHAPTER 4: 000913

181 36 104
                                    

Pagpasok nina Xer at Trina sa loob ng kwarto ay tumambad sa kanila ang makalat na kapaligiran at ang isang lalake na nakahubad at nakahiga sa kama.

Awtomatikong napapikit si Trina at tinakpan ang kanyang mga mata.
Napailing naman si Xer at agad nilapitan ang lalakeng nakahubad.

"Hoy....hoy...Teban..gising..."

''Ano ba?puyat kaya ako."saad ng lalakeng nakahubad.Kakamot kamot pa ito.

"Haist,gumising ka,kasi may bago na tayong kasama dito sa kwarto,bilis at magbihis ka,Hindi kagandahan ang iyong katawan....." Saad ni Xer.

Napabangon naman agad si Teban.

"Wow. Huh....nahiya naman ako sa katawan mo Xer.....sino ba yang....."
Natigilan si Teban ng makita si Trina.

"Tropa.....patay na ba ako at nagkikita na ako ng anghel" tila wala sa sariling saad ni Teban.

Napangiti tuloy si Trina.

"Sira!!!! Anak ng!tumayo ka na at magbihis,nakakahiya kay Trina..."

"Wow!!!Trina talaga pangalan nya?what a beautiful name..." Pahabol pang saad ni Teban .

Binatukan sya ni Xer at inabutan ng T-shirt.

Natawa naman si Trina.

"Pasensya ka na,Trina kay Teban,minsan kasi,sinasapian yan.."

"Anong sinasapian???ako...??? Ako????? Ako talaga????" Naghehestirical na sabi ni Teban.

Tiningnan ni Trina ang kabuuan ng kwarto.Malawak naman ito at malayo naman ang agwat ng bawat kama.

"Pasensya ka na ulit Trina,medyo magulo dito,dito nga pla ang kama mo sa may tabi malapit sa may veranda at saka ma's malayo sa amin para may privacy ka,at sa free day kukuha na lang tayo ng pang division or divider para maging komportable ka" sabi ni Xer.....sabay ayos sa mga kama.

Trina's pov

Di na masama ang kwarto.

Malaki naman at mukhang may mini kitchen.
Cream ang kulay ng wall at kapansin pansin ang picture ng eagle na parang umiiyak.

Grabe,sino kaya ang gumawa ng ganito kagandang obra.?

Nakita Kong lumabas na ng cr si Teban,nakadamit na sya.

"Sorry,Trina huh pwera Biro,ikaw ba talaga ang makakasama namin dito..?"

Nakita Kong ipinagpag nya ang kanyang red shorts at mahahalata base sa combination ng mga kulay nya na isa syang R-black students.
Pero hindi halata sa kanyang personality na tatambay sya sa laboratory huh.

"Oo eh.sabi ni Ms.Tyranna...dito daw ang room ko."tipid Kong saad.

" ahhhh kung ganun,saang section ka kaya kabilang ?"

Saan nga ba?
Nakita Kong natigilan si Xer sa pag aayos ng kama.Mukhang gusto nya ring malaman kung ano ang section ko.

"Ahhh Di ko alam ehh" mahina Kong saad.

Wala naman kasing sinabi sa akin si Ms.Tyranna.

"Huh????talaga!Hindi mo alam,ang weird naman,teka siguro naman,may student access card ka,anong kulay?"

Noon ko lang naalala.Agad Kong kinapa ang bulsa ng suot Kong jeans.

"White" bulong ko.....

Nakita Kong nagulat si Teban at ganoon din si Xer.

"Wee- black ka?Ibig sabihin,matalino ka ,henyo ka!ayos tropa,may wee black na sa grupo baka maka advance na tayo nyan sa group exam." Sabi ni Teban...

FEDERATION OF SPY AGENTS:  The School(Book 1..completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon